C. New Secretary

2.9K 83 0
                                    

"Bakit ganyan ang mukha mo Raze? Don't tell me naba-bother ka sa tinanong ng isang reporter's sa iyo?" Marami silang nakasakay, siguro mga dose sila at tatlo lang ang kilala ko. At puro sila lalaki, walang babae.

"I can feel na isa siya sa mga tuta ni Gru or ni Volter. Yung dalawang hinayupak na 'yon pinasabog ang sasakyan ko. Kaya isang b'wan akong nawala sa organisasyon.." Kilala niya si Volter. Kaya naman sa nalaman ko inilabas ko ulit yung phone ko at nag-voice record.

"About sa Golden Black Tigers Organization ay pansamantalang pinamamahalaan ng papa mo habang wala ka. Kaagapay niya sila Zack, Collin, Tyler at si Wesley. About naman sa Red Black Dragons Organization ay pinamamahalaan nila Dion, Van, Xion at si Stephen. Habang sa Big Three Organization ay pinamumunuan Ko, ni Nick, ni Azrael, ni Isaac..." Bali 13 lahat lahat sila.

"Thanks Yael alam kong mapagkakatiwalaan ko kayong lahat. Babawian ko 'yang si Volter na at si Gru. Mga hayop sila papatayin pa nila ako. Hindi nila ako kaya..." Pagbabanta na tono nito..

"Siyempre kapag masamang damo matagal mamatay.." Pahayag ni Zack kay Raze na tinutukan naman siya nito ng baril. "Gusto mo na bang makilala ang mga kamag-anak ko sa impyerno?" Nagbabantang pagtatanong nito kay Zack. Lumunok naman si Zack ng tatlong beses bago sumagot. "Joke lang naman Bossing. Ikaw hindi ka naman mabiro. By the way, napatay ko na 'yung sekretarya mong ubod ng higad. Na sobrang kupad naman kung kumilos. Madami na kasi siyang nalalaman about sa organisasyon natin eh. Balak pa yata tayong ipahamak.." Natatawang pahayag ni Zack kaya naman naalis na kaagad ang tensyon sa sasakyan.

Grabe! Ang akala ko medyo mabait 'tong si Zack hindi pala. First impression ko lang pala lahat ng 'yon sa kanya.

"Ilan na ba ang mga tauhan natin, Isaac? Para naman mapaghandaan ko ang pagbabalik ko kila Volter at Gru. Balita ko kasi lagpas 5,000 ang tauhan nila. Kasama na 'yung 5 Mafia boss na umanib na sa kanila..." Inilabas naman ni Isaac ang kanyang Ipod.

"Sa akin ay limang libo ang tauhan ko." Tapos nag scroll siya pababa..

"Kay Azrael ay limang libo rin.." Scroll down..

"Kay Yael ay limang libo rin.." Scroll down..

"Kay Zack ay anim na libong tauhan.." scroll down

"Kay Dion ay limang libo rin.." scroll down..

"Kay Nick naman ay pitong libong tauhan.." Scroll down

"Kay Stephen naman ay anim na libong tauhan.." Scroll down..

"Kay Xion ay walong libong tauhan rin.." Scroll down..

"Kay Van ay limang libo rin.." Scroll down..

"Kay Wesley naman ay sampung libong tauhan.." Scroll down..

" Kay Tyler naman ay sampung libo rin.." Scroll down ulit..

"At kay Collin naman ay labingdalawang libong tauhan ang mayroon siya.." Tapos kino-compute niya..

"Bali po 83,000 yung mga tauhan natin at yung butal na 17,000 na mga tauhan ay sa inyo na. Bali 100,000 ang mga tauhan natin. Sapat na iyon para matalo natin ang hukbo nila Volter at Gru na 5,005 lang ang mga tauhan.." Nagtawanan naman lahat sila. Pero ang mas malakas na tawa na nakakakilabot na narinig ko ay ang tawa ni Raze.

"Hm. Kamusta nga pala ang Pamilya ni Sarmiento? Napatay mo ba silang lahat? Wesley?" Ngumingiti ng tumango siya kay Raze. Nanginginig at pinagpapawisan na ng malamig ang kilikili pati na yung noo ko sa takot.

"Bossing, Paano na 'yan saan kami kukuha ng magiging sekretarya mo? Parang wala nang tao ang gustong mag-apply sa iyo. Buwan lang kasi ang tumatagal sa iyo. Tapos kapag may nalaman silang sekreto mo pinapatay mo na. Aish. Saan naman kaya ako hahanap?" Naiinis na pagtatanong ni Azrael kay Raze. Naglabas naman ng isang switchblade si Raze at pinaglaruan iyon sa kanyang mga kamay..

" Az, ikaw na ang bahala do'n kaya mo 'yan. Ikaw pa. Bakit hindi mo ipasok yung mga naging ex mo para naman maka-ganti ka sa kanila?" Pagsa-suggest ni Van kay Azrael.

"Basta gusto ko pagpasok ko sa opisina ko bukas. Mayroon na akong bagong sekretarya.." Napalunok naman si Azrael kay Raze. Para kasing makahulugan ang tingin ni Raze sa kanya. Parang 'kapag-hindi-ka-nakahanap-bukas-patay-ka' look.

"Ah-sige ngayon maghahanap na kaagad ako." Mabilis na turan nito na kasing bilis ni Raze na itinago niya ang kanyang switchblade dahil nag-park na yung nagda-drive sa isang bahay.. Ay mali hindi siya bahay kundi mansyon. Ay hindi pa rin parang sampung mansyon ang laki eh. Ah alam ko na Palasyo siguro 'to. Woah! Yaman niya mga beks! Ako nakatira nga lang sa condo tapos siya sa palasyo. Yaman.

Bumaba na silang lahat na maliban sa akin na nasa compartment pa rin ng sasakyan at hindi makababa kasi ang daming guard sa labas.

Inabot na ako ng gabi sa compartment ng sasakyan. Gutom at uhaw na rin ako. Feeling ko kaya ko ng kumain tao char lang hindi ako kanibal.

Sinilip kong muli sa labas ng sasakyan at wala ng body guard. Buti naman at makakauwi na ako. Pagapang akong lumabas sa compartment ng sasakyan upang hindi nila ako makita.

"Phew! Nakalabas na rin ako! Sa wakas!" Napa-lakas yata yung pagkakasabi ko no'n kaya nadinig ako ng isa sa mga ka-alyansa ni Raze.

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nasa compartment ng sasakyan namin?" Matigas at otorisado kung magtanong si Kuya sa akin.

Isa siguro siya sa mga nakasakay sa sasakyan kanina. Pero ano naman palusot ang gagawin ko?

"Espiya ka siguro ni Volter or ni Gru 'no? Are you his Minions?" wow! as in wow! Anong akala niya nasa Despicable Me kami? Hindi ko nga kilala si Gru eh. Pero may kilala akong Gru kaso nasa cartoon character lang siya eh.

Bigla naman niya akong binuhat na parang sako lang bigas.

Umakyat tuloy lahat ng dugo ko sa mukha ko.

"Saan mo ba ako dadalhin? Ibaba mo ng ako! Hindi ako lumpo! At mas lalong hindi ako bigas! Tao ako as S simula 'yan ng name ko!" Hinampas hampas ko siya pero wa-epek pa rin. Ang tibay niya, hindi siya nasasaktan, ako lang yata ang nasasaktan sa pinaggagawa ko sa kanya.

Pumasok siya sa isang kuwarto at inilapag niya lang ako sa sahig ng bara-bara. Bigas talaga yung turing niya sa akin. Inayos at pinagpagan ko ang sarili ko. Napansin ko na 13 pala silang nakapalibot sa akin. Huhu! End of the world na ba?

"Sino ka?" Matigas na taong sa akin nung Raze..

"Me? I'm Shanella Gucci Javialles." Tapos nagkatinginan sila sa isa't-isa at nagbubulungan pa.

"Ah ikaw si Ms. Rivive Kisser. Naalala ko na dahil sa iyo nabuhay muli si Boss. Aye!" Pahayag nung Zack sa akin. Siya ba yung lalaking nag-udyok sa akin na halikan ko yung mokong na 'to?

"Anong ginagawa mo dito? Magaling na ako.." Maiksing pahayag nito sa akin. At uminom ng alak na nasa harapan niya.

"Siya yung babaeng magiging sekretarya mo..." Pagtuturo sa akin nung Azrael yata yung pangalan. Ewan ko lang kasi hindi ako pala-tandain ng names eh.

"What?" Pareho kaming napasigaw sa gulat ni Raze dahil sa sinabi ni Azrael.

"O—oo boss siya na nga iyon.." Bigla naman natawa si Zack na nasa harapan ko na ngayon. Hinaplos haplos pa nga niya yung mukha ko eh. Malinis kaya kamay niya? Baka kasi magka-bacteria yung mukha ko eh. Dapuan ako ng mga pimples. Shocks! Ang arte ko do'n akala mo naman hindi pa 'ko tinutubuan ng pimples ever.

"You are my destiny..." Paninimulang kanta ni Zack sa harapan ko. Infairness sa kanya binasag niya yung ear drums ko. Papalitan mo 'to kuya.

"WTF! Ano bang problema mo Raze? Parang kumakanta lang 'You are..." Hindi niya na tinuloy yung kanta niya dahil naglabas na muli si Raze ng isang Pocket knife..

"Okay fine.. Goodluck young lady.." Paalala nito sa akin. Bago lumayas sa harapan ko..

"Sige tanggap na siya bukas..." At iniwan nila akong lahat sa kuwarto na gutom at uhaw..

"Hey! Pakainin niyo kaya muna ako o kaya naman painumin kahit tubig man lang..." Pahabol na sabi ko pdro hindi nila ako pinansin..

Sinubukan kong buksan yung kuwarto at hindi ko ito mabuksan. Na-lock ako!

They locked me up here...







@SEA_GM

The Doctor Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon