S. She Died

1.4K 51 0
                                    

Hanggang ngayon parang nasa isang malaking bangungot pa rin ako kahit na alam kong dalawang na ang nakakalipas. Hindi alam ni Raze na alam ko na pinapatay niya ang aking ama. Simula ng dumating ulit ako dito sa bahay na 'to, gusto ko na siyang sampalin at tanungin kung bakit niya pinapatay ang aking ama? Kung may problema siya sa akin sana ako na lang kinausap niya at hindi na humantong sa ganitong sitwasyon.




"Hi sweetie, I brought your breakfast here.. You wanna taste it!" Simula rin ng dumating ako dito. Naging nag-sweet sweet-an na ako sa kanya. At simula no'n parang pilit niya ibinabalik ang dating kami pero sa loob loob ko ay diring-diri ako sa kanya.




"Puwedeng ikaw na lang muna." Kung noon naku-cute-an ako kapag namumula siya ngayon ay mas namumula ako sa kanya dahil sa galit kung bakit niya pinatay ang tatay ko.




"Hmp. So naughty, and I like it." Yuck! I hate his sweetness in his body! "Talaga ba? Then why we could give it a try?" Pang-aakit na tono ko sa kanya. "Nah! Kung puwede lang, pero hanggat hindi pa tayo kasal, pigil pigil muna." Tapos sinubuan niya ako na parang bata lang. Sa una ayaw ko pero naalala ko pala na kailangan ko 'tong gawin para maibalik ko muli ang tiwala niya sa akin.




"Say 'ahh!' din sweet, Raze!" Tapos sinubuan ko rin siya. Kung sa ibang couple matatawag natin na sweet itong ginagawa namin ngayon. Pero para sa akin nandidiri ako sa ginagawa ko sa kanya. "Ang sweet natin 'no? Ah—hm. Sweetie, Can I ask you a question. Kapag ba inalok kita ng kasal papayag ka ba?" Naibuga ko naman ang iniinom kong tubig sa mukha niya. Buti na lang at nag-mouth wash muna ako bago ako kumain.



"Ah—hm. O-oo n-naman k-kasi m-mahal k-kita. Hehehe!" Kasabay no'n ay hinalikan niya ako nagulat nga ako kung, bakit niya iyon ginawa eh? "Bakit parang mukhang nagulat ka? Hindi mo ba inaasahan na hahalikan kita or hindi mo lang nagustuhan yung halik ko sa iyo? Don't worry mag-aaral ako at habang nagaaral ako ikaw naman ang pagpa-practice-san ko."




"RAZE HOBBIT VEGA SANTILLIAN! Masyado ka na ah!" Sabay hampas ko sa braso niyang matigas. "Hmm. Ikaw din ah, magugustuhan mo rin 'yun hindi nagtagal!" Inirapan ko na lang siya sa kagustuhan niya.






Urgh! Matapos ang nakakadiring eksena namin dalawa ni Raze. Gusto ko sana isuka ang lahat ng iyon sa harapan niya kaso baka mabulilyaso ang plano ko sa kanya. Napagpapasyahan ko na puntahan muna ang puntod ni papa. Na-miss ko rin 'to kahit na dalawang araw pa lang ang lumipas.





"Bakit ganyan ka papa? Bakit mo na kami kaagad iniwan ni mama? Kung kailan naman na mabubuo na tayong muli at saka pa nangyari itong trahedya na ito. Ipinapangako ko sa iyo papa na hanggat nabubuhay ako sisiguraduhin ko na magbabayad si Raze sa ginawa niyang pagpaslang sa iyo!" Habang humahagulgol ako sa puntod niya may malamig na hangin naman ang naramdaman ko simula batok hanggang braso.





"Papa, ikaw ba 'yan? Pa, alam kong masama ang maghiganti sa kapwa pero— Gusto ko lang naman ng hustisya para sa iyo. Ayokong mamatay ka na hanggang nabubuhay ako ay nandirito pa rin ang salarin nagpapakasaya sa buhay niya." Patuloy pa rin ako sa pagiyak hanggang sa napagdesisyunan ko na ihiga ang ulo ko sa lapida ng aking ama. Ngunit patuloy pa rin ang masaganang pag-agos ng aking mga luha.







Nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Tapos may mga anghel pa na nagkakantahan, nagsasayawan at mga nagku-kuwentuhan ng puro kagalakan sa kanilang mga labi. Bakas sa kanila ang saya na nadarama nila dito, hindi ko nga makita na malungkot sila dahil lahat sila ay nakangiti. "Where Am I?" Tanong ko sa isang anghel na dumaan sa harapan ko. Nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.






"Ah—excuse me, what place is this? I didn't know this place kasi eh." Tanong ko sa anghel na may hawak nang trumpeta. "Binibini, ikaw'y nasa paraiso. Ah, halika marahil ay kanina ka pa niya hinahanap. Ikaw ba'y si Shanella?" Wow! Grabe naman kung managalog 'tong batang 'to, hindi kineri ng utak ko masyadong malalim. Nasa sinaunang panahon ba ako? Charr.






The Doctor Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon