R. He's dead

1.3K 52 0
                                    

"Shanella! Can we talk?" Ayan kaagad ang pambungad na bati sa akin no Raze pagpasok ko sa opisina niya. Pasalamat siya at good vibes ako ngayon kasi malapit ng gumaling ang mama ko at malapit na rin ang uwi ng papa ko.






"About, what? You know Raze, hindi mo naman kailangan ipaliwanag sa akin kung, bakit tayo nag-cool off? Naiintindihan ko na na-misunderstanding mo lang yung nakita mo na niyakap ko si Tyler. Pero sana bago sinabi na mag-cool off na tayo sana inisip mo muna 'yan. Because in the end of the day you will regret na nakipag-cool off ka sa akin. Eh 'di sana ngayon, tayo pa rin." Inilagay ko ang bag ko sa sofa niya.






"Urgh! Lakas talaga ng apog mong babae ka. Eh hindi naman 'yun yung gusto kong sabihin sa iyo. Tss.." O My Goat! Bakit ko ba kasi siya pinangunahan? Ayan tuloy napahiya ako. Bakit hindi ko kasi siya hinayaan na magsalita? Ang feeling ko rin kasi eh 'no. Feeling ko tuloy parang may baga na sa loob ng pisngi ko sa sobrang pula na sa kahihiyan.






"Okay. So ano ba yung paguusapan natin?" Umiwas ako sa kanya ng tingin dahil kapag tumingin ako sa kanyang mga mata. Nababalik lang sa isipan ko ang nakakahiyang nangyari sa akin kanina. Fil-Am na yata ako ngayong araw na ito.






"Gusto ko i-cancel mo lahat ng appointments ko sa mga clients ko." Tumango naman ako sa kanya at saka ko kinuha ang bag ko at dinial lahat ng mga clients niya para sabihin na hindi na tuloy ang appointments nila kay Raze.






"Tapos na. Uuwi na muna ako sa amin." Papaalis niya ako ng dali-dali niyang kinuha ang bag ko. "Give back my bag, Moron!" Pero makulit talaga siya kaya iniangat niya ang aking bag na hindi ko talaga siya maabot. "Hm. Paano kung ayoko? May magagawa ka ba eh boss mo 'ko?" Is he mocking me?






"Eh 'di 'wag sabi mo eh." Sabay tadyak ko sa *toot* Birdy niya *toot* kung makikita niyo lang hitsura niya ay para siyang natae na ewan. "SHANELLA! Makakaganti rin ako sa iyo! Urgh! Fvck! Cruel maiden!" Daing niya sa sobrang sakit. Aww, wawa naman siya nabasag ang kanyang alagang aso. Arf!






"Then makikipag-balikan ako sa iyo kapag nagawa mo 'yan. Bye!" At umalis na ako sa opisina niya. Siguro didiretso na lang muna ako sa mall para makapamili ng lulutuin ko sa condo ko. Yeah right, sa condo lang ako nakatira kasi ako lang naman wala naman akong kasama or kinakasama. At saka umuuwi naman din ako sa bahay ko sa Las Piñas tuwing sabado at linggo.






Masayang masaya ako ngayon kasi magaling na ang mother ko, finally makakaalis na rin siya sa hospital. Tapos si papa, by two months nandito na rin siya. Kaya double celebration na ito, plus, walang Raze na aaligid aligid sa akin. Hmp, bahala na nga siya sa buhay niya malaki na siya. Sobrang saya ko na talaga ng may nandukot ng bag ko. Ni hindi ko nga siya napansin na dumaan sa harapan ko kasi busy-ing busy ako sa pagmo-monologue eh.





"OH MY GOAT! NADUKUTAN AKO! HELLO HELP ME! NADUKOT PO ANG BAG KO!" Pero parang shunga lang ako sa kakasigaw kasi wala naman pumapansin sa akin. No choice ako kundi habulin ang riding in tandem na tumangay ng bag ko. Shocks! Bakit ba kasi nagkalat sa mundong ito ang mga mandurukot! Grr.






"Ito na boss yung bag niya." Dire-diretso na sana ako ng madinig ko ang boses ni kuya. Sumilip ako ng bahagya at tama nga ang kutib ko sila ang nagnakaw ng bag ko. "Good job. Here's 20,000 for your talent fee." Parang boses iyon ni Raze. Pero hula ko lang iyon kasi nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko alam kung si Raze ba iyon o kaboses niya lang. "Salamat boss. Sige aalis na kami." Pagpapaalam ng dalawang lalaki na riding in tandem.






"Where is she?" Pahabol na tanong niya sa mga mandurukot kuno.






"Ah nando'n sa parking lot ngawa ng ngawa kasi nawala yung bag niya. Siguro nagmo-monologue siya kaya hindi niya kami napansin." Tumawa naman ng bahagya si Raze. "Okay. Go now baka may makakita pa sa inyo." Pagtataboy ni Raze sa mga riding in tandem.






The Doctor Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon