J. Gabing Umulan

1.6K 65 0
                                    

Raze Hobbit Vega Santillian





[*Bang! Bang! Thug!*]






Hayop na Ventura 'yon nagpadala pa sa akin ng death threat ang akala naman niya madali akong matakot. Matagal na akong takot kaya sanay na ako. Bata pa lang ako namulat na ako sa mga bagay na nakakatakot at sa pakiramdam na natatakot.







"H'wag mo akong patayin Raze.. Maari naman natin pag-usapan 'to... Kahit na anong mangyari naging magkaibigan naman tayo dati, hindi ba?" Masarap sa tainga na madinig mo sa isang tao kung gaano siya kadesperado na huwag siyang patayin. Ganyan nga Ventura! Bravo!







"HUWAG! MAY IPAGTATAPAT AKO SA IYO... May plano si Volter at Gru na kidnapin ka... Hindi ko lang alam kung sino ang pinag-utusan nila... Basta alam ko ki-kidnap-in ka nila.... Kaya mag-iingat ka..." As if naman na kaya nila ako.. Madami yata akong tauhan.. Hindi nila kakayanin kung kidnap-in man nila ako..







"Salamat Ventura, kahit papaano pa pala ay pinahahalagahan mo pa rin ang pagkakaibigan natin... Pero sorry it's your time to shine..." Naglabas naman siya ng isang baril sa akin.. Sabi ko na nga ba, traydor 'to kung tumira si Ventura..







"Patayin mo man ako ay ayos lang.. Atleast namatay ako ng lumalaban.." Wow! Naghahanap yata ng award ang isang 'to bago man lang niya makita ang mga kamag-anak ko sa impyerno..








"Boss kailangan na natin umalis.. May paparating na kasing mga pulis at media.. Baka makita ka nila.. Kaya tara na, patayin mo na 'yan..." Pagka-usap sa akin ni Tyler.. Naririnig ko na nga ang tunog ng mga pulis..







Inilabas ko na ang aking balisong at saka itinarak sa kanya. Labas tuloy yung small and large intestine niya. Dumura naman siya ng dugo sa mukha ko. Ang langsa ng dugo niya sing langsa ng pag-uugali niya.. Hayop na traydor...








Umalis na kami sa lugar ng crimen ng bigla kong maisip yung sinabi sa akin ni Ventura...








Sila Gru at Volter balak akong kidnapin nagpapatawa ba sila? Kaya kayà nila akong kidnapin? Tss 100,000 kaya yung mga tauhan ko... Hahaha... Nakakatawa sila....








Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko ng may bahagi ng isipan ko ang nagsasabi na hindi kaya siya? Matanong ko na nga lang kaya siya mamaya....









Alas syete y media na ako ng makarating sa bahay akala ko nandito si Shanella a.k.a Ella. Nasaan na naman kaya napadpad yung tangang babaeng 'yun? Tinanong ko yung isa sa mga maids ko pero sabi nila "Sorry po boss hindi namin siya nakita.." Pinaalis ko na kaagad siya sa harapan ko, baka kasi mawala ako sa sarili ko at mabaril ko siya.. Ayoko pa naman na may ginagawang karahasan dito sa bahay ko.. Puwede pa sa storage room..








"Ano kamusta siya?" Pagtatanong ko sa kanya..


"Tama nga boss ang hula mo... Siya nga.." Pahayag naman niya..


"Alam mo na ang dapat gawin.." Ngumiti siya ng makahulugan sa akin bago umalis.. I know your plan, kaya sasakyan kita diyan...



























Shanella Gucci Javialles









"Manong ito po yung bayad oh..." Sabay abot ko sa matandang driver na nasakyan ko. Ang bait kasi niya kaya tinaasan ko yung tip ko sa kanya. Kuwento kasi siya ng kuwento about sa love story nilang dalawa ng asawa niya kaso nasa langit na kasi yung babae...





"Madame malaki po ito. Maari naman po na huwag na. Trabaho ko po na i-entertain ang mga pasahero ko. Sige na po Madame.." Sinosoli sa akin ni Manong ang bayad ko pero umiling lang ngumiti na bumaba sa sasakyan niya.





Oh holyshine! Alas dose y media na ng makauwi ako sa subdivision na tinitirhan ni Raze. Nako baka galit na galit na sa akin niyan si Raze pero sabi naman niya sa akin gagabihin daw siya kaya okay lang 'yan.





Papasok na ako ng gate ng biglang umulan ng pagkalakas-lakas. Sheez, chineck ko yung bag ko at wala akong kadala-dalang payong. No choice ako kundi maligo sa ulan.






Magkakasakit yata ako nito... Mahina pa naman ang resistensya ng sistema ko.. Madali akong tablan ng sakit.. I wish you were here, mom... I wish you were dad too.






"Miss... Anong kailangan mo  dito? Bawal solicitations dito.. Bawal pulubi dito.. Sayang maganda ka pa naman pero pulubi ka na... Ke-bata bata tumakas sa puder ng pamilya kaya ayan ang napala hindi alam kung ano ang gagawin sa buhay.. Litong lito.." Pahayag ng guwardiya sa akin na sinang-ayunan naman ng kasama niya nagkakape..







"Manong naman papasukin na po niyo ako.. Sinasabi ko po sa inyo kilala ko ang nakatira diyan, boss ko po iyon.. Kuya dali na malakas na po ang ulan wala pa naman po akong dalang payong... Sige na po baka magkasakit pa po ako nito eh.." Tinignan ako ni kuya at saka tumawa ng malakas hawak hawak niya ang tiyan niya..







"Kasalanan ko pa kung tanga ka? Bakit hindi ka nagdala ng payong? Sinabi na naman sa balita uulan daw ngayong gabi.. Hindi kaya yata nakikinig eh.. Maganda at sexy ka sana kung hindi ka lang sana tatanga-tanga.." Napa-tsk naman yung isa niyang kasama.. Nako, pasalamat kayo hindi ako marunong gumamit ng baril baka napatay ko na kayo sa inis... Nakakagigil..







Basang-basa na talaga ako at nanginginig na rin ako sa lamig.. Ohh—hoo! Nagtatayuan na ang lahat ng balahibo.. Nanginginig na rin ang buong sistema ko..







"Bakit ngayon ka lang dumating?" Napatalon naman ako sa gulat kung sino man ang nagsalita mapapatay ko siya.. Pero mas lalo akong nanginig hindi sa lamig kundi sa takot.. Nakakatakot ang mga mata niya parang punung-puno ng galit.. Mga kamay niyang nakakuyom na sa galit, siguro dahil sa akin..







"K—kanina k—ka p—pa d—diyan?" Nangangatal na pagtatanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman bigla bigla na lang uminit ang pakiramdam ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.. Hindi na rin ako makapag-isip ng ng maayos..







"Papasukin niyo na kami.." Pahayag niya sa mga guardiya na nagkandarapa na buksan ang gate para sa amin dalawa..







Parang nanlalambot ako sa hawak niya sa akin.. Medyo dumidilim na rin ang paningin ko..





















To Be Continue.....














@SEA_GM

The Doctor Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon