O. Same Birthdays

1.5K 62 0
                                    

Nagising ako ng mga 5:00 am in the morning. Bumaba ako para naman makapag-jogging ako, matagal tagal na kasi ng huli akong nag-gym baka hindi na ako sexy mukha na akong chubby.






Bumaba ako na suot ay buong black. Akala mo tuloy may libing akong pupuntahan. Tapos yung hitsura ko pa na pang-black aura. "Where are you going?" Ay—palaka—si—Raze! Magkakaroon na siguro ako ng heart attact matapos ang misyon ko kay Raze.






"Kanina ka pa ba nandiyan?" Parang hindi ko naman siya napansin kanina siguro puro monologue lang kasi ang inaatupag ko kaya hindi ko siya napansin kaagad.






"So, magji-gym ka ba? Well sabay na tayo doon rin naman ang punta ko eh." Parang may kakaiba sa kanya. Hindi kaya na lason siya ng hawak ni Bill sa abs niya. Ay—Juiceko! Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyari kagabi? Tss.






"Hey I'm talking to you. Nakikinig ka pa ba sa akin? Like you are out of mind, iniisip mo pa rin ba hanggang ngayon yung nangyari kagabi?" Is he reading my mind? Does he know that hindi ako nakatulog kagabi dahil do'n? Grr.






"Ah yes nakikinig pa rin ako. So tara ka sa gym baka abutan na tayo ng araw." Paanyaya ko sa kanya. Parang hindi naman siya naniniwala sa akin kasi feeling niya nagsisinungaling ako. Well totoo naman.







Habang nasa sasakyan lang kami ay tahimik lang ako. Hindi ako umiimik tanging nagsa-sight seeing lang ako. "Shanella Gucci, Kung sakaling mamahalin kita. Handa ka bang tanggapin ako kahit na isa akong MAFIA?" Hindi ko aakalain na itatanong sa akin 'yun. Kasi masyado siyang suplado at seryoso para sa tanong niya.






"Kung mahal na mahal naman talaga kita bakit hindi? There's no perfect in this world. We are all sinners, kahit na ano at sino ka pa? Wala akong pakialam dahil ang mahalaga sa akin ay mahal mo ako at mahal rin kita. Kahit ano pa man mangyari ikaw pa rin yung lalaking mamahalin ko hanggang kamatayan." Ngumiti naman siya ng tipid at namula ang tainga niya pati na ang cheeks niya.






Halata naman na hindi niya maitago ang pagka-kilig niya sa sinabi ko. He's cute when he was acting like that. "Oyy kinikilig siya. Ako naman ang magtatanong. Ano ba ang klaseng babae ang papasa sa taste mo?" Mukhang wala naman siyang balak na sagutin ang tanong ko kaya 'di bale na lang..






"Sige h'wag mo nang sagutin. Alam ko naman na medyo private na yung tinatanong ko eh. So change topic na lang." Ngumiti ako sa kanya ng tipid lang.






Sabay kabig niya pakanan. "Isa lang gusto sa babaeng right handed para kahit kailan hinding-hindi ako kakaliwain." Right handed po ako! Ay assuming na ako ng taon, as if naman na magugustuhan ako nito eh hater niya ako, basher pa! At saka nandito ako para gawin ang misyon ko para hindi humanap ng love life. Balik operation: Kidnaping The Mafia Boss.






"Ah gano'n ba? Haha, ang galing naman pala. Eh kung paano kung nagkagusto ka sa kaliwang babae? So it means itatago mo na lang 'yun Forever? Hindi ka na aamin sa kanya?" Medyo nahihiyang pagtatanong ko sa kanya.






"Aamin pa rin siyempre. Pero kasi naniniwala ako sa destiny. Medyo napaka-awkward kung iisipin na isang MAFIA BOSS ay naniniwala sa DESTINY. Pero kasi mas maganda kung parehas kami na kanan para wala sa isa amin ang mangangaliwa. Ang korny ko 'no? Huwag mo na nga lang ako intindihin." Nandito na pala kami sa gym kaya bumaba na siya.







"Raze, Paano ka ba ma-in love? Paano ba ma-in love ang isang Mafia Boss?" Pumasok na kami sa isang gym at pina-check yung katawan namin pati bag.






The Doctor Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon