F. Guns Vs. Daggers

2.2K 85 0
                                    

Hilong-hilo ako na bumaba sasakyan ni Raze. Aba't ang mokong na 'to dire-diretso sa loob habang ako na may jetlag ako pa pinagpadala niya ng maleta niya. Susmaryosep! Kapag ganito ang lalaki dito sa mundo. Nako! Hindi na po ako mag-aasawa mas maganda pang maging matandang dalaga ka na lang.

At least wala akong aalagaan na bakulaw. Pfft! Atsaka sabi nila masakit daw manganak kaya no way na lang.. Pero—err nevermind..

"Dalian mo naman. Stupid ka na nga. Ambagal mo pa kumilos. Ano ba itong nakuha mong secretary Azrael? Napaka-kupad mas mabagal pa yata 'to sa pagong eh.." Pagpapagalit niya sa akin at kay Azrael..

"Bro. I hired her from being secretary not being your yaya.." Pagtatanggol sa akin ni Azrael..

"Halika tutulungan na kita. Alam kong may jetlag ka pa eh. Hayaan mong ako na ang magdala nito." Ang gentleman naman ni Tyler. Ehem! Yung isa kasi diyan mas gusto niya pa na pinapahirapan ako. Hayop lang sa dilang hayop.

"Pinapatay na yung mga bayani sa panahon na ito, Tyler.." Pang-eechos naman ni Raze kay Tyler.

"Hindi naman siya bayani eh. Nagpapaka-gentleman lang siya sa akin. Hindi tulad ng isa diyan dada ng dada. Utos dito utos doon wala ng ginawa kundi pahirapan ako. Pasalamat siya boss ko siya kundi...." Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"Buti pa nga eh may isa lang lalaki na gentleman dito sa mundo kasi kapag wala na. Nako, mas mabuti pang marami na lang ang maging single.." Lumapit naman siya sa harapan ko. Yung one inch na lang ang pagitan namin sa isa't-isa. Yung kaunting tulak na lang ay maki-kiss na ulit kami..

Bigla tuloy nag-flashback sa utak ko yung nakakadiring scene namin ni Raze. Nakakainis talaga 'yun at saka nakakasuka.

"Lumayo ka sa akin. Baka gusto mong maging fried egg yang baby floppy bird mo! Wawa ka naman.. ⊙︿⊙.." Medyo tonong pang-aasar ko sa kanya.

"Then, touch it. Touch it if you can.." Panghahamon niya sa akin. Napa-atras naman ako sa sinabi niya at dumiretso na lang ako sa kuwarto ko. Pero..

"Saan yung kuwarto ko?" Pagtatanong ko sa kanya. Nagulat naman siya kasi binalikan ko siya. Pero 'wag siyang assuming 'no, 'di siya ka-guwapuhan.

"Wala kang kuwarto.." Tapos sinalubong niya ako at tinitigan. Nilagpasan na niya ako bago siya muling nagsalita.. "Sa akin ka matutulog.. Sa kuwarto ko ikaw matutulog.." Huling pahayag niya bago siya pumasok sa isang madilim na sulok.

"Ano?! What?! Teka, Hoy animal ka talaga! Bakit ako sa kuwarto mo matutulog? Baka reypin mo ako ah! Baka gusto mo akong gahasain! Nako—" Hinahabol ko siya pero nawala na siya sa paningin ko. Pumasok ako sa isang madilim na kuwarto.

Feeling ko ito na talaga ang kuwarto ni Raze. Kasi madilim yung vibes dito kasing dilim ng budhi niya. Pagpasok ko nakita ko siya na umiinom ng wine. Tapos hawak hawak niya yung phone niya. Teka umiiyak ba siya? Halimaw? Umiiyak?

"Kung alam mo lang.... Sana ako na lang..." Bigla naman akong na-hatsing kaya napasara ko ang pintuan ng malakas..

"Ella? Ikaw ba 'yan?" Tapos pinihit niya ang doorknob at nakita niya ako. (^v^)v " Wala akong narinig. Sige mag-emote emote ka lang diyan. Dito na ako matutulog sa sofa. Good night." Mabilis na tugon ko sa kanya. Baka kasi pagalitan niya pa ako 'no.

Buti naman at hindi niya na lang ako pinansin. Pero hindi talaga ako makatulog. Parang namamahay yata ako. At saka hindi pa naman ako nakainom ng gatas. Kaya hindi ako makatulog.

Dahan dahan akong naglalakad para hindi ko siya magising. Baka kasi maghumerantado na naman siya. Pagbaba ko doon sa may sala ang ingay ingay nilang dose. Sumilip ako kung ano ang ginagawa nila.

The Doctor Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon