Busy-ing busy ako sa pagtingin sa mga pasyente ko ng biglang sumulpot si Mr. Volter.
"Kamusta na Ms. Javialles? Matagal tagal rin tayong hindi nagkakausap ah. Any updates? It's been two weeks.." Ang matandang talaga 'to kahit kailan hindi na ako tinigilan. But wait oo nga pala two weeks na simula nung iniutos niya iyon sa akin..
"I have my plans kung papaano ko magagampanan ang misyon ko. Don't worry may one week and two days pa akong natitira kaya don't rushed me." Kasabay no'n ay tinalikuran ko na siya. Ayokong makipag-away sa matandang 'to baka kasi tanggalan niya ano ng trabaho at worst patayin niya pa ang pamilya ko. Na wala naman kaalam-alam dito.
"Just make it sure na makakadalo siya sa up coming birthday celebration ko. Double celebration kaya 'yun first dahil na-kidnap ko na ang pinakamayaman na business man in Asia and two ipapakasal ko siya sa aking unica hija na si Florida." Excited na aniya sa akin.
"Kaya kung ako sa iyo paspasan mo ang pagdukot sa lalaking iyon kundi ay malilintikan ka talaga sa akin!" Napairap na lang ako sa mga hangin na dumadampi sa balat ko.
"Shanella!" Panggugulat sa akin ni Yuan.
"Ay—baklang—Yuan!" Sa sobrang gulat ko sa kanya nasabi ko tuloy na bakla ang crush ko. Nakakahiya kaya, Shucks!
"Oyy hindi ako bakla ah. Nanggu-good time lang.. Na-miss kasi kita.. Antagal mong hindi sa akin nagpapakita. Galit ka ba sa akin? Nagtatampo ka ba? Or may LQ ba tayo babe?" Nasampal ko naman yung dalawang matitipunong braso niya sa sobrang hiya. Narinig kasi ng ibang intern at doctor yung pinagsasabi ni Yuan.
"Anong babe-babe ka diyan? Ikaw Yuan hilig mo na lang akong i-good time 'no? Ikaw kasi walang hiya sa mga taong nakakarinig at nakakakita sa atin kaya okay lang eh. Paano naman ako? Nakakahiya kaya yung sinabi mo. Mamaya maniwala sila sa atin na tayo ngang dalawa! Tsk, diyan ka na nga!" Iniwan ko naman siya doon sa may lobby ng hospital ng tumatawa.
"Babe, h'wag ka na kasi magselos pa sa kanya. Alam mo naman na ikaw lang mahal ko kesa sa kanya eh. Love you babe!" Aish! Ewan ko parang may mga butterflies na nagliliparan sa tiyan ko. Tapos parang nasa fun racing naman yung dagundong ng puso ko. Ang gulo!
"Aye, doc may boyfriend ka na?" Pang-eechos sa akin ng isang doctora.
"Seryoso may boyfriend ka na?!" Gulat na gulat na pagtatanong ng kasama niyang doctor din.
"Bakit mukha ba akong hindi kaligaw-ligaw?" Mataray na pagtatanong ko sa kanya. Kung ilagay ko kaya siya sa O.R. at operahan ng walang anesthesia!
"Tara na nga.." Inirapan niya muna ako bago siya umalis sa paningin ko. Eh kung nilagyan ko kaya ng aspili yang mata niya. Urgh!
Raze is calling..
["HELL—O!?"] Nailayo ko naman yung phone ko sa tainga ko. Kalalaking tao anlakas lakas makasigaw sa phone.
"BAKIT BA? MAKASIGAW 'TO AKALA MO NAMAN NASA BUNDOK TAYO! GRR! BAHALA KA NGA DIYAN, BYE!" Ganting sigaw ko sa kanya at saka ko siya binabaan ng telepono.
Raze is calling..
Hindi ko na lang sinasagot ang tawag niya sa akin. Pinatay ko ka lang phone ko. Tutal papauwi na rin lang naman ako sa bahay eh. Ayoko muna makita ang pagmumukha ni Raze, nakakainis na lalaking 'yun.
My jaw dropped when I saw HIM. Black and cold aura on his handsome face. Parang mala-action star lang ang datingan niya. Huhubells! Tatawagin ko na talaga lahat ng mga santong kilala ko!! Huhu!! Paktay na ako nito!!
BINABASA MO ANG
The Doctor Has A Secret
AçãoWritten by: SEA_GM The Doctor Has A Secret is now completed.