Susmaryosep! Hindi ko talaga keri ang ginagawa kong 'to. Ini-stalk ko ang lalaking 'to! Ang isang hudas-barabas-hestas na 'to na umagaw ng halik sa akin..
Wait?
Huh?
Forget about that..
"Boss kamusta sa hospital? Balita ko isang b'wan ka daw na-coma ah.." Pag-uusisa ng lalaking sumalubong sa kanya pero hindi niya lang ito pinansin at dire-diretso..
"Balita ko may sexy-ing doctor daw ang humalik sa labi mo. Aye, may bago na siyang ka-forever..." Panunukso ni kuya kay Raze. Tumigil naman ito at hinarap ang lalaking nang-eechos sa kanya. Ni-leeg niya ito ng....
"Arf! Arf! Arf!" Biglang tumahol ang aso na kanina pa pala na nasa tabi ko.. Nako, Pisti-pisti na ang buhay ko. Paktay na! Huli na diz.
Nakatingin lang sila sa akin at parang nagulat kung ano ang ginagawa ko sa may halaman at doon ko pa naisipan na mag-tago.
"Ayon si Ms. Revive Kisser oh! Raze ano ng balak mong gawin sa babaeng 'yon?" Tanong ng isa niyang tauhan. Itinaas niya lang kamay niya at itinuro ako..
Wala na akong ginawa kundi tumakbo ng napaka-bilis nag-a.k.a the flash tuloy ako ng wala sa oras.
Pisting aso kasi 'yon eh kundi niya ako tinahulan e 'di sana may mga impormasyon pa akong nalaman. Aish..
Naglakad na lang ako na parang normal lang at walang humahabol sa akin kasi pinagtitinginan na ako ng nag tao kung bakit ako hingal na hingal?
Hindi magandang plano ang sundan ko siya kaya kailangan kong mag-isip ng bagong way para naman maka-isip ako kung papaano ko siya maki-kidnap.
Nag-para na lang ako ng taxi at diniretso nito sa aking condo sa Cubao..
Pagod na pagod kong hinilita ang katawan ko sa kama kong king size.
Dahil sa wala naman akong nakuhang impormasyon tungkol kay Raze ay binuksan ko na lang tv..
[*Ring! Ring! Ring! Ring! Ring!*]
Psh! Si Mr. Volter na naman...
"Ano na naman?" Pagalit kong pagtatanong sa kanya. Ang kulit kasi niya eh..
"Galit ka ba?" Parang nang-aasar na pagtatanong niya sa akin.
"Sabihin mo nga sa akin kung ano ang kailangan mo? Andaming alibi eh.." Hindi ko na talaga maiwasang hindi magtaray kasi naman.. Itong lalaking 'to... Ang hirap niyang ma-stalk lahat ng accounts niya naka-private...
"Alam ko na mahihirapan ka sa pinapagawa ko. Kaya naman bigla akong nakaramdam ng awa at bibigyan kita ng one month para matapos mo ang trabaho mong 'yan. Good luck Ms. Shanella, isipin mo na isang tumor sa utak lang ang tinatanggal mo... Bye.."
Ang kapal talaga ng mukha ni Mr. Volter, at ang tanga ko talaga kung bakit ko siya sinusunod..
From: Mr. Volter..
"Huwag kang magtatangka na magsumbong sa mga otoridad kung hindi ay matatanggal ka na sa trabaho patay pa pati pamilya mo.. Just think about it..."
Napaka-sama talaga ni Mr. Volter. Kinuha ko ang litrato ni Raze at tinitigan ito sa mata..
"Ang pula naman ng mata nito.. Hindi kaya may sore eyes 'to? Pero Bakit ka nga ba pinapadukot sa akin ni Mr. Volter? Ano bang kasalanan mo sa kanya?" Napailing na lang ako sa sarili. Bakit ko ba naisipan na kausapin ang litrato ng mokong na 'to as if naman na sasagutin ako no'n 'di ba?
"Nabubuang na yata ako eh..." Bulong ko sa sarili ko at binuksan ko naman yung tv ko at nakita ko ang flash report..
"Mainit na Balita:
Magpapa-presscon daw ang nag-iisang pinakamayaman dito sa buong Asia. Si Mr. Raze Hobbit Vega Santillian...."
Hindi ko na tinapos ang balita at nag-quick change na ako. Pupunta kasi ako sa pag-gaganapan ng presscon. Pero hindi naman kasi ako journalist or media. Mag-hire na lang kaya ako ng isang journalist or isang media na papasok sa loob. Tama!
"Ah, Miss. Puwede ka bang makausap.." Pakiusap ko sa babaeng reporter na umi-stop sa harapan ko..
"Bakit Miss kilala ba kita?" Pagtatanong niya halatang nagmamadali kasi siya.
"Dalian mo Miss kung may sasabihin ka sa akin sabihin mo ka huwag munang patagalin pa. Male-late na kasi ako sa presscon ni Raze..." Hala oo nga pala! Bakit kasi ako tulala eh. Nako naman.
"Gusto kong tanungin mo si Raze sa mga bagay na alam mo at nakita ibigay mo sa akin lahat ng impormasyon na nakalap mo.." Tinaasan niya ako ng kilay. Ipinakita ko sa kanya ang limang libo at inilagay sa palad niya iyon.
"Sinusuhulan mo ba ako?" Tuma-taas na Yata yung altapresyon ko sa babaeng reporter na ito.
"Nope. Binabayaran lang kita para sa mga impormasyon na makakalap mo para sa akin. Okay sige umalis ka na baka nagsisimula na yung presscon.." Pa-alala ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. At ngumiti naman ako ng slight lang..
Dahil sa naiinip ako sa pag-aantay sa babaeng reporter. Nagpunta na lang muna ako sa parking lot kung nasaan yung mga tauhan niya. Sobrang dami namang lalaking nakapula rito. Darating ba si Lucifer? Hindi naman nila ako na-inform..
Lumapit ako sa isang magandang sasakyan. At inilapit ko ang tainga sa dalawang lalaking naguusap..
"Alam mo Dion, napaka-lupit talaga ng mga Mafia Boss 'no katulad ni Raze. Pinapatay nila yung mga tao.." Hala! Si Raze isang Mafia Boss! Pumapatay siya ng tao! Agad kong inilabas ang phone ko at i-set sa voice record..
"Ganyan talaga kapag mga Mafia. Pumatay ng mga taong kalaban nila sa negosyo lalong lalo na sa organisasyon. Alam mo ba, kaya niya pinatay si Cruz kahapon kasi balak nitong umalis sa organisasyon. Eh alam niya pa naman lahat ng sekreto ni Boss. Sayang siya 'no, inilagay niya yung sarili niya sa peligro. 'Yan tuloy dinala na siya ni Boss kay Kamatayan..." Sabay hithit niya ng sigarilyo at buga sa puwesto ko.. Kainis na mga lalaking 'to dito pa talaga sa pumwesto ko naisipan nila na ibuga yung sigarilyo..
"May Mafia bang mabait?" Nabatukan naman siya ng lalaking kausap niya..
"Naka-hithit ka ba ng shabu?! Siyempre wala! Gago ka talaga Zack! Alam mo punta na lang tayo mamaya sa bar mamaya para makalimutan mo 'yang katangahan mo.." Sabay bato ng sigarilyo sa tapat ko.. Ini-stop ko na yung pagre-record ko.
Umalis na ako ng makita ko ang mga reporters na naglalabasan na. Pumunta na kaagad ako sa main gate ng presscon.
"Pst! Pst! Pst!" Tawag ko sa babaeng binayaran ko kanina.
"Pst!" Buti naman at nakita niya ako na nagtatago sa likod ng mga halamanan..
"Ito na oh.." Sabay abot niya sa akin ng papel na pinagsulatan niya.
"Thanks sige alis na ako.." at kumaripas na ako ng takbo papunta muli sa parking lot. Pero nando'n pa rin yung mga lalaking naka-pula na kasing kulay ng regla ko kapag nag-uumpisang araw pa lang.
Nagtago ulit ako sa pinag-taguan ko. Pero wala na yung dalawa. Si Zack at si Dion. Nasaan na kaya sila. Naramdaman ko na lang na may isang lalaki na papalapit sa puwesto ko. Kaya napatago ako sa compartment ng sasakyan.
At nakita ko na si Dion nga ang naghahanap sa akin. Pero hindi niya ako nakita kasi magaling akong nakapagtago. Hahaha! I'm so great! Kaya lang nararamdaman ko na umaandar na pala yung sasakyan. Oh-noes yung kotse ko naiwan ko sa parking lot.
Sumilip ako kung sino ang nakasakay. Nakita ko si Raze, yung Dion at yung Zack. Patay saan nila ako dadalhin?
@SEA_GM
BINABASA MO ANG
The Doctor Has A Secret
AksiWritten by: SEA_GM The Doctor Has A Secret is now completed.