P. Party

1.3K 66 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit yung kuwintas na may R&S ang binili ko. Iniisip ko na lang na kahit na makagawa ako ng kasalanan sa kanya at least kahit papaano ay naging mabuti naman ako sa kanya. Wala naman akong intensyon na patayin siya ang akin lang ay, kidnapin siya at dalhin sa mismong kaarawan ni Volter.





Omy, speaking of the devil andito rin siya sa jewelry shop. Is he stalking me? Kasi kahit saan ako magpunta lagi siyang nakasubaybay sa akin. As if naman na papalpak ako 'no, takot ko lang sa kanya.





Bago pa man siya makalapit sa akin ay itinago ko na ang binili kong necklace para kay Raze. Regalo ko 'yun sa kanya at ayokong malaman ni Volter na reregaluhan ko si Raze baka kasi kung ano isipin niya. Alam niyo na, madumi kung mag-isip si Volter baka mamaya sabihin niya na nagkakagusto na ako kay Raze. Eh hindi naman totoo 'yun, echoserong matanda kasi! Tsk!





"What are you doing here, Volter?" Pekeng ngiti ang sumilay sa aking mga labi.





"Hm." Bigla siyang umikot mula sa likuran ko. Buti na lang sa bag ko inilagay ang gift ko para kay Raze. "Gusto ko sanang bigyan ng necklace si Florida. Yung anak ko na ipapakasal ko kay Raze. Gusto ko kasi sa araw ng kasal nila eh maganda ang suot niyang kuwintas, hindi ba?" Pagtatanong niya sa akin habang namimili siya.





"Kailan ba ang kasal ni Florida?" Huminto muna siya sa pamimili. "Sa araw ng kaarawan ko." Simpleng sagot niya na nagpatigil sa akin. Sabay tawag niya sa sales lady. Aalis na sana ako ng bigla niya aking hinila. Parang may kinuha siya sa bag ko.





"Akin na nga iyan!" Inaabot ko ang kuwintas na ireregalo ko kay Raze. Huwag naman niya sanang sirain.





"Bakit mo bibigyan ng kuwintas si Raze? Birthday niya ba ngayon?" At tinignan niya ang nakasulat sa kuwintas. R&S!





"Hmp. Pampalubag loob ko lang 'yan sa kanya. Gusto ko naman na maalala niya rin ako kahit papaano sa magandang paraan. Matapos ang gagawin kong misyon para sa kanya. Kaya akin na 'yan!" Buti naman at nakinig siya sa akin. Pero ang akala ko ibibigay niya ito sa akin ng kusang loob.





Pero hindi pala. "Sige kapag hindi mo sa akin ibinigay ang kuwintas na 'yan. Isusumbong kita sa mga Guards na ginugulo mo 'ko! Guard!" Naging alerto naman ang mga guardiya at agad silang lumapit sa akin. "Okay. Fine. Hindi ka naman mabiro Ms. Javialles. For pete sake, bakit naman kita guguluhin? Diyan ka na nga. Miss akin na 'yung binili kong kuwintas." At naglaho na siya sa paningin ko.





Umuwi naman ako sa bahay na hanggang gate ay dinig na dinig ko ang malalakas na tugtugan na nagmumula sa loob. Marahil ay nagkakasiyahan na sila ngayon. Lalong lalo na siguro ang birthday celebrant, si Raze. Ako kaya kailan kaya nila maalala ang birthday ko? Kung sana nandito ka papa. Kung sana may malay ka na mama. Siguro wala na akong hihilingin pa sa birthday ko.





Pagpasok ko sa gate ay mahigpit ang seguridad. Kinapkapan talaga ako ng bonggang-bongga na as if naman na nasa lahi namin ang mukhang palaban at matapang at laging nasasabak sa gulo. "Naniniguro lang Miss. Kahit na ba sabihin natin na maganda ka eh baka gumawa ka ng gulo dito sa Party." Baritonong ani nung Guard.





"Bro papasukin mo na 'yan. Isa 'yan sa taong pinaka-hahalagahan ng boss natin. Sige ikaw rin baka gusto mo nang matanggal sa trabaho ng wala sa oras." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad na naman akong pinapasok ni kuyang guard sa loob. "Don't worry kuyang guard. I understand, sinisiguro mo lang ang kaligtasan namin lahat. Dahil parte iyon ng trabaho mo. Keep up the good work kuya." At saka na ako pumasok sa loob.





The Doctor Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon