CHAPTER FORTY EIGHT

520 39 0
                                    


Ito Na po ang Flashback 😂
Ayoko talaga matapos itong story😂

Dahil mahal ko kayo ang story Na Ito ay parang FPJ's Ang Probinsyano Hindi matapos tapos😂 Skl.😊
__________


FLASHBACK (PART 1)

Sabel: (pumasok sa kwarto nina Frank at Rachel) Frank iho ako muna ang mag-aalaga sayo huh! Umalis sina Rachel kasama ang mga bata (naupo sa kama) bumalik kana Frank hahayaan mo bang mag-isa Na lang si Rachel?

At sa puntong iyon bigla Na lang nagmulat ng mata si Frank.

Sabel: (napatakip ng bibig)

Frank: (tumingin Kay sabel)

Sabel: na-ri--rinig mo ba ako Fr-ank?

Frank: (dahan dahan siyang tumango)

Agad Na tinawagan ni Sabel si Doctor Santos.

Doc: Frank kaya mo bang igalaw ang iyong mga kamay?

Frank: (ginalaw ang kanan at ganoon din ang kaliwa)

Doc: kaya mo bang sabihin sa akin ang buo mong pangalan?

Frank: Fr-an-k Go--m-ez...

Doc: ok Frank Gomez may mga anak kaba?

Frank: (tumingin sa Doctor)

Sabel: doc parang Hindi niya maalala.

Frank: Me--ron. . . Apat sila. . Si. . .Fran---ly, si. . Fr-an-chel, Yu--mie at . .si Co-bby.

Doc: Good. . Tama ka nga Mr. Gomez, kung may apat kang anak sino naman ang asawa mo?

Frank: (bahagyang napangiti) si Rachel Taleon Gomez!

Sabel: (naluluha) Nagbalik Na si Frank!

Frank: Na saan sila!? (Luminga linga)

Doc: Mr. Gomez magrelax ka muna nang sa ganoon ay lumakas ka (may itinurok kay Frank) magpahinga ka muna!

Tuluyang nakatulog si Frank. . .

Doc: Na saan ba sina Rachel?

Sabel: doc umalis po sila kaninang madaling araw. . . Pumunta sila sa Batanes.

Doc: (naupo) siguradong nasa biyahe pa lang sila, wala ka bang maaring tawagan sa Batanes?

Sabel: si Josefina ang mama ni Frank!

Tinawagan nga ni Sabel si Josefina.

Josefina: hello Sabel?

Sabel: Josefina may maganda kaming balita si Frank gising Na.

Josefina: (napatakip ng bibig) totoo ba yan Sabel?

Sabel: narito nga ngayon si Doc. Santos para asikasuhin si Frank.

Josefina: salamat sa diyos. Maari ko ba siyang makausap!?

We Found Our Home (CharDawn) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon