I know most of you ay hindi gusto ang maldita con impakta character ni Maine dito pero don't worry, di naman po sobrang sama, medyo maarte lang at maldita lalo na kay RJ. Naghihiganti in her own way ang bida nating babae. Far from her laging inaaping role sa mga istorya.
Anyway, may story behind her attitude naman and here it goes...
Maine's
Natapos na rin ang taping. Nakakadrain kasama ang Sebastian na iyon.
Napagod ako pero hindi naman ako makatulog. Nakapaligo at nakapagpalit na ako ng damit pero nandito pa rin ako sa kama ko na ayaw dalawin ng antok.
Naalala ko ang ginawa ko kaninang mga utos kay RJ. Hindi naman halatang siya lang minamaltrato ko. Slight lang naman ang mga utos ko sa kanya.
Then nagsink in sa akin, di ko nga pala siya PA. Bodyguard ko siya. Hala! Mali ata ang job description na pinapagawa ko sa kanya well in fact dapat tagabantay ko lang siya.
Wrong. Very wrong ako doon. Pero hindi ko kase makalimutan ang nakaraan ko. Kung paano ako napunta sa ganitong estado. Kung paanong naging ganito ako. Di naman ako masamang tao dati. Actually mabait pa rin ako kaya lang may nabago ng kaunti lang naman ng gawan ako ng kalokohan nila Julie, kasabwat pa ang RJ na yan dahil patay na patay siya dati kay Julie kaya naman kahit anong ipagawa sa kanya ay sumusunod siya. Kaya sa ayaw man niya o hindi, damay siya sa galit ko.
Naisip ko tuloy ang nakaraan ko. Tutal naman di pa ako nakakatulog, sariwain ko nga ang mga naganap sa akin nung Fourth Year high school ako.
Flashback..
Typical student ako. Matalino daw at fast learner pero may pagka tanga kase utu-uto. I'm studious that's why may seat ako sa honor roll.
I have this huge crush kay RJ pero dahil nga sa itsura ko, I know imposible niya akong mapansin. Kahit naman ang mga kaklase kong iba ay may crush sa kanya. Pero ako, di ako vocal. Pasilay-silay. Sulyap ng patago, ganun lang ako.
Our teacher Ms. Santos said one day na may project kami. And akalain mong kagroup ko si RJ. Partners kami sa project na ito. Kaya excited ako pero di ko pinahalata.
The day came para sa paggawa ng group project namin. It was a Saturday. Gagawa kami ng isang documentary kung saan lilibot kami sa mga mall o kahit saan para magvideo ng mga kabataan. Kailangan maipakita ang mga activity nila during the dat kase nga daw parang nawawala na ang pagiging active ng mga kabataan sa physical activities dahil sa social media. So iyon ang gagawin namin.
Sinundo niya ako sa bahay namin ng alas diyes ng umaga. As usual ang gwapo ni RJ. Mabait naman siya kaya lang nasasama doon sa grupo nila Julie kaya nagmumukha rin siyang salbahe.
"Ready ka na Capili?" Yun ang bansag nila sa akin. Sa apelyido talaga.
"Okay. Tara na. Saan tayo magsimula?"
"Doon tayo sa gym. Tignan natin kung may mga kabataan ba doon na nagwork out." Sabi niya.
Tumango lang ako. Naglakad lang kami at dalawang kanto lang naman ang gym sa amin.
Dala ko ang DSLR ko na regalo ni Ate Nikita.
Matapos sa gym, dumiretso kami sa simbahan at sa iba't- ibang lugar na sa tingin namin ay imposibleng pagtambayan ng mga kabataan.
Nakatapos kami sa araw na iyon ng kumpleto na ang nakunan namin. Mabait pala siya at gentleman. Kahit naman alam kong pinagtatawanan kami dahil may kasama siyang pangit pero di siya affected. Hay lalo ata akong nainlove!
BINABASA MO ANG
My Saucy Girl
FanfictionA Maichard Story.. How would you break your own rule when you have declared that falling inlove with the person is the last thing you want to do? Or the least thing you intend to do? Find out how two opposite person, realize that when love knocks o...