9

1.2K 94 1
                                    

RJ's

Eversince that night nung nagdine out kami with Miss Maine na nagkagulo ang fans, I was tasked to keep close to her.

Alam ko nag-aalangan siya sa akin pero nakita ko na di na siya masyadong nag-uutos at nagtataray kapag kaharap ako. Posible kayang may naramdaman din siya nung magkayakap kami?

Kung ako kase ang tatanungin, I felt the spark. She feels so right sa mga bisig ko. But then I know, part lang ako ng security niya. And di naman siguro siya papatol sa body guard. Imposible!

Pero bakit ganun? Tutol ang puso ko sa sinasabi ng utak ko. I begin to get drown to her. Parang ang lakas ng hatak ng karisma niya sa akin. I enjoy looking at her during work. And even, I am excited to go to work just to see her. Ang lakas ng dating ng amo ko sa akin. Sobra. Kaya lang I should keep it that way dahil ayoko rin mapahiya. Baka sabihin napakataas ng ambisyon ko at nag-iilusyon akong maari rin siyang magkagusto sa akin. Hindi kapani-paniwala.

****

Bukas na ng gabi ang reunion namin. Nagconfirm na daw ang karamihan sa mga dati naming kaklase. First ever reunion namin iyon after 8 years.

Ang balita ko, pupunta daw yung kaklase naming si Capili. Sinabi lang sa akin ni Jerald na isa sa organizers ng reunion. Tamang-tama makakahingi na ako ng tawad sa kanya. I feel like I owe her an apology. Baka kase nasira ko ang buhay niya in a way. And besides, alam ko parte ako ng pagkakamali na iyon kahit di ko alam ang balak nila Julie.

Speaking of Julie, nabalitaan kong engage na siya. Good for her. Mabuti at may nagseryoso. Sa style kase nila ng mga tropa niya, ang hirap magseryoso sa kanila. Mga utak kriminal din kase ang mga iyon. Buti na lang bago pa ako tuluyang nahulog sa kanya, nakita ko na agad ang tunay niyang ugali. Naturn-off ako.

Nagpaalam ako kay Miss Patty na hindi ako makakapasok bukas dahil uuwi ako ng Laguna para sa reunion namin. Pumayag naman siya at sinabing magpapahinga si Miss Maine dahil hectic ang naging schedule niya this past few weeks. Kakatapos lang kase niya sa Teleserye nila nung baguhang aktor na si Sebastian Blake. Sa wakas natapos na din ang ts na iyon dahil nga isa yun sa nagpapainit ng ulo ni Miss Maine. Pirmi na lang din kaseng mali sa linya. Kung ako na lang sana siya, malamang kayang-kaya kong ideliver ang linya niya. Di hamak na mas gwapo ako doon no! E wala! Isang lang akong body guard.

Nalulungkot ako kahit naman dalawang araw lang akong mawawala sa Maynila. Mamiss ko kase si Miss Maine.

Anyway, makikita ko naman siya pagbalik ko kase ang alam ko meron siyang guesting sa isang travel documentary show. Sa Palawan nga daw at obligado kaming sumama. Excited na ako kase first time ko na makasama sa isang probinsiya. Malayo sa Maynila at Calabarzon na pirmi lang naming napupuntahan.

****

"Rj my friend! Kamusta na?" Bati ni Jerald. Nandito na ako sa reunion. Maaga talaga akong pumunta. Pinahiram ni Dad ang kotse niya sa akin para di na ako mahirapang magbiyahe.

"Ayos naman. Ikaw tol?"

"Okay din. Konti pa lang ang dumadating. Pero nakita ko na sila Thea. Ayun yung grupo nila Julie. Grabe bababoom si Julie pare!"

"Tsk! Di ako affected."

"Weh? Oo nga pala wala na kayo! Sino syota mo ngayon pare?"

"Wala. Nag-aaral pa si Riza at si Angel."

"Anong kinalaman ng sagot mo sa syota?"

"Di pa nga pwede!Makulit ka!"

"Relax.. Gets ko na. Okay... Hehehe.. Martyr ka pare!"

"Diba responsable lang?"

"Ganun pa rin yun! Tara na doon tayo kala Val."

Tinitigan ko si Jerald.

"Oo na pare. Kami na. Pakakasal na nga kami!" Guilty na sabi niya.

"Hahaha! Nadale mo rin pala!"

"Sinabi mo pa! Patay na patay sa akin. Ang gwapo ko diba?"

"Ikaw na!"

Naglakad na kami papunta kala Valeen. Nakita ko na nakatingin sa akin ang grupo nila Julie. Pero di ko pinansin. Ayokong makipag-usap sa kanila.

"Hi Val!" Bati ko.

"RJ! Buti nakarating ka."

"Never gonna miss this."

"Sinabi ko nga! Ano ng trabaho mo? Diba Nurse ka na?"

"Yup! Kaya lang nabore ako sa daily routine kaya nagbago ako ng trabaho."

"Ano na? Call Center?"

"Hindi."

"Eh ano?"

"Body Guard."

"What? Kaya ba nagpalaki ka ng katawan? Pero kanino? Politiko ba?" Matanong talaga itong si Valeen tulad ng jowa niyang si Je.

"Kay Maine Mendoza."

"Sheeeeett! Talaga? Hingi mo naman ako ng passes! Gusto ko yun! Idol ko siya! Please RJ!" Tili ni Valeen kaya napatingin ang iba sa amin.

"Mahal, baka makunan ka naman. Ang lakas ng tili mo. Pero RJ? Talaga? Maganda ba sa personal? Sheeeetttt! Ako din passes ha!" Isa rin pala itong si Jerald. Magjowa nga sila ni Valeen.

"Sige na nga. Hihingi ako kay Miss Patty, yung manager niya para sa passes sa Eat Bulaga. Para makapanood kayo."

"Wow! Thank you! Aasahan ko yan! Ikamusta mo ako kay Maine ha! I love it!" Kilig na kilig na sabi ni Val. Malakas nga talaga ang karisma ni Miss Maine sa fans. Phenomenal nga diba?

Nagpatuloy pa kami sa pagbabalik-tanaw ng biglang nagkagulo. Biglang may nagpalakpakan.

Napatingin kami nila Val sa kung sino ang dumating.

Si Capili.





A/N No proofread.

My Saucy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon