RJ's
Hindi ko alam kung bakit espesyal ako sa amo ko. Ako ata ang paborito niya. Kase ako lang ang lagi niyang inuutusan. Samantalang may PA naman siya. Nakakahalata na ako, parang mainit ata ang dugo ng babaeng ito sa akin.
Bakit nga ba? Ano bang kasalanan ko?
Wala naman akong ginawang masama sa tanang buhay ko.
Ayyy! Oo, meron! Pero isang beses lang yun. At hindi na naulit.
Tanda ko pa nung Fourth Year ako. Yung kaklase kong si Capili, naatasan lang naman ako ni Julie na yayain maging date ko. Actually, dare lang yun para mapatunayan ko daw na mahal ko siya. And dahil hangal ako, ayun pumayag ako. Pero di ko naman alam na may masamang balak pala sila. Akala ko mabait na sila kay Capili dahil iyon ang press release nila. Grabe hindi pala. Lingid kase sa kaalaman ko at ni Capili ay kinukuhanan nila ng candid shots ito para gawan ng video sa Grad Ball namin. Kaya naman laking gulat ko nung ng makita ko na now showing sa screen ang mukha ni Capili. Kahit naman sino ay mapapahiya dahil pinakita sa video ang mga eksenang hindi katanggap-tanggap.
Kaya naman nung araw na yun na umuwi yung is Capili ay nawalan na kami ng balita. Parang bulang naglaho si Capili. Ang mabigat, hindi man lang ako nakahingi ng tawad. Gustuhin ko man kaya lang wala na siya.
As for Julie at sa tropa niya, narealize ko na masama pala ang ugali niya kaya nakipagbreak ako sa kanya sa pamamagitan lang ng Messenger. Nagdeactivate ako ng account ko. Nag-aral sa malayo kay Julie para di na niya ako masundan at nagbago ng pangalan sa FB. Ayoko na kaseng balikan ang mga nakaraan dahil nahihiya ako kase naging accessory ako sa krimen na iyon. At kahit pa di deliberate, may special participation pa rin ako. Hanggang ngayon pilit pa rin akong binabagabag ng konsensiya ko. At sana makita ko si Capili para makahingi ng tawad ng makamove on na ako. Pero sad to say, wala na talagang balita sa kanya. Asan na kaya siya?
Ang sabi ni Samuel, mayroon daw kaming class reunion. Sana umattend si Capili kase aattend ako. Gusto kong humingi ng tawad. Baka sakaling magbago ang buhay ko. Feeling ko karma sumisingil sa akin e.
Mabalik kay Miss Mendoza, maganda sana siya kaya lang ang sungit at paborito nga akong utusan. Nakakawalang gana.
Pero di ako magresign. Kapag wala naman siyang iniuutos sa akin at busy siya sa tapings, guestings at shootings ay panatag ako. Masaya rin kase kasama ang mga katrabaho ko lalo na si Kuya Jose at Kuya Wally. Kaya mas gusto ko na ito kaysa magtrabaho sa ospital.
Kailangan umisip ako ng paraan para makuha ko ang loob ni Miss Maine. Para naman mawala na sa akin ang favoritism niyang utusan ako.
A/N This is for Yssa. Thanks for reading anak.
And to all my loyal readers.
Good Night.
No proofread.
BINABASA MO ANG
My Saucy Girl
FanfictionA Maichard Story.. How would you break your own rule when you have declared that falling inlove with the person is the last thing you want to do? Or the least thing you intend to do? Find out how two opposite person, realize that when love knocks o...