8

1.2K 100 6
                                    

Maine's

I was forced to treat my team dahil sa katarantaduhan nito ni Paolito.

"Ikaw pahamak ka!" Bulong ko kay Paolo. Natatawa pa ang loko.

"Bakit?"

"Anong bakit? Wala naman akong balak magblow out at gusto ko ng magpahinga, ikaw hayup ka, isinangkalan mo pa ako makasama mo lang yang bagong body guard ko."

"Magtigil ka na! Nandiyan na yan. At saka umoo ka kaya wala kang karapatan magreklamo!" Sagot ng baklang ito.

"Hmmmp! Pahamak!"

"Ngumiti ka. Mahahalata nila na napipilitan ka lang." Bulong ni Pao.

Sumimangot ako. Pero nakita ko si Faulkerson na nakatingin sa akin kaya yumuko ako at nagkunwari na nakatingin sa pagkain ko.

"Madame, salamat sa pa-food. Ikaw na pinaka the best na amo talaga!" Sigaw ni Kuya Wally mula sa pinakadulo.

"Naku wala po iyon Kuya. Para sa inyo."

Nagpatuloy kami sa pagkain ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya tumayo ako. Pagtayo ko, siyang tayo ni Faulkerson.

"Miss Maine, mag-CR po ba kayo?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Samahan ko na po kayo." Sabi pa niya.

"Malapit lang naman. Kaya ko mag-isa." Sabi ko na walang ngitian.

"Kahit na po. Para makasiguro lang. Samahan ko na kayo. Hintayin ko na lang kayo sa labas." Makulit din ang lalaking ito kaya pumayag na ako.

Naglakad na ako papunta sa comfort room. Nakasunod lang siya.

Natagalan din ako kase nagretouch ako ng lipstick ko.

Paglabas ko naroon siya sa labas at nag-aabang.

Lumakad na ako at nilagpasan siya ng biglang may sumugod na ilang fans na hinintay lang pala akong makuyog. Nagpanggap silang mga kustomer sa resto.

Wala na akong magawa. At dahil nagkakagulo ang ibang fans, niyakap ako ni Faulkerson para hindi ako makuyog ng sobra.

"Maine! Maine! Pa-picture!" Sigaw ng mga fans. Nagkakagulo na sila. Nalaman kase siguro na naroon ako dahil may iilang kumakain sa resto na iyon.

Bago kami nakalagpas sa mga fans ay matagal. Pinaalis ng mga waiters, guards at mga body guards ko ang mg nagkakagulong fans para makabalik ako sa table namin ng grupo ko.

"Ayos ka lang Miss Maine?" Tanong ni Faulkerson. Doon ko lang napagtanto na nakayukyok pa rin pala ako sa dibdib nito. Napalayo ako.

"Sorry. Wala na ba?"

"Wala na po. Pasensiya na. Niyakap ko na kayo kase nagkakagulo na ang fans ninyo. Wala akong magawa kanina kase tayong dalawa lang. Pasensiya na po."

"Ayos lang.. Salamat. Muntik na akong mahablot."

Maya-maya lumapit sila Paolo at Patty.

"Mapag ka kase Meng! Sinabi ko na kase sayo na sa condo mo na lang tapos nagpadeliver tayp ng food. Ayan muntik ka ng mapahamak." Si Patty na parang ate ko kung sermunan ako.

"Okay na. Wala naman nangyari sa akin."

"Hmmp! Faulkerson salamat ha. Kundi sayo, baka itinatakbo na natin sa ospital ang babaeng ito."

"Okay lang po,Mam Patty."

"Hindi okay. Higpitan ninyo pagbabantay sa babaeng yan. Minsan tumatakas pa yan."

"Pat, tama na. Okay nga ako diba? Please.. Uwi na tayo. Pakibayaran na yung bill natin. Mauna na tayo. Pagod na ako. Gusto ko ngagpahinga." Yaya ko.
>
"Mabuti pa nga."

Bumalik na kami sa mesa namin. Si Paolo naguilty. Inaasar din kase ni Ursula.

"Uuna na kami. Pasensiya na sa inyo." Sabi ko sa mga body guards at staff ko.

"Salamat Mam. Ayos lang nabusog kami." Sagot ni Kuya Ryan na head ng security ko.

Nagpahatid na ako sa driver ko na si Mang Joey. Pagod na pagod talaga ako.

Habang pauwi, binalikan ko ang nangyari. Isa lang napagtanto ko.

Ang tigas ng dibdib ni Faulkerson.

Ang bango pa.

Hay naku! Napailing na lang ako. Nakuha ko pang lumandi kahit naman kinukuyog na ako ng fans.

Hala! Di pwede. Di maganda sa paningin.

Pero ang bango talaga. Dumikit na ata sa ilong ko.

Ang tanong...














Maliligo kaya ako?

Ay ewan!


A/N  Goodnight!

No proofread.

My Saucy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon