15

1.2K 95 2
                                    

Maine's

I was on my way to a shoot when Mang Joey said na naflatan kami ng gulong.

"Mang Jo, ngayon pa talaga?"

"Wala tayong magagawa anak. Kailangan mavulcanize ito kung gamitin natin ang spare. Malayo ang biyahe natin."

"Matagal pa po ba?"

"Medyo anak."

"Naku mahuhuli na ako. Di ko namalayan na tanghali na kaya nalate ako ng gising. Tapos eto pa. Paano na yan?" Tanong ko na alam ko din ang sagot.

"Ganun talaga. Mag-Grab ka na lang. Pasamahan kita kala Jose." Sabi ni Mang Joey.

"Ganun na nga po. Kaya lang wala akong app nun Mang Joey."

Bumaba si Mang Joey at ang lahat ng bodyguards ko. Ako lang ang naiwan. Kinausap niya si Kuya Ryan para ibook ako ng Grab.

Ilang minuto rin ay may dumating na kotse.

Akala ko si Kuya Ryan ang sasama sa akin, si RJ pala.

"Tara na Miss Maine." Sabi niya.

Tumango lang ako.

Sumakay na ako sa likod. Bitbit ang ilang mahalang gamit na kailangan ko.

Akala ko si RJ ang sasakay sa harap pero si Kuya Jose pala.

Si RJ naman ay sumakay sa tabi ko. Tinignan ko siya.

"Kuya Jose? Si Kuya Wally di ba sasabay?" Tanong ko.

"Hindi na daw. Kami na lang nitong si RJ." Sagot nito. Pinaandar na ang kotse ng driver. Di na rin ako sumagot.

Tumingin ako sa labas. Di talaga ako makatingin sa kanya pero nangingibabaw ang amoy ng pabango niya.

Juskopo! Bakit ang bango ng taong ito? Artista ba siya? Malakas pa pabango niya kay Sebastian aba!

"Miss Maine?" Tumingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Candy, gusto mo?" Tanong niya.

"Ha?" Natulala kase ako sa dimple sa pisngi. Di ko tuloy naunawaan ang sinabi niya.

"Sabi ko candy? Gusto mo?" Tinignan ko ang hawak niyang candy na isang dakot. Mint pa talaga? Ano ba ito? Makikipaghalikan? Kakawindang ha!

"Okay." Kumuha ako ng isa.

"Salamat." Tapos tumingin ulit sa labas. Ayoko din kaseng mahalata niya na nangiti ako sa gesture niya.

Pagkatapos nun ay di na kami nag-usap. Pero batid ko, tinitignan niya ako paminsan. Oo alam ko kase may mata ako sa batok.

Nakarating kami sa spot ng shooting.

Natataranta na si Direk. Late na kase ako ng 30 minutes.

"Menggay! Buti dumating ka na! Akala ko iindianin mo kami." Bungad ni Direk.

"Naflat yun kotse ko Direk. Asan na nga pala sila Pao at si Ursula?" Agad kong tanong kay Direk. Nauna na kase sila sa place.

"Andun na. Maghanda ka na at alam mo naman na ikaw ang bida sa eksena na ito."Utos ni Direk.

Lumakad na ako. Nakasunod lang si RJ at si Kuya Jose. Lagi talagang nakabantay sa akin ang mga bodyguards ko mula ng pagtangkaan akong kidnapin ng stalker ko.

"Kuya, RJ kumain na muna kayo ng breakfast doon sa catering." Utos ko.

"Ikaw Miss Maine?" Tanong ni RJ.

"Ayos lang. Coffee na lang siguro." Sagot ko.

"Okay." Pumasok na ako sa tent ko.

"Ang jogal mo day! Ano nagmomol pa kayo ni Pogi?" Tanong ni Pao.

"Gagu! Naflatan kami. Momol ka diyan! Di ko boyfriend yun!" Sagot ko.

"Ulul! Kaya pala nung isang linggo nagdate kayo!" Balik niya.

"Anong date? Di ako nakipagdate!"

"Talaga Madame?" Si Ursula.

"Isa ka pa Ursula! Di kami nagdate. Inimbitahan lang ako nung mga dating kaklase namin ni RJ." Depensa ko.

"Wow! First name basis na. Mamaya syota na niya yan!" Si Pao.

"Siraulo ka Paolito ha! Huwag mo akong intrigahin at di ako Natutuwa!Di ko siya type! Ayoko ng mas maputi pa sa akin!  Simulan mo na akong ayusan ng matapos na ito."

"Echoz! Tulak ng bibig, kabig ng dibdib!" Pinandilatan ko si Pao.

"Okay. In denial. Sige. Pero itaga mo sa dibdib ng syota mong Jologs, Ursula, bibigay yan kay Pogi. Ang lagkit tumingin e! Di daw type pero lintik maglaway ng Potah!" Pang-aasar pa ni Pao.

"Gagu!" Sabi ko. Napapailing ako! Echoserang bakla talaga ito.

Ganyan kami mag-asaran. Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni Paolo.

Siyang pasok ni RJ. Nagulat ako. Hala! Narinig kaya niya yung mga sinabi ko? Lalo na yung di ko siya type.

So bakit affected? Akala ko ba di type? Napaghahalata na ako. Erase! Ayoko ng distractions.

" Eto na po yung coffee ninyo, Miss Maine." Sabi niya n parang seryosong- seryoso.

"Salamat." Matipid kong sagot.

"Miss Maine?" Humirit pa siya. Hinarap ko siya.

"Bakit?"

"Magpapaalam po sana ako kung pwedeng umuwi na po ako ng maaga." Sabi niya.

"Ha? Ah eh sige." Sabi ko. Nakita ko sa salamin na nakataas ang kilay ng Paolo kaya hinampas ko.

"Aray!" Sigaw ni Paolo. Nakatingin pa rin ako kay RJ.

"Teka bakit?" Tanong ko naman.

"Kase po ano.." Nahihirapan ba itong magsabi? Magdahilan?

"Kase ano?"

"Sumama po kase ang pakiramdam ko. Bigla na lang po." Sabi niya.

"Ah ganun ba? Okay. Ingat ka. May pamasahe ka ba?" Dami kong sinasabi talaga.

"Okay po. Meron po. Sige po alis na ako." Paalam niya. Nalungkot ako. True yun pero di ko pinahalata. Tinaasan na naman ako ng kilay ni Pao. Nakigaya na rin ang Ursula. Hinampas ko nga ulit sa kamay.

"Kelan ka papasok ulit?" Habol kong tanong bago siya makalabas ng pinto.

"Ah hindi ko pa po alam. Bahala na. Sige po alis na ako." Sabi niya sabay labas. Ayun tuluyan ng nalungkot ang peg ko.

"Di pala type ha? Ulul! Halata ka day!" Si Pao.

"Ewan! Ayusan mo na ako."

Natatawa ang mga bakla. Halata ba na nalungkot ako? Bakit ganun?Bigla na lang siyang uuwi? Kanina ayos naman siya. Bakit nag-iba ang aura niya ngayon?

Teka! Bakit ako nagkakaganito? Salagay, gusto ko siyang laging nakikita? Nakakasama?

Pero di pwede. Di talaga pwede kase di maganda sa paningin. Di pati kami bagay.




A/N No proofread.





My Saucy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon