6

1.1K 95 3
                                    

Maine's

As usual may taping para sa TS. Pinapainit ng Sebastian na ito ang ulo ko! Ang bopols sa linya niya. Napapakalatak na ako. Kaya naman pati mga PA at body guards ko apektado.

"Hoy Ursula! Halika nga muna dito. Pakimasahe nga ang sentido ko. Hinahighblood ako!" Utos ko sa PA ko.

"Eto na po Madam.."

"Bilisan mo!"

Nagmamadali pa akong minasahe ni Ursula.

"Asan nga pala yung bagong bodyguard?"

"Bakit hinahanap ninyo Madame?"

"Basta!"

"Sinabi ko nga! Sino ba?"

"Yun si Pokerson!"

"Type mo Madame no?"

"Echosera kang bakla ka! Hindi no!"

"Eh bakit may paghanap?"

"Magpapabili ako ng tea."

"Ako na po.."

"Ayoko ikaw!Siya gusto ko!"

"Madame, umalis diba nga? Inutusan mong ibili ka ng Ensaymada sa Goldilocks."

"Ganun ba?"

"Oo nga."

"Umayos ka!"

"Maayos naman ako Madame. Ikaw ba?"

"Sampal gusto mo?"

"Init naman ng ulo."

"Asan na nga? Bakit antagal?"

"Pwede naman si Ryan. Bakit si RJ na naman?"

"E siya ang gusto ko!"

"Weh? Crush mo po kase!"

"Intrimitida ka talaga!"

"Ay highblood talaga Madame?"

"Tigilan mo ako!"

"E di tumigil." Lumayo ang Ursula sa akin at naupo sa couch.

"E bakit tinigilan mo pagmamasahe sa akin?"

"Sabi mo Madame e!"

"Sasabunutan na kita!"

"Grabe ka na! Bakit mainit ang ulo mo? Hoy Madame, sinasakyan na lang namin topak mo ha! Huwag mong ubusin ang pasensiya namin."

"Sampal gusto mo?"

"Sabi ko nga..Hehehe..  Eto naman, bakit ba ang init ng ulo mo?"

"Paanong di iinit ang ulo ko? Aber? Nakailang take na yang bopols sa Sebastian na yan?"

"Keri lang Madame. Relax. Magkakawrinkles ka! Tandaan mo, ayaw mong pumangit."

"Oo na! Nakakainis kase!"

"O ayan na naman."

"Di na nga."

"Good! O sige na nga masahihin na kita. Ayoko ng para kang dragon. Di ka naman ganyan. Malamang inlove ka."

"Hep! Hindi no! Wala akong panahon sa lalaki. Mga paasa at manloloko!"

"Makapagsalita ka Madame akala mo nagkasyota ka na. Hello! Ipapaalala ko lang, kami lang ni Paolito ang lalakeng nakasama mo, ang mabigat, bakla pa kami. In short di ka pa nagkabf!"

"Oo na! Dami mong alam. Di ako inlove. Naiirita lang ako diyan sa Sebastian na yan. Tatanga-tanga!"

"Shhh.. Baka marinig ka pa. Malaman pa nilang maldita ka. Tandaan mo, good girl ang image mo!"

"....."Wala akong nasabi. Mabait naman ako diba? Oo mabait ako. Bakit ba?"

"O diba? Natahimik ka? Relax, papangit ka!"

"Ayokong pumangit! Kase dati..." Di ko na tinuloy. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko. Malayo na ako sa dati.

Tumingin din si Ursula sa salamin. Nagkatitigan kami. Natawa pa siya. Napangiti na rin ako. Pero may mga bagay akong naisip.

Hindi porke nagbago ang mukha ko, at gumanda na ako ay magbabago din ang ugali ko. Siguro nga past na yun. Sa estado naman siguro ng buhay ko ay malaking sampal na sa kanila ang nangyari sa akin. Siguro it's about time, makita na nila ako. Sa ganun, maipamukha ko sa kanila na iba na ako. At sa ganun, para na rin akong nakaganti.

Tamang-tama, inaanyayahan ako sa reunion ng klase namin. Magugulat sila. Sinisiguro ko iyan.





A/N No proofread.

My Saucy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon