13

1.2K 110 6
                                    

RJ's

Nakakagulat ang sudden turn of events.

Si Miss Maine, ang amo ko, siya si Dei Capili.

Ngayon ko napagtanto, kaya pala pamilyar ang pabangonl niya. Pati ang mata niya mula sa makapal na salamin niya kanina.

Now I know. Si Dei ay si Maine Mendoza.

Pero paano?

Ang layo na niya sa kababata kong nerd at laging nakabalot-balot na damit. Yun mga pimples niya ay walang naiwang bakas.

Posible kayang nagparetoke siya? Pero hindi e! Alam kong matangos ang ilong niya noon pa. Kung siguro marunong siyang mag-ayos dati ay di siya ibully ng mga walangyang sila Julie dati.

Speaking of Julie, ano nga kayang magiging reaksiyon nila kapag nakita nila na ang kanina lang nila binubully ay ang kilalang artistang si Maine Mendoza.

Naputol ang pag-iisip ko ng tawagin ang mga kaklase naming nagdonate para sa event na ito.

Narinig ko na malaki daw ang donasyon ni Julie na nagbigay ng sampung libong piso.

Si Thea ay five thousand. Si Louise naman ay walang naidonte dahil wala naman daw siyang trabaho ayon kay Valeen.

Pati lahat ng mga kaklase naming mga nagbigay ay kinilala.

"Ladies and Gentlemen,  bilang  isa sa organizer ng reunion na ito, gusto rin namin pasalamatan ang pinakamalaki ang donasyon sa palatuntunang ito, pwede po bang umakyat po kayo dito? Miss Dei Capili! Dei Capili?" Tawag ni Bryan  na isa sa host at kaklase namin nila Dei ay ni Maine pala.

"Dei?" Tawag ng Emcee.

Sumigaw yung isang kaklase naming epal na si Sef.

"Umuwi na po kanina pa. Binuhusan nila Julie ng juice!" Rinig ng lahat ang sinabi na iyon ni Sef. Napatingin ang lahat kala Julie. Ngumisi pa ang mga ito. Makakapal ang mga mukha at nagmaang-maangan pa.

Dahil busy ang lahat sa pagmamasid kala Julie ay di nila namalayan na umakyat si Miss Maine sa entablado.

Nagulat silang lahat.

"Miss Maine Mendoza?" Sabi ni Bryan na Emcee.

"Sorry but actually it's Dei Capili." Napatingin silang lahat sa kanya. Napunta ang atensiyon ng lahat ng umakyat si Miss Maine sa entablado at magsalita na siya si Dei Capili.

"Miss Dei Capili rather, Miss Maine Mendoza her donated a hundred thousand pesos and the shirts that are being given as giveaways came from Miss Capili, Miss Mendoza." Pakilala ni Bryan. Nagpalakpakan ang lahat.

Alam ko na hindi lang ako ang nagulat. Halos lahat ng nasa venue ay hindi makapaniwala.

"O ano kayo ngayon? Ang yayabang kase ninyo! Panis pala kayo kay Dei! Ay Miss Maine Mendoza pala! Pahiya kayo ano?" Sigaw ulit nung epal na si Sef patungkol sa mga nangmaliit dati kay Dei.

Nung pababa na si Miss Maine ay sinalubong ko siya. Kaming tatlo nila Paolo at ang PA ni Miss Maine na si Ursula.

"Bongga ka Madame! Umeksena ka pa dito! Panis!" Bungad ni Ursula. Natawa si Miss Maine.

"Taray mo day! Wala ng usap-usap. Pasabog agad! Teka sino nga pala si Dei Capili?" Si Paolo.

"Hangal ka Pao! Yung kaninang minakeupan mo na pangit, ako yun!" Sagot ni Miss Maine. Nakita ko na nakamasid lang ang mga tao sa amin. Pati sila Je ay di makapaniwala.

"Ayyy! Now I know day, pangit ka dati. Mala-ugly duckling. Tapos because of siyensiya gumanda ka? Ganun ba?" Si Paolo pa rin.

"Excuse me! Wala akong retoke no! Alam mo yan dahil di pa ako artista, sayo na ako nagpapamake up." So wala nga siyang retoke. Siguro natuto na siyang mag-ayos sa sarili kaya ganun.

"Ay oo nga pala!" Si Paolo.

"Miss Maine?" ako.

"Maine sabi diba?"

"Maine, tara doon na kayo umupo nila Pao sa table natin nila Val." Yaya ko.

Tumango lang siya.

Pagka-upo niya ay may ilang lumapit para magpapicture.

Pumayag naman siya pero bantay salakay ko siya.

Pati sila Jerald at Valeen na di makapaniwala na artisa na pala ang dating Dei at sikat na sikat pa.

Halos lahat ng kaklase namin at teacher ay nagpapicture sa kanya. Pwera lang sa mga tropa nila Julie. Alam ko pahiyang-pahiya sila. Pero dahil tabla ang kapal ng mukha ng mga ito, balewala sa kanila iyon. Sila pa? Sadyang masama naman talaga ang ugali ng mga iyon.

***

Gabi na ng matapos ang  party. Pero lahat ay masaya.

Lalo na ako.

Friends na kase kami ni Dei, ay ni Maine pala. Mas gusto niya na tawagin ko na lang siyang Maine. Para di daw nakakalito.

Maine.

Magandang pangalan.

Kasing ganda niya.







A/N No proofread.



My Saucy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon