Maine's
Masasama talaga ugali ng mga babaeng ito. Pero sinadya ko naman talaga na magpunta sa CR mag-isa. Alam ko kase na susunod sila para gawan ako ng masama ng mga ito. And di nga ako nagkamali, sinundan nga ako at inabangan akong lumabas ng cubicle. Doon pa lang kinukuyog na nila ako pero kunwari nagmamakaawa ako. Para naman mapaniwala ko silang natatakot ako sa kanila. Pero kung ako ngayon si Maine Mendoza, malamang napadapa ko na ang tatlong ito. Kaya nga ako nag-aral ng self defense para sa mga tulad nila Julie. Para maipagtanggol ko ang sarili ko. Kaya lang pinapasakay ko din sila sa drama ko na ito.
Pinilit kong lumabas kase iniisip ko na mag-aalala na sila RJ sa tagal ko. At di nga! Magkasunod sila ni Jerald. Naabutan nilang binubuhusan ako ng juice ni Julie.
Ayun, galit na galit si RJ at si Jerald. Naniniwala na ata ako na mabait nga siya. Kase base sa talas ng tingin niya kala Julie ay parang gusto niyang saktan ang mga ito.
Hinila ni Jerald si Julie at napilitang sumunod ang dalawa pang alipores nito.
Sinabi ko kay RJ na uuwi na ako. Pero babalik naman ako bilang Maine talaga pero nagpabebe pa ako.
Tama nga ako at pinipilit niya akong samahan kaya lang ayoko. Gusto kong umuwi muna para maligo at magpalit ng damit at make up bago bumalik sa venue. Naisip ko na isasama na sila Paolo.
Pagdating sa bahay, nakahilata ang dalawa at nanonood ng telebisyon samantalang si Mang Joey ay nagkakape.
Nagulat sila ng pumasok ako.
"Anong nangyari sayo Madame?" Si Ursula.
"Basta. Maliligo lang ako. Paolo makeupan mo ulit ako pagkatapos kong maligo."
"Ay ayoko na! Baka pangit na naman pamakeup mo! Nahirapan ako ha!" Tanggi ni Pao.
"Hindi na. Basta maligo lang ako. Lagyan mo ako ng make up yung parang walang make up."
"Ano yun? Lukaret ka talaga Meng!" si Paolo.
"Mamaya ka na." Nanakbo ako papunta sa kwarto ko para makaligo. Mabilis lang ako naligo. After 15 minutes ay nakahanda na ako sa make up chair ni Pao.
"Anong drama ba ito?"
"Basta simulan mo na. Ipapaliwanag ko sayo mamaya. Kailangan parang no make up look. Yung parang natural." Tinitigan muna ako ni Paolo.
Pinahiran ako ng konting liptint.
"Ayan! Okay na!" Sabi niya. Hayup na ito! Inaasar ako.
"Di ganyan..Yun may makeup pa rin pero di makapal kase! Sasabunutan na kita bakla ha!"
"Ah okay. Di mo naman kase sinabi. Eto na. Ibaba mo yang kilay mo, di ko papantayin yan!"Banta niya.
"Ursula, labas mo yung maong ko at yung blouse ko na black. Magbihis na rin kayo pagkatapos ko dito at isasama ko kayo." Sabi ko.
"Talaga Madame?" Si Ursula.
"Oo nga! Makulit!"
"Yes! O ayan na yung damit na hinihingi mo Madame. Magbihis na ako." Lumabas na si Ursula. Katatapos lang akong pahiran ni Pao ng foundation. Maglalagay na lang siya ng kilay, eye liner, mascara blush ons at lip tint sa akin.
After another 15 minutes ay maayos na ako. Back to being Maine Mendoza, the artista.
"Perfect! Ayan ang ganda mo na ulit! Huwag mo ng ipapaulit yung dati ha? Sakit sa bangs nung pinagawa mo kanina."
"Okay na. Sige magbihis ka na. Aalis tayo. Sabihan mo si Ursula na ipahanda kay Mang Joey yung kotse. Babalik tayo sa reunion ko." Bilin ko kay Paolo.
Pero ang hitad nakatunog na.
"Aha! So kanina galing ka sa reunion ninyo at nagbihis pangit ka para buhusan ka ng juice tapos ngayon you're back with vengeance. As Maine Mendoza. Tama ba ako?"
"Oo na! Ikaw na matalino. Magbihis ka na!"
"Yes! Okay. Gusto ko magiging eksena mamaya! May aksiyon! Maldita ka talaga sister! I love you for that, bebe!" Natawa ako kay Paolo. Nagets niya ang balak ko..
****
Pagbalik ko sa venue. Di ko na muna pinababa sila Ursula.
Pumasok ako ng diretso ng magkagulo.
As usual, kung nasaan ang Phenomenal star, nandoon ang mga tao.
Nagsigawan ang lahat at nagkagulo.
As usual ang aking body guard, to the rescue. Marahil narinig niya ang sigawan ng pangalan ko.
Inakbayan niya ako na asap mo ay pag-aari niya. Ang bango ng taong ito. Di halatang pinagpapawisan. Sumusuot sa ilong ko.
"Ayos ka lang Miss Maine?" Tanong niya.
"Ayos lang."
"Bakit ka nandito Miss Maine?" Alam ko naguguluhan siya kung bakit ako nandito.
"I am invited."
"Talaga?"
"Yes. Faulkerson?" Tawag ko sa kanya. Tumigil na kase kami sa paglalakad palapit kala Valeen.
"Yes Miss Maine?"
"It's Dei Capili." Nashock siya sa narinig niya base sa reaksiyon ng mukha niya. Di niya inakala na ako si Dei. Malayo siguro sa hinagap niya.
Hinarap niya ako habang nagmamasid ang mga tao sa paligid namin.
Nagtanong siya sa akin.
"Kelan pa?"
"Matagal na."
"What happened? Bakit di mo sinabi sa akin?"
"I need to do this. Tuturuan ko ng leksiyon ang mga babaeng yan."
"Huwag no ng pansinin. Di sila mahalaga."
"I know but they need to know na hindi lahat ng oras sila ang bida. I've had enough. I guess it's about time Faulkerson." Sabi ko.
"It's up to you, Dei. Or is it Miss Maine?"
"Keep it inside Faulkerson. It's Miss Maine. I've long have forgotten about Dei. I'm Maine now."
"Sige Miss Maine."
"Pakitanggal na yung Miss. Maine na lang. Friends?"
"Friends!"
"Pero before that, quiet ka lang sa identity ko ha? And pakitawag sila Paolo at Ursula, nasa labas sila."
"Okay. Dito ka muna. Je, Val paki-assist ang amo ko."
"No problem, RJ! Kami bahala ng asawa ko kay Miss Maine. Idol ka po nitong asawa ko. Magpapapicture po kami sayo Miss Maine." Si Jerald. Nakita ko nakangiti si Val. Niyakap ko ito kaya lalo siyang kinilig.
Ngumiti ako sa kanila. Konti pang drama. Mamaya kapag nasa entablado na ako.
Anyway, I hope we're in for a new friendship besides work ni RJ.
But before that, may kailangan pa akong paalalahanan tonight.
Ang tatlong landing namahiya na naman sa akin at hindi nagsasawang walangyain ako.
Ngayon na ang araw ng paniningil.
A/N No proofread. Mamaya ulit kapag sinipag po ulit ako.
BINABASA MO ANG
My Saucy Girl
FanficA Maichard Story.. How would you break your own rule when you have declared that falling inlove with the person is the last thing you want to do? Or the least thing you intend to do? Find out how two opposite person, realize that when love knocks o...