18

1.2K 108 8
                                    

Maine's

Eversince that day na nagpaalam si RJ, I devoted my time and energy sa pagtratrabaho. I just don't have the time to be lonely. Although there's no denying that I am really lonely. Masakit pala. Di ko alam kung bakit? But what I do know, nasasaktan ako na di ko na siya nakikita.

It's been six month since umalis siya and di ko na siya nakita. Wala rin akong balita tungkol sa kanya. Hindi ako nagtatanong kay Kuya Jose. I just shut it as if he never happened. Na hindi siya bumalik sa buhay ko. Na nanatili siya bilang naging kaklase ko at isa sa mga taong nagtulak sa akin para maging ganito ako.   That he never corrected what mistake he have done sa buhay ko. Iyon ang inisip ko. Pero wala. My heart still chose to see what good person he is. Kase lumalaban ang puso ko s isip ko at pinaninindigan nito na mabait pala siya at itinama niya ang pagkakamali niya sa akin, mas lalo ko lang siyang namiss tuloy. Mas lalo akong humahanga sa kanya. And though, I don't want this to happen, nanaig ang kabutihan niyang ipinakita sa akin nung nandito pa siya.

But I have to move forward. It's better this way. Na parang di na lang siya dumaan muli sa buhay ko.

I guess, I have to get on with my life. And the best way to move on is to work harder.

I accepted all possible projects that suit my schedules. Kahit tiring, tanggap pa rin.

I even accepted the project with Josh Marco na alam ko naman na he is using my popularity to gain back his fame.

Yung management namin ang nakikinabang sa letcheng paghanga ko at pagkabitter kay RJ.

Pero pagod na ako sa pagprepretend that's why I asked Pat para sa isang breather. Magbabakasyon ako. I want to be free. Gusto ko naman unahin ang sarili ko.

My management approved a one month vacation. Finally, makakapahinga ako.

And malalayo ako sa hayup na Josh Marco na yun na walang bukambibig kundi ipagyabang na meron kaming Mutual Understanding kahit naman wala talaga. User ang walanghiya.

But it's not for long. I promised na pagbalik ko from my vacation, I will answer all questions regarding Josh about sa "so called" relationship daw namin. Aaminin ko na wala kaming relasyon, not even friends. Na pure work lang. Hindi ko sasabihin sa management ang plano ko. Only me and Pat knows it. And she gave me her approval. If ever, na magalit at parusahan ako ng GMA, the hell I care! The offer sa ABS still stands and they are looking forward to my acceptance. Pinag-iisipan ko pa naman dahil may utang na loob pa rin ako sa GMA. And iyon ang gagawin kong bala laban sa pamimilit nila na palabasin na may relasyon ako sa Josh Marco na yun. I know they would'nt want to release me. I'm sure that they simply can't let me go. Hottest star. Phenomenal, trending and in demand? No doubt. I still have the ace.

And I'm sure, I can demand now.



****

Dito ako ngayon sa Discovery Suites sa Boracay. I just feel that the sea will ease out all my worries and exhaustion. I'm really a beach person. This is my element.

I was reading a book under the shade sa tabing dagat when somebody sat down sa bench beside me.

"Hi!" Sabi ng boses ng isang lalaki. He's not familiar.

"I'm sorry?" Sabi ko without even standing up and removing my sun glasses.

"I said Hi Miss."

"I'm busy. I'm sorry, will you please go as far away as possible from me? Hinaharangan mo yung araw ko." Sarkastiko kong sabi.

"I'm Andrew. And you are?" Makulit na mama ito.

"Pwede ba? Saan banda mo hindi naintindihan yung sinabi kong lumayo ka sa akin? Malinaw naman siguro ang sinabi ko?" Naiirita na ako. Nagpapahinga ang tao pero may nanggagambala.

"Makulit ako. I just find you attractive, a little bit lonely but sexy.." Pang-aakit pa ng mamang ito na akala mo ang gwapo niya.

"If you're not going away, I will!" Tumayo ako. Lumayo sa pwesto na yun.

Nakita ko pa ang pagsmirk ng mayabang na iyon. Pero wala akong pakialam dahil hindi ako naghahanap ng jojowain dito sa Boracay. 

Nang makalayo ako, I went to my room. Nawalan na ako ng ganang magbabad sa araw. I'll just read a book para naman malibang ako. Naiinis ako sa mga taong presko at feeling gwapo. It's a negative one for me.

By 12pm, I decided to proceed to the resto pero I saw that Andrew na mayabang.  Kaya naman I returned to my room and ordered room service instead. Mamaya na ako lalabas sa gabi.

I slept the whole afternoon.

And during the evening, pumunta ako sa isang bar para magliwaliw. Alam kong nakikilala ako ng ibang tao dahil artista ako pero di ko iniintindi. Malamang may mga paparazzi na kukuha ng litrato at ibebenta sa mga tabloid reporters. I'll let them. But I won't give them loophole. Isang bote lang ang iinumin ko para pampakalma at saka babalik din ako sa suite ko.

Pero sadyang makulit ang Andrew na iyon. Nasundan na naman ako. Kaya I paid the bill to the waiter and proceed to go back to my room only to be bumped by the person I've been missing.

Si RJ.

"Meng? I mean Miss Maine?"

"RJ?"

"Sinong kasama mo?" Tanong niya.

"I'm alone. Ikaw?"

"I'm with some friends. Pero teka, mag-isa ka. Delikado. Asan ang bodyguards mo?"

"I'm on vacation. I don't need my hawi boys now." Sagot ko.

"Oh okay. Saan ka pupunta?"

"I'll go to my room. Napagod na ko. I think I have to retire na." Simpleng sagot ko.

"Would you mind if I bring you to your room? Baka kase pagkaguluhan ka?"

"No need. Go to your friends. I'm okay."

"Oh there you are baby. Bakit tinakbuhan mo ako?" Sabat nung Andrew. Napatingin kami ni RJ.

"I said leave me alone. Di kita kilala." Sabi ko doon sa Andrew.

"Iyan ang gusto ko sa babae. Pakipot. I'm intrigued." Pang-aasar pa nito.

"Maine, let's go." Sabat ni RJ.  Napatingin sa kanya yung Andrew.

"At sino ka naman?" Tanong nito kay RJ.

"RJ, okay na. I will go ahead." Sabi ko para matapos na. Nakakapagod sila.

"You're not going anywhere babe.." Sabi ni Andrew at bigla akong hinaltak kaya napasubsob ako sa dibdib nito.

"Let go of me! Bastard!" Sigaw ko sabay tulak doon sa Andrew.

Akma akong sasampalin nung Andrew ng tabigin ni RJ ang braso nito at sinuntok.

"Lumayo ka sa girlfriend ko kung ayaw mong ma-ban dito sa Bora!" Banta ni RJ. Naglapitan na ang ilang tao sa amin pati ang mga security at bouncer ng bar.

Binitbit ng isang mamang malaki ang katawan si Andrew. Feeling ko isa siya sa mga bouncer sa bar na iyon base sa suot niyang tight fitting na black tshirt.

"Are you okay?" Tanong ni RJ sa akin. Shock pa rin ako.

"Ha?"

"I'm sorry I had to lie na girlfriend kita." Sabi niya. Nalungkot ako sa di ko maipaliwanag na dahilan. Totoo naman na di totoo. Na palabas lang dahil nga wala naman kaming relasyon. Pero ganunpaman, nalungkot ako. Ewan kung bakit.

"Okay lang. I'll go ahead RJ. Salamat." Sabi ko at akmang aalis na pero hinawakan ni RJ ang kamay ko.

"I suggest, ihahatid na kita. Delikado."

I'm tired. So I just nodded.

I did not even argue about it. Basta nalungkot ako kaya I want to be alone.

Eto na naman si Puppy love. It's been six months na nung mawala siya. Akala ko okay na ako. Sa isang iglap, magkikita kami at lahat ng feelings bumalik na parang di nawala. So much for moving forward. I tried to step, pero stationary pa rin pala ako sa feelings kong ito. So bad talaga.





A/N Goodnight. No proofread.






My Saucy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon