10

1.1K 98 3
                                    

Maine's

Tonight is the night. Isinama ko si Paolo at si Ursula dito sa Laguna.

Magpamake up ako kay Paolo. Siya lang naman ang aking favorite makeup artist.

"Day, anong trip ito?" Tanong ni Paolo.

"Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko. Gawin mo iniuutos ko. Kaya nga binabayaran kita ng malaki diba?"

"Jusko! Kaya ako nag-ige sa craft ko e para pagandahin ang mamakeupan ko, hindi para papangitin! Jusko ka! Lukaret ka talaga!"

"Hoy may utang ka pa sa akin. Ipinahamak mo ako doon sa resto para makalandi ka lang dun kay Pokerson!"

"Echoz! Alam ko kayang type mo. Di na ako makiagaw. Doon na lang ako sa isa pang bago, kay Christian. Gwapo na, maskulado pa!"

"Di no! Ang landi mo! Bilisan mo na. Kayang-kaya mo yan. Nagagaya mo nga makeup ng kung sino, ang papangitin ako di mo kaya? Unbelievable!"

"Echosera! Oo na."

Inayusan ako ni Paolo na mala-Dei Capili na nagka-edad. Yung dating itsura ko na dinagdagan lang ng konting edad.

Matapos ang ayusan, tumingin ako sa salamin. Wow! Ako nga ito. Di maikakaila na ang dating ako ay nagbalik na.

"Jusko Menggay, ang pangit mo!" Sabi ni Pao.

"Ikaw kaya may kagagawan nito no!"

"Burahin natin. Palitan natin. Nakakatetano mukha mo! Ursula halika nga dito. Tignan mo itong amo mo." Sabi ni Pao.

"Sino naman yan? Anong peg yan Madame?"Si Ursula.

"Tse! Ang ganda kaya!"

"Saan banda maganda? Nagpalagay ka pa ng pimple scars. And take note, ang daming scars!" Si Paolo.

"Ganun talaga! Meron akong show no. Kailangan ganito get up! O Ursula asan na yung damit ko?" Nakapout ang dalawang bakla.

"Asan ba Madame?" Si Ursula.

"Yun nakasabit sa loob ng cabinet ko." Nandito kase kami sa luma naming bahay.

"Jusko ka Menggay! Ano yang isusuot mo? Stripes na blouse with matching polka dots na palda? Nasisiraan ka ba ng bait?"

"Yan ang fashion ngayon. Basta kailangan ko sa show ko iyan."

"Bahala ka na nga! Baliw!" Napapailing ang dalawa pero kailangan kong gawin ito.

Nagbihis na ako. Naglagay ng paborito kong pabango.

Natatawa ang mga bakla pero di ko pinapansin. Nakaplano na ito. Di lang nila alam na ganito gagawin ko. Wala akong pinagsabihan dahil ayoko na mabulilyaso ang plano ko.

Umikot-ikot pa ako sa harap ng salamin. Eto ang mukhang winalangya at pinagtawanan nila 8 years ago. Ang sagwa ng face.

Malalaman ko kung anong magiging reaksiyon nila pagnakita nila ulit si Dei Capili. Ang nerd at baduy nilang kaklase na batbat ng tigidig sa mukha.

Isinuot ko na ang salamin kong makapal. Na ginagamit ko kapag nasa bahay lang ako. Sa labas kase ay naka-contact lens ako.

Perfect! Isa na lang ang kulang.

Ang shoes ko.

In fairness, Doc Martens ang boots ko. Mahal kaya ng bili ko dito.

And I'm ready to go!

****

Pagpasok sa venue, tilian at sigawan with matching palakpakan.

Wow naman na pagtanggap!

Mala-Maine Mendoza the artista ang pagtanggap.

"Wooot! Wooot! Si Capili, nandito na!"

Ngumiti pa ako na akala mo masaya. Pero deep inside, bumalik ang lahat ng sakit sa dibdib ko nung dinadanas ko ito dati. Sa wari ko kase may magpapahiya sa akin mamaya. Pagnagkataon, pasok sa banga ang plano ko! Isa pa inaasahan ko na may mamahiya sa akin mamaya. Agahan sana nila.

Pero relax. It's just a show. Ibibigay ko ang satisfaction nila only to drop the bomb later..

Magtransform ako mamaya and become Miss Maine Mendoza,
the Phenomenal Star.


A/N Ursula is Sinon Loresca. Si Catwalk King. Paolo is himself.

Later po ulit ang update.

No proofread.

My Saucy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon