Maine's
We're on board the plane going back to Manila.
It's like paradise is coming to an end. Replaced by hell. But I hope not.
Naisip ko yung nangyari kahapon.
I opened my phone to call Pat when incoming messages, and voice mails are boarderline bothering.
Ang dami na halos ma-lowbatt ako.
It's from that asshole Josh and some are from Patty, my parents and even Paolo and Ursula.
Naglabas daw ng statement si Josh na I am kidnapped. That I was forced by my captor kaya may manhunt laban sa kung sino man ang may hawak sa akin. Nalaman niya mula sa bar kung saan may nagtangka sa akin na I was almost raped. Nakapagtataka dahil malinaw sa hotel na nagcheckout ako during the morning. And from there, wala na silang nalaman sa whereaabouts ko dahil naging successful ang disguise ko.
I decided not to call Patty muna at wala pa ako sa mood para iwanan ang kasiyahan ko sa piling ni RJ. Not now.
Then naisip ko ang Josh na yun! Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Pero hintayin niya ang pasabog ko.
Jusko, abnormal ngang talaga ang hayup na Josh na yun. Gumawa siya ng chaos para lumabas ako.
Naalala ko kung paanong kinailangan kong magsuot ng ilang patong ng damit kanina, para magmukha akong mataba. Nagsuot ako ng dark shades at cap and RJ was all over me na parang asawa ko na iniingatan akong masaktan.
Only then na nasa eroplano kami nung maghiwalay kami. I used my original name para di malaman na ako si Maine Mendoza.
RJ and I was very careful not to catch attention. We keep it cool na parang wala lang.
Nung magland na ang eroplano, RJ called his driver to fetch us sa airport.
Super discreet kami not to be seen. I am on my full disguise. Nadaan pa namin ang ilang reporter na malamang ay nag-aabang ng scoop sa airport kung sakaling bigla na lang akong dumating. But they did not know I passed by them dahil super covered ako na di mo mahahalata na ako. I changed into my darked rimmed glasses and cap. Baka kase obvious kung nakadark shades ako. Baka mas magmukhang suspicious kung kuntodo shades ako.
"Are you alright babe?" Tanong ni RJ matapos makadaan kami sa mga reporters na nag-aabang. Nakahinga kami ng maluwag ng nagpark sa may bay ang driver ni RJ.
Sumakay agad ako. Naiwan si RJ na nagsasakay ng aming luggages.
Mabilis siyang sumampa sa kotse kasabay ang driver ng maisakay ang mga gamit namin.
"That was close, babe." Sabi ko.
"Buti you're safe na." Sinimulan ko ng hubarin ang mga damit na patung-patong na suot ko.
"Don't look at me like that babe. May matitira dito. Kanina pa ako naiinitan kaya gusto ko ng hubarin." Nakita ko kase nanlaki ang mata niya.
"Babe, this is Kuya John, ang driver ko. Kuya John, si Meng." Pakilala ni RJ ng makaayos ako. Tumingin ang lalaki mula sa rear view mirror at di nakaligtas sa akin ang pagkagulat niya.
"Miss Maine?" Tanong ni Kuya John. Natawa ako.
"At your service kuya." Sagot ko.
"Pero ang sabi sa TV, nawawala po kayo. Na kinidnap kayo?"
"Hindi po. Hibang lang po nagpapakalat nun." Sagot ko ulit.
"Tsk! Tsk! Sinasabi ko na sinungaling yung Josh na yun. Papansin. Fan po ninyo ako Miss Maine." Dagdag pa ni Kuya John.
"Naku salamat po." Nagpatuloy na siyang magmaneho. Ako naman ay sumandal at ipinikit ang ulo ko. Kailan ko kaya mararanasan ulit yun buhay ko dati na walang pumapansin. Imposible na siguro iyon. Ito ang kapalit ng kagustuhan kong sumikat.
"Babe, okay ka lang?" Tanong ni RJ. He was looking at me.
"Okay lang. May naisip lang ako. Don't worry babe, I'll be okay."
Kinuha niya ang kamay ko para halikan. We held hands hanggang makarating kami sa Ortigas kung saan naroon ang kanyang condo.
Ipinarada ni Kuya John sa basement parking malapit sa elevator ang sasakyan. Si RJ muna ang bumaba para ibaba ang mga bagahe namin bago niya ako pinababa. Ingat na ingat kami na baka may makakilala sa akin though wala naman tao sa parking lot.
***
"So what are your plans?" Tanong ni Patty. She discreetly went here sa condo ni RJ.
"I'll think about it muna. For now, I'll stay here at RJ's" Sagot ko. Wala si RJ kase pumunta siya sa office niya for his new resto branch.
Kinuwento ko kay Pat kung paano kami nagkita at kung bakit kami nagkasama. Kaya alam na niya.
"Paano yan Meng, tanggap ba niya yang pinasok niya? I mean itong mga ito. Kaguluhan and all?"
"Oo. Sinabi naman niya na suportado niya ako."
"I thought ayaw mo sa kanya? Sinasabi ko na, nagtatago ka lang. Lukaret ka talaga." Natatawa si Patty sa dami ng beses na itinaggi ko, kay RJ din pala ang bagsak ko.
"Ganun talaga. Pero Pat ikaw kamusta? Baka ginugulo ka ng management?"
"They know umalis ka. So far nalagpasan ko na ang interrogation. Wala naman talaga akong alam kaya di ko kailangan magsinungaling. Kung ngayon nila ako tatanungin, malamang makapagsinungaling na ako."
"Pat, I guess I have to speak up. Ayoko naman na ipahamak si RJ. Gusto kong hindi siya madamay."
"Paano natin gagawin iyon?"
"I don't know. Pero kailangan ng magising s katotohanan ang mga fans na walang kami ni Josh."
"Pag-isipan natin. But for now girl, dumito ka muna. Gusto ko rin mapahinga kahit kaunti and then we'll talk about it. Don't use muna your number. Siguro have a different number na pwede tayo magkausap at magkabalitaan."
"Tama. I'll ask RJ to buy me a new SIM card. And siguro I won't use muna my IPhone. Baka matrace e. Kailangan ko ng Android. And Pat, please ipagdala mo ako ng mga damit. Alam mo naman ang gamit ko diba. You can ask kuya Jose to bring it here dahil pinsan naman ni RJ si Kuya Jose."
"Okay girl. Bukas I'll ask Kuya Jose na dalhin ang mga gamit mo. Mag-ingat ka!"
"Ikaw din Pat." Nagyakap kami ni Pat. Buti na lang nariyan siya para alalayan ako at samahan. Siya ang confidante ko.
Umalis si Pat. Naiwan akong mag-isa dito sa condo ni RJ. Kailangan kong makaisip ng paraan. Paano ba? Maliit na bakasyon lang ang gusto ko, pero eto may RJ na ako, ayos sana kaya lang may nanggugulo.
Then something came to my mind.
Tama!
I guess kailangan na ng katapusan ng kahibangan ni Josh Marco.
This is going to be exciting.
Malamang di niya ako mapapatawad. Pero ayos lang, wala naman siyang halaga sa buhay ko. Isa lang siyang user na gustong makisakay sa kasikatan ko.
Humanda siya.
A/N No proofread.
BINABASA MO ANG
My Saucy Girl
FanfictionA Maichard Story.. How would you break your own rule when you have declared that falling inlove with the person is the last thing you want to do? Or the least thing you intend to do? Find out how two opposite person, realize that when love knocks o...