11

1.1K 109 2
                                    


RJ's

Si Capili.

There she is in all her glory. Walang nagbago. Kung ano siya nung nakilala ko dati, ganun pa din siya. Pero kita ko na mukhang maayos naman siya. Kaya tumayo ako para lapitan siya. Pagkakataon ko na para makahingi ng tawad sa kanya.

"RJ! Saan ka pupunta? Magsisimula na ang program." Si Jerald.

"Sandali Pare. Kailangan ko lang gawin ito." Iyon lang at lumakad na ako palapit kay Capili.

Paglapit ko sa kanya, napatingin siya sa akin. Halos lahat ng mga tao sa venue ay nakatingin sa akin ng abutin ko ang kamay niya.

Tinignan pa muna niya ako pero makalipas ang nakabibinging katahimikan at atensiyon mula sa  mga matang nakatingin at nag-aabang, inabot niya ang kamay ko.

"Dei, halika doon tayo sa table namin nila Jerald." Tumango lang siya at yumuko. Pamilyar ang pabangong gamit niya. Naamoy ko na iyon. Di ko lang matandaan kung kanino ko naamoy.

"Wait? Bakit inaasiste mo ang babaeng ito?" Si Julie. Napatingin kami ni Dei pero yumuko pa rin siya.

"Wala kang pakialam, Julie." Mahina pero may diin kong sagot.

"Baka nakakalimutan mo, isa ka sa dahilan kaya napahiya ang pangit na yan!" Sagot pa nito. Nakita ko na lumapit na rin yung tropa niyang sila Thea at Louise.

"Ayoko ng gulo Julie. Pasensiya na pero excuse me." Sabi ni Dei at pilit kinukuha ang kamay niyang hawak ko.

"Not so fast my dear. Di ka nababagay dito at para sa magagandang tao lang ang pwede dito. At dahil pangit ka, di ka invited dito!" Sabi ng bruhang Julie. Di ako makapaniwala na ganun pa rin kasama ang ugali ng babaeng ito.

"Julie!" Sigaw ni Jerald.

"Hoy Napoles! Huwag kang makialam!" Si Thea.

"Wala kayong karapatan magbawal kung sino ang pwede pumunta sa reunion na ito. Basta kabatch natin, invited. Huwag kayong gumawa ng eksena dito. Di lang kayo ang bida dito!" Sabi pa ni Jerald.

"Whatever! Basta ayoko na nandito yan!" Si Julie.

"Bahala kayo sa buhay ninyo! Tara na RJ, Dei.." Yaya ni Je. Inalalayan namin si Dei umupo sa table namin nila Valeen.

"Pasensiya ka na ha. Masasama talaga ang ugali ng mga yun." Sabi ko. Nakayuko pa rin si Dei.

"Ayos lang. Sanay na ako." Naaamoy ko ang pabango niya at may naaalala ako. Si Miss Maine. Oo si Miss Maine. Pareho sila ng pabango.

"Dei, sorry ha. Ngayon ko lang masasabi sayo ito pero matagal ko ng gustong humingi ng tawad sayo. Di ko naman alam na ganun ang balak ng mga babaeng yun. Sorry talaga."

Matagal bago siya nagsalita. Nakayuko pa rin siya.

"Okay na yun. Kinalimutan ko na."

"Talaga? Tumingin ka nga sa akin kung di ka na galit." Alam kong nahihiya siya pero pinilit niyang tumingin sa akin. Nung nagkatagpo ang mga mata namin, may nakita akong familiarity. Di ko lang mapinpoint. Iba e.

"Salamat Dei ha. Friends na tayo?"

"Friends. Sure." Ngumiti na siya at yumuko ulit.

***

Nagkakasaya kaming nagkwentuhan sa table namin ng magpaalam si Dei na mag-CR.

Sinabi ko na sasamahan ko siya pero sinabi niya na kaya niya. Parang narinig ko na kay Miss Maine iyon. Yung authority pero siguro naiisip ko lang si Miss Maine kaya lahat na lang ng bagay ay nai-associate ko sa kanya.

Hinayaan ko na siyang umalis. Kaya na naman niya siguro ang sarili niya.

Nagpatuloy kami ng kwentuhan nila Jerald ng mapansin ko na matagal na siyang di bumabalik. May 15 minutes na rin kaya nagpaalam ako kala Jerald na susundan si Dei.

Di ko alam pero sumunod pala si Jerald sa akin.

Nadatnan namin na kinukuyog nila Julie si Meng.

"Hoy! Ano yan?" Sigaw ni Je.

"Ang sasama ninyo! Binubully na naman ninyo si Dei! Ang tatanda ninyo na pero di kayo nagbago! Layuan ninyo si Dei!" Sabi ko.

Pero huli na kase nakita namin ni Jerald na binuhusan nila ng juice si Dei.

Nilapitan ko kaagad si Dei at si Jerald naman ay kinaladkad si Julie.

"Ayos ka lang?"Tanong ko.

"Ayos lang. Uuwi na ako. Magpalit ako ng damit. Ang lagkit nung juice."

"Samahan na kita. Babalik na naman diba?"

"Bahala na."

"Maaga pa. Bumalik ka na please."

"Baka kase buhusan na naman nila ako ng juice."

"Ako na bahala sayo. Di ka na nila malapitan promise."

"Promise?"

"Oo nga."

"Okay. Wait for me."

Sinamahan ko siya na makasakay sa tricycle. Uuwi daw muna siya.

Pagbalik ko sa venue, hinarap ko sila Julie.

"Huwag na ninyong lalapitan si Dei. Ulitin pa ninyo yan, papatulan ko na kayo!" Banta ko.

"Wow! Type mo siya? I can't believe na siya lang ipapalit mo sa akin? Pangit pala ng taste mo!" Nakakairita ang babaeng ito. Ang taas ng tingin niya sa sarili niya.

"Nagsisisi ako na niligawan kita Julie! Ang sama ng ugali mo! Buti natitiis ka ng syota mo!Pathetic ka!"

Nilayuan ko sila pagkasabi nun. Hindi na siya nakasagot.

Bumalik ako kala Je. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik ni Dei. Buti pa siya, mabait na kahit di kagandahan. Pero gumaganda siya dahil buti ng kalooban niya. Di hamak na mas maganda siya kala Julie.

****

Mahigit isang oras na pero di pa bumabalik si Dei. Baka natakot na at umayaw ng bumalik. Nalungkot naman ako kase kahit papaano, nakilala ko na matalino siya at may sense ang mga sinasabi niya.

Pero mabuti na rin na di na siya bumalik. Baka kase walangyain na naman ng babaeng yun.

****

Busy kami nila Jerald na nag-iinuman. Kahit naman di ako masyadong nag-iinom ng biglang may nagtilian.

Natuwa ako kase alam ko si Dei na iyon. Ewan ko ba kung bakit siya ganun asarin ng batch namin. Masasama din ugali ng mga ito e.

"Maine! Papicture! Maine, Idol!" Sigaw ng mga kaklase ko. Si Miss Maine? Paano? Bakit?

Tumakbo ako papunta kung nasaan nagkakagulo ang mga kaklase ko. Pati mga teachers namin nagkagulo.

At dahil bilang security niya, hinawi ko ang mga tao. Sa laki kong ito, hindi ko mahahawi ang mga tao.

Nilapitan ko siya. She's so beautiful. Nakakulot-kulot ang mahaba niyang buhok. Simple lang ang make up at nakasimpleng maong at black na blouse.

"Ayos ka lang Miss Maine?" Tanong ko ng akbayan ko siya at iguide siya papunta sa pwesto namin nila Jerald.

"Ayos lang."

"Bakit ka nandito Miss Maine?" Kinikilig ako kase sinundan niya ako dito. Bakit nga ba? Teka huwag muna mag-assume.

"I am invited."

"Talaga?"

"Yes. Faulkerson?"

"Yes Miss Maine?"

"It's Dei Capili." Nashock ako sa narinig ko. Palabas lang yung kanina.

Napatingin ako sa kanya.

Hinarap ko siya habang nagmamasid ang mga tao sa paligid namin.

Isa lang ang nasabi ko.

"Kelan pa?"



A/N No proofread.

My Saucy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon