Maine's
I'm here taping at Makati para sa teleseryeng ito with Sebastian. Naiirita ako at nakailang take na kami, laging nagkakamali ang lalaking ito.
"Sebastian, ano bang problema mo? Kanina pa tayo dito o! Nagsasayang na tayo ng oras, di mo pa rin makabisa ang linya mo!" Sigaw ni Direk Pat. Alam ko na iritable na siya at the same time, alam ko na alam niyang maigsi ang pasensiya ko. I go to work na sinigurong ayos ang linya ko pero ang isang ito, hindi handa! Nakakaubos ng pasensiya.
"Direk, I want some breaktime." Announced ko at tinanggal na lapel ko.
"Sure Maine. Ten minutes break! Pakiretouch si Maine. At ikaw Sebastian, mag-usap tayo. Kung ayaw mong palitan na kita at patayin yang character mo! Kakainis ka na!" Walang prenong sabi ni Direk. Alam ko bothered na siya at alam ko pa rin na ramdam na niyang pawalk out na ako. Nakakapagod na. Bago kase makatapos ng isang eksena, inaabot ng ten takes. Naiirita na ako.
Dumiretso ako sa tent ko. Nakita ko sa may pintuan si RJ.
"Water please!" Utos ko.
Nagmamadali siyang kumuha at isinunod sa akin ang bottled water.
"Sigurado ka bang malinis ito? Ayokong magkasakit!"
"Opo Miss Maine."
Sumenyas ako ng kamay na lumabas na siya. Di ako nagsalita at ipinikit ang mata ko. Alam kong nakamasid lang si Paolo at Patty.
"Ano?" Pagmulat ko ng mata ay tinanong ko sila.
"Sobra ka girl. Salbahe ka doon sa bago. Ang pogi pa naman!" Si Paolo.
"E ano ngayon? Body guard ko lang siya." Sagot ko.
"Kahit na. Pwede ka naman magpasalamat!"
"E ayaw ko e! May magagawa ba siya?"
"Sobra ka! Pansin ko paborito mo siyang utusan at walangyain sa mga bodyguards mo. Anong meron?" Si Patty.
"Wala nga! E siya laging nakaharang sa dadaanan ko kaya siya ang inuutusan ko!"
"Wushuuu! If I know nagwagwapuhan ka kaya papansin ka!" zsi Paolo ulit.
"Excuse me? Ako? Hello! Di ako papatol sa bodyguard! Never! Itaga ninyo yan sa bato!"
"Sinabi mo e!" Si Paolo. Nakipag-appiran pa kay Patty.
"So pwede na sa amin ni Patricia si Papi RJ? Amin na lang ha?" Si Paolo na landi.
"Edi sa inyo! Wa ako pakels!"Pero deep down, naiirita ako. Bakit? First real crush diba? At malamang, first love na unreciprocated dahil di nga ako pinansin nun dati dahil nga pangit ako. So sorry na lang siya ngayon, kase naghihiganti ang lola ninyo.
Hindi ko malilimutan kung paano nila ako ipinahiya ng hayup na Julie na yun. Unforgivable ang kasalanan nila sa akin. Hindi ako basta-basta makakalimot! Iyon ang turning point kung bakit ganito ang ugali ko. At kung bakit binago ko ang sarili ko ng bongga, sila ang matinding dahilan.
Napalis ang throwback ko ng magsalita si Patricia.
"Hoy bru! Tinatawag ka na ni Direk. Ready na daw yung bopols na leading man mo!" Si Patty.
"Hay, last na talaga, magwalk out na ako! Promise!" Banta ko bago lumabas.
Nakita ko si RJ at napatingin sa akin na may ngiti.
Inirapan ko nga sabay taas noo. Itsura niya ngayon. Mukha niya!
A/N Next chapter ang total Throwback sa mga naganap kung bakit salbahe na si Maine natin.
No proofread.
![](https://img.wattpad.com/cover/155779762-288-k22980.jpg)
BINABASA MO ANG
My Saucy Girl
FanfictionA Maichard Story.. How would you break your own rule when you have declared that falling inlove with the person is the last thing you want to do? Or the least thing you intend to do? Find out how two opposite person, realize that when love knocks o...