Chapter 2

6.5K 98 4
                                    

Pagdismiss ng klase agad tumayo at walang sabi sabi na lumabas sa loob ng classroom ang labing dalawang taong gulang na si Troy.

Nagmadali namang ayusin ni Steph ang gamit nya bago sumunod kay Troy habang tumatakbo.

"Troy wait!" pero parang bingi ang isa na dere derecho lang sa paglalakad.

Dahil nga magkapit bahay naging magkalaro at magbestfriend ang dalawa. Magkaklase sila simula ng nag-aral. Pinagpilitan ni Troy na sa magulang nya na dapat isang school lang sila at dapat magkaklase sila ni Steph dahil kung hindi ay wala na din syang balak pumasok.

Pinagbigyan sya ng magulang at natuwa din ang magulang ni Steph dahil alam nila may kasama ang anak nila sa school di nangangamba na baka malungkot ang bata.

Pag dating sa waiting area wala pa si Mang Caloy ang driver nila Troy na syang sumusundo sakanilang dalawa, sa pagpupumilit ng magulang ng batang lalaki since isang school lang sila.

Pumwesto sa bandang dulo ng bench si Troy at maya maya'y umupo na din ang hinihingal sa si Steph sa tabi nya.

"Troy galit ka ba sakin?" Tanong ni Steph na syang kinaiwas lang ng tingin ni Troy na mukhang walang balak sagutin ang batang babae.

Steph let out a long sigh "Galit ka nga. Bakit ka galit sakin?" iniwas nya ang tingin kay Troy at pinagmasdan na lang mga kapwa nilang estudyante na sinusundo para makauwi.

"Why are you making friends with Bea's group?" Biglang tanong ng lalaki

"Masama ba iyon?" naguguluhan nyang tanong "Sila unang nakipagkaibigan sakin. Imagine simula preschool ngayon lang may nakipagkaibigan sakin maliban sayo" patuloy nya. Nagtataka sya bakit walang ibang nakikipagkaibigan sakanya simula noon.

"So ayaw mo na ako lang ang friend mo?"

"Ofcourse not!"

"Then you should not find other friends it's either you want new friends or me. You choose"

"Syempre ikaw! Kaya nga ikaw ang bestfriend ko di ba?"

"Exactly! Hanggang ako bestfriend mo di ka pwedeng makipagkaibgan sa iba"

"Oo na"

"Promise?"

"Promise"

Dumating na si Mang Caloy kaya sabay silang tumayo para at lumapit sakanilang driver para makauwi.

Nagpalit lang ng damit si Steph at dinala ang books na kailangan sagutan na homeworks sa bahay nila Troy which is sa tabi lang ng sakanila.

Pagpasok nya sa living room nakita kaagad nya na gumagawa ng homeworks si Troy. 

Pag may di kasi sya maintindhan pumupunta sya dito para magpatulong lalo na sa Math subject nila. Ito kasi ang Top 1 sa klase nila habang sya ay ang top 2 aminado sya na di nya kayang higitan sa top si Troy dahil sobrang talino nito halos karamihan sa score ay perfect.

"Troy paturo naman ako sa math ang hirap hirap kasi. Sabay na din ako sayong gumawa ng ibang assignments"

"Okay. Unahin muna natin sagutin ung iba last na ung math"

Sumangayon ang batang babae at natapos din nila ang math ng walang kahirap hirap. Minsan iniisip nya mas magaling pa ata kaibigan nya sa teacher nila dahil mas naiintindihan pa nya ang paliwanag nito kesa sa kanilang teacher.

Pinagsilbihan sila ng katulong ng merienda kaya ng natapos sa assignments ay nakaupo na lang sila sa sala at kumakain.

"Alam mo ba may crush pala si Bea sayo" paguumpisa ni Steph ng usapan habang kumakain

"Tss. I don't care if she has a crush on me" nagpatuloy uli sa pagkain ang lalaki

"Grabe ang suplado naman nito. Pasalamat ka nga crush ka ng tao" sumandal sa sofa ang isa habang pinagpatuloy din ang pagkain.

"Bakit naman ako magpapasalamat? Teka nga may crush ka na din ba Stephanie?" Nanliit ang mata ng lalaki.

Isa sa mga rason kung bakit walang nakikipagkaibigan kay Steph mapa babae man o lalaki dahil inaaway nito o pinagsasabihan ng palihim dahil ayaw nyang magkaroon ng ibang kaclose ang kaibigan. Di nya alam kung kailan sya nagsimulang magkagusto dito ang gusto nya lang noong bata pa sila ay sakanya lang ang atensyon nito hanggang sa lumalim.

Lihim lang ang pagkagusto nya dito at ngayon nya lang narealize na baka magkagusto din ito sa iba. Di pwedeng mangyari un mas nainis sya ng nakita nyang namula ang pisngi nito.

"W-wala ah w-wala akong c-crush" umiwas ng tingin si Steph but Troy knows better he know that's she's lying.

"Sino ang Crush mo Stephanie" napalunok ang babae alam nyang seryoso ito dahil tinawag na sya sa kanyang buong pangalan.

"U-uhm Troy uuwi na pala ako may gagawin pa ako sa bahay. Thank you pala sa pagtulong sa assignment at merienda" agad nyang binaba ang kinain kinuha ang mga gamit na nakapatong sa lamesa at agad na umalis.

Hindi naman kasi nya pwedeng sabihan na ang bestfriend nya ang crush nya dahil nakakahiya at baka mailang ito. 

Naiinis sya sa sarili nya nabanggit nya pa kasi na crush ito ni Bea gusto lang kasi nyang malaman ang reaction nito kaso napahamak pa tuloy sya.

"Steph we're not yet done talking!" di napansin na nakasunod na pala ito sakanya kaya mas binilisan nya ang paglalakad na naging takbo kalaunan.

Nang malapit na sya sa kanyang kwarto ay nakahinga sya ng maluwag di nya alam paano sya nakarating agad dito.

Nang akmang isasara nya na ang kanyang kwarto ng nakapasok na sya sa loob may braso na humarang sa kanyang pagsasara ng pinto.

Parehong ihinihingal pero ang lalaki ay nakatitig sakanya ng masama.

"Not so fast Steph answer my question first" 

Young Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon