Chapter 21

3.2K 67 4
                                    

Maagang umalis ng bahay si Steph para makipagkita sa kaibigan nyang si Nadine. Kailangan nya ng mapaglalabasan ng sama ng loob.

Napagdesisyunan nila na sa coffee shop sa mall na lang sila magkita. Nang makapagorder ay sa labas sila pumwesto since maaga pa naman ay hindi pa mainit at kailangan din ni Steph lumanghap ng sariwang hangin.

"Hindi ko na alam Nads. Para kasing may relasyon kami pero wala. Hindi ko na sya maramdaman. Ni halos hindi na kami nagkikita" Pagtatapos nya ng hinain kay Nadine. Ikninuwento nito lahat ng sama ng loob sa asawa minus the part na asawa nya na ito. Ang kwento nya lang boyfriend nya si Troy.

"Malay mo busy lang talaga sa studies at wala naman talaga silang relasyon ng babae. Just him time" napabuntong hininga na lang si Steph at nagbaba ng tingin sa ubos nan yang inumin. She is trying her best to understand Troy to be rational pero minsan hindi nya na alam ang iisipin dahil may times na parang hindi nya na nararamdaman ang asawa.

"Hoy Troy! Wait lang!" Naagaw ng babae ang atensyon nya kaya napaangat ang mukha nya para lang makita ang asawa sa tapat nya. Kita nya ang gulat dito.

Nang lilingunin n ani Troy ang babaeng sumigaw doon nagtama ang mata nila. She was hurt. They have misunderstanding that night pero wala syang narinig dito at hindi man lang nakipag ayos. Hindi nya ineexpect na makikita nya ang asawa na may kasama na ibang babae na parang mas pinila pa nito ang makasama iyon kesa sakanya.

"Grabe naman Ty! Hindi mo man lang ako hinintay? Pinatakbo mo pa talaga ako" Kita ni Steph ang paghawak ng babae sa braso ng asawa habang nakapout pa ito habang ang lalaki ay patuloy pa din nakakatitig sa kanya na gulat na gulat.

Nagbabadya na ang kanyang luha kaya agad agad syang tumayo hablot ang gamit na tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Narinig nya ang pagtawag ni Nadine sakanya pati ang malakas na pag sigaw ng Babe ni Troy pero wala na talaga syang pakialam. Ang gusto nya ay makauwi agad. Sakto may taxi nagaabang sa labas ng mall kaya agad syang nakasakay.

Pagdating sa bahay nila inabutan nya ang Taxi driver ng isang libo at hindi na hinintay ang sukli dali daling pumasok sa loob.

Dumerecho sya sa kanilang kwarto at naupo. Hindi nya alam kung ano ang gagawin gulong gulo na sya. Hindi pa nakikisama ang luha nya na maya maya'y tumutulo pa din.

Nagulat sya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Troy "Babe. Please let's talk"

"Ngayon gusto mo akong makausap? Simula ng nag-away tayo kagabi wala kang ginawa mas inuna mo pang kitain ang babae mo? Kung hindi ko pa kayo makikita sa mall hindi mo pa din ako kakausapin!" Halos sinisigaw ni Steph ang kanyang sinasabi.

Napahilamos naman si Troy out of frustration "I just give you some space dahil kung mainit pa ang ulo mo walang mareresolba kahit anong pag-uusap gawin natin tulad ngayon"

"No! Ang sabihin mo nagbago ka na talaga! Bakit ayaw mo pang aminin na wala ka ng nararamdaman sakin? Siguro hindi naman talaga totoo nap ag-aaral ang inaatupag mo!"

"Stop it there Steph! Hindi ako nagsisnungaling ng sinabi ko na gumagawa talaga kami ng group project ng mga kaibigan ko. Totoo ng sinabi ko na busy ako sa studies ko"

"That's not what your showing" humihikbi pa din si Steph habang pinipigilan ang nahuhulog nyang luha na kahit anong pigil nya hindi pa din huminto.

Napatigil si Troy sa sasabihin ng marinig nyang magring ang kanyang cellphone. Sinagot nya lang ito na hindi tinitignan sino ang tumawag. Sisigaw sana nya ito sa pangiistorbo sa paguusap nila ni Steph ng narinig nya ang nanginginig na boses ni Lissa.

"T-troy please help me!" Napakunot ang nuo ni Troy ng marinig nya ang boses ni Lissa.

"Lissa?" Pagkukumpirma nya.

"May dumukot sa akin sa parking hindi ko alam saan ako dadalihin puro talahiban ang nakikita ko. Natatakot ako Troy." narinig ni Troy ang takot sa boses nito.

"Hello Lissa? Hello?" tinignan ni Troy ang phone nya on going pa din ang call nito. Nang tinapat nya uli sa tainga nya sya naman narinig nya ang lalaki na nagsasalita.

"Anong ginagawa mo dito! May balak ka bang tumakas!"

"Ano ba bitiwan mo ako! Pakawalan mo ako!" Sa tingin ni Troy ay naglalaban si Lissa sa lalaking nakakita dito. Kahit anong salita nya mukang walang nakakarinig sakanya.

"Ang tigas din ng ulo mo babae ka!" may narinig si Troy na malakas na tunog at pagdaing ni Lissa "Sa susunod na magmatigas ka hindi lang suntok sa tyan ang matitikman mong babae ka! Halika na at bumalik ka na sa kwarto kung saan ka nakakakulong!"

Malakas na pagsara ng pinto ang kanyang narinig pero naka on-going call pa din. Siguro ay natago ni Lissa cellphone nito bago sya naabutan ng lalaki na kausap sya sa cellphone. Triny nya na iopen ang GPS nito at nadedetect nya kung saan lugar ito dinala ng mga dumukot dito.

Napatingin sya bigla sa asawa nya na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sakanya. Parang inuobserbahan ang bawat kilos nya pati ang kaninang pakikipag-usap nya kay Lissa.

"Look Babe, Lissa needs my help nakidnap sya kanina sa mall ng paalis na ito" nakaka-usap ang mata nya na sana ay intindihin sya nito.

"Then tell it to her cousin. Lander ang panagalan ng pinsan nya di ba?" Walang emosyon na sabi ni Steph.

"Yes, but I was with her before this thing happen at sakin sya tumawag hindi kaya ng kunsensya ko na hindi tumulong"

"Anong tulong ang magagawa mo? You are risking your life for her? Ano wala ka ng pakialam kung may asawa kang maiiwan?"

"Please Babe don't make things complicated"

"Don't make things complicated? Okay" Steph noded her head "You choose. Sya ba o ako?"

"Babe Please?"

"No! mamili ka. Oras na sya ang pinili mo asahan mo wala ka na ding asawa"

Young Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon