Chapter 35

4.1K 53 0
                                    

Kakabasa lang ni Steph ang message ni Cody. Kadarating lang daw nito galing ibang bansa after months of doing local and international projects. Pinuntahan daw sya sa condo nito pero hindi daw sya nakita.

Hindi pa kasi nasabi ni Steph na nagkabalikan na sila ng asawa. Ngayon ay nangangalap sya ng lakas ng loob para magpaalam sa asawa na kikitain nya si Cody. Gusto nya din kasi itong makausap. Somehow naging parte na din ito ng buhay nya kaya hindi nya kayang balewalain na lang ito.

"Pang ilang buntong hininga mo na yan. What's the matter babe?" Tanong ni Troy.

Makatabi sila sa sofa ngayon habang busy ang isang nanunuod ng international news.

"Babe gusto ko sanang ipaalam sayo na balak kong makipagkita kay Cody"

"My answer is no"

Hinawakan ni Steph ang braso nito "Babe please Cody is my friend, sya ang karamay ko ng nasa ibang bansa ako and I think he deserves to know we're back together" pasusumamo ni Steph.

"Is that all?" tanong ni Troy.

"Yes Babe magkaibigan lang kami nothing more than that" pagcoconvince nya dito.

"Is there anything I need to know?" tanong ni Troy na parang sinusuri sya. Alam naman nya na simula dati pa ay pinagseselosan na nito si Cody.

Tingin ni Steph her husband needs to know everything about her relationship with Cody. Ayaw nyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa mga bagay bagay. They should have learned from their past mistake.

"Actually ung condo na tinutuluyan ko si Cody ang nagasikaso while I'm out of the country. He bought the condo next to him under my name so technically magkapitbahay kami. He texted me asking me where I am ng nakita nyang wala ako sa condo ngayon"

Nagkasalubong naman ang kilay ni Troy "Nakita nyang wala ka sa condo mo? You mean he can freely go inside your unit?" halata sa asawa na pinipigilan nitong tumaas ang boses nito.

Kinakabahan namang tumango si Steph. Dahan dahan namang inalis ni Troy ang kamay nyang nakapatong dito. Naalarma naman si Steph at mariing hinawakan ang kamay ng lalaki "Promise walang ngyari samin ni Cody kahit minsan doon sya natutulog sa unit ko it's infatuation at kahit ng naging kami wala talagang nangyari samin" pagpapaliwanag ni Steph pero huli na ng naisip nya na parang mas pinahamak nya ang sarili nya dahil sa huling nasambit at kita ang pagkagulat ng asawa sa sinabi nya.

"Y-you had a relationship with Cody?" tanong nito na di makapaniwala.

Yumuko si Steph at tumango. She doesn't want to see the pain in her husband's eyes. Alam nya paano ito naging loyal ng umalis sya but she have no plan on keeping secrets with him eventually he will know it kaya mas magandang isang bagsakan nya na lang sabihin dito.

Natatakot syang isipin na this time her husband will leave her for good at di sya pakinggan but she doesn't want to hide anything from him. Naiiyak sya sa mga bagay na tumatakbo sa kanyang isip.

Nagulat sya ng bigla syang yakapin nito. Ang kaninang pinipigilang iyak ay naguunahan ngayon lumabas.

Gumanti sya ng yakap dito "I'm sorry Babe. I'm sorry. Sana nakinig ako sayo ng araw na iyon. Sana hinintay kitang makauwi para napakinggan ko ung explanation mo. Sana naayos natin ung relasyon natin pero naging bulag at binggi ako ng araw na iyon. Masayado akong nagpadala sa galit ko. You even told our parents that's it your fault and took all the blame when it's me who should have done it. Hindi ko masisisi if you won't believe me or if your thinking of leaving me." humahagulgol na si Steph pagkatapos sabihin ang linalaman ng kanyang isip.

Troy is still hugging her and soothing her by rubbing her back.

"Shhh stop crying Babe. It's not that I don't believe you. I was just mad of myself. Remember it's me first who never fixed our problem. When we're on rock kesa pagusapan ang problema umaalis ako dahil akala ko mas mabuting wag na lang palakihin ang away natin pero iba ang naging dating sayo. Hindi na nga kita napagtutuunan ng pansin bilang asawa dahil sa studies ko tapos lahat ng away natin hinayaan ko lang magpatong patong ng walang nagpaguusapan para sana naayos. Mas lalo lang tuloy kitang binigyan ng pagkakataon magisip ng di maganda."

Stephanie removes her arms from hugging her husband. Hinawakan nyang  magkabilaan ang muka nito at tinignan sa mga mata."I love you so much Babe." Ang katagang kaya nyang bigkasin sa mga oras na iyon sana ay maramdaman nito ang sinsero sa mga salitang kanyang binanggit.

"I love you too Babe more that what you imagine" after Troy told her those words ay agad sinakop ng lalaki ang kanyang labi.

He was kissing her like his life depends on it. Parang gusto nitong iparamdam kung gaano sya kamahal nito sa pamamagitan ng masuyong halik.

From simple kiss ay nauwi sa isang mainit na tagpo ang nangyari sakanilang mag asawa.

They are now both naked hugging under the sheet. After their hot session from living room they continue it inside their bedroom.

"Babe?" tanong ni Troy habang nakaunan si Steph sa dibdib ng asawa at ang kamay nya ang nakayakap dito.

"Hmm" sagot ni Steph bago tumingala sa mukha ng lalaki para hintayin ang sasabihin nito.

"I'm allowing you to meet Cody" nagulat naman si Steph sa pagpayag nito kaya napadapa sya sa kama ng di inaalis ang tingin habang ang isang kamay ng lalaki ay nakayakap pa din sakanya at pinaglalandas sakanyang bewang.

"Really? Your okay with it?" pagkukumpirma niya dito.

"I'm trying. He is your friend after all."sabi nito.

"But" she was about to say something but Troy stop her "I believe and trust you" sambit nito.

Alam nyang may pag aalangan ito pero sapat ng marinig mula dito na may tiwala ito sakanya.

"Thanks Babe. I won't do anything to break your trust" nakangiting sabi nya.

Ngumiti din ang asawa nito at hinalikan sya sa labi. "Let's sleep now my wife" inayos na din sya nito sa paghiga tulad kanina ay inunan sya sa dibdib nito kaya automatiko namang napayakap uli sya dito.

"Good night Babe" tugon ni Steph, sa sobrang pagod nya sa ginawa nila kanina at sa pagiyak ay hindi nya na narinig ang sagot ng asawa.

Malaking pasasalamat nyang maayos natapos ang kanilang usapan ng gabing iyon.

Young Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon