Chapter 16 - Tug of War

3.7K 196 10
                                    

Dedicated to marlonsaburboroph

Lucky's P.O.V

Pagkasilip ko sa room ni Kuya ayun tulog na tulog. He said he will drive me to school dahil wala si Papa. Napabuntong hininga na lang ako I guess magkocommute nalang ako.

Lumabas na ako ng bahay at patuloy na naglalakad papunta sa sakayan.

"Need a ride?" tanong na mula kung saan kaya sinundan ko ito.

"G-Good M-morning?" bati ko. Nautal pa ako buset, nakakagulat naman kasi umagang-umaga e susulpot na parang kabute.

"Good Morning too, sakay na baka malate ka, tayo pala Hahaha" pag-anyaya niya sa akin.

"Magcocommute nalang ako, kaya ko naman" ngumiti ako.

"Ang kulit mo inaaya na nga kita e tatangihan mo pa tsk tsk tsk." sabi at hinila niya ako "Sakay na".

Sumakay na ako sa motor niya.

"Hoy! Siraulo ka ba! Mahuhulog ako dito buti at nakakapit ako sayo!" sigaw ko.

Nakarating kami ng ligtas buti naman nagbangayan pa kami bago kami pumasok. Narealize lang namin na late na late na kami kaya naman lakad-takbo ang ginawa namin, nagsosorry na lang ako sa mga nababangga namin.

Nasa 3rd floor na kami napatid pa ako sa pag-akyat ko.

"Okay ka lang?" tanong ni TJ.

"Napatid nga 'di ba? Di hindi okay" sabi ko.

"Aray!" sigaw ko ng subukan kong tumayo.

Tinulungan niya akong makatayo, akay-akay niya ako.

Narating na namin yung room, napatingin pa nga sila sa amin e.

"Good Morning" sabay naming bati ni TJ.

"Why are you late, Both of you?" sabi ni Sir.

"Traffic" si TJ.

"Overslept" sabi ko.

Hindi ata naniniwala si Sir? 'di naman kasi kapani-paniwala.

"E bakit kayo pawisan? At bakit ganyan siya maglakad at akay mo pa?" pagtukoy niya sa akin.

Pinipigilan ng iba naming kaklase na wag matawa, iba ang iniisip nila sa amin. Ikaw ba naman ang tumakbo ng ilang floor wala silang alam no.

"Pasok na kayo, I'll let you pass this time. Just be safe always, use protection also" sabi ni Sir at ngumiti.

What?

What?

What!?!?

Lupa lamunin mo na ako please hiyang-hiya na ako si TJ naman ngiting-ngiti, iba rin. Umagang-umaga nakakahiya grabe pero siya gustong-gusto naman niya.

Sa buong klase ako'y lutang at natutulala, iniinda yung sakit ng paa at iniisip yung mga nangayari kanina lang, What a blast.

"Okay ka lang?"

"Ha?" napatingin ako sa kanya si Raiden pala.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong niya kaya kwinento ko mula sa umpisa hanggang sa pagka-patid ko.

"Hahaha buti na lang yun yung nangyari akala ko kung ano na"

"Natawa ka talaga?" tanong kong sarkastiko.

"Sorry, sorry akala ko kasi ano, hayaan mo na. Sige ganito na lang breaktime naman e tapos nahihirapan ka pa atang maglakad kukuhanan nalang kita ng makakain. Babalik rin ako kaagad" sabi niya at umalis na sa paningin ko.

Napasandal nalang ang ulo ko sa desk ko. Buti at merong nagpresinta na bumili ng makakain ko, ang hirap ng estado ko ngayon Hahahaha.

Minutes have passed at may kumalabit sa akin.

Tumingala ako at nasilayan ko ang nakangiting lalaki walang iba kundi si TJ akala ko si Raiden. May dala siyang pagkain at iniabot sa akin, burger at bottled water.

"Kumain ka" he said.

"T-thanks" kakain na sana ako pero nakita ko paparating si Raiden at may dala siya yung binili niya para sa akin. Iniabot niya sa akin at ako naman hindi ko tatanggihan mahirap na nagpresinta pa man din siya.

"Thanks Raiden" sabi ko.

"May pagkain ka na pala kanino galing?" seryoso siya ngayon.

"Galing kay TJ 'di ko naman alam na bibigyan niya ako. Wag kang mag-alala gutom na ako e baka makain ko rin yung iyo este yung ibibigay mo salamat ulit" tensyonado ako kasi ayan na naman sila.

Si TJ kasi yung ngiti niya nang-aasar na ewan tapos si Raiden naman kulang na lang e suntukin niya si TJ.

I ended up eating both of the food they gave kaya bloated ako so sad. Dito ata ako tataba sa mga ibibigay nila.

Hindi na nga ako nakakain ulit nung lunchbreak sa kabusugan, ikaw ba naman ang kumain ng dalawang beses e maliit ako tiyak na maliit ang storage ng tiyan ko pero mala-dinosaur naman to dati ewan ko lang ba't ganito ngayon.

Sa mga sumunod pang klase naka-focus na talaga ako hindi ko na inisip what really happened this day. Syempre nakakain pa ako ng sobra at higit sa lahat naka-save ng pera Hahahahaha Practicality I should say, tinaggap ko lang pala sa kanila dahil sa iniinda ko.

TGIF! Uwian time is here!

Nawala na medyo yung sakit at nakababa ako ng maayos ngayon.

*Ting

Message from Kuya Lance:

I'll fetch you up, just wait a little bit.

O gising na siya buti naman, akala ko natulog na to magdamag.

I'm on my way palabas ng school vicinity saktong sa paglabas ko binusinahan ako sa likod ko napatingin ako si TJ nakasakay sa motor niya.

"Hatid na kita?" siya.

Hindi pa ako nakakapagsalita may bumusina sa harap ko, kotse. Naalala ko ito yung kay Raiden.

The glass windows went down nakatuon doon ang paningin ko at si Raiden nga.

"Tara sabay ka na sa akin" he said.

Humingi na ako ng pasensiya sa kanilang dalawa dahil susunduin ako ni Kuya.

Mga ilang minuto lang ay dumating na si Kuya at dali-dali akong pumasok sa kotse.

Napabuga ako ng hangin pagkaupong-pagkaupo ko.

"Huwag kang palaging nagbubuga ng hangin dito sa kotse, kulob dito baka masuffocate tayo" bungad ni Kuya Lance.

"Hindi mo alam kung anong nangyare sa araw na 'to kaya ako napabuga ng hangin" sabi ko.

"You're exhausted bunsoy, just relax wala ng klase bukas." he said.

"Buti naman it feels like I've been pulled on both sides, just like the rope when playing Tug of war." sabi ko kay Kuya Lance.

Kuya Lance said,"Want to talk 'bout it"

"It's about the two; TJ and Raiden"

"What about them? Your suitors" sabi niya.

"No, not suitors" depensa ko.

"Ililibre mo ako kung naging manliligaw mo sila ha?" ngising-ngisi siya.

Thats when I told him what happened from when we ate together with Trix and Gab hanggang sa pag-uwi kanina lang.

"Ililibre mo na talaga ako soon." nakangiti na siya ngayon.

**********

marlonsaburboroph, thanks sa pagvote  I hope masubaybayan mo ang story ko hanggang sa pagtatapos
















Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon