Lucky's P.O.V
"Manliligaw ko po."
Pagkatapos kong masabi yan ay binalot kami ng katahimikan...
"Sorry na po agad." Pero syempre sa isipan ko lang yan. Hindi ako pwedeng magsabi na dare ito, si TJ lang ang magsasabi sa kanila.
Bakas sa mukha ni Mama yung gulat habang ganoon rin yung kay Kuya kaso nasundan ito ng ngisi.
"A-Ahhhh okay. Pasok muna tayo sa loob at madaming insekto rito." Pag-aaya ni Mama.
Nagtungo si Mama sa pinto at binuksan ito at sumunod naman kami.
TJ helped me with my things and surprisingly he grabbed my hand.
Tinignan ko si TJ at nakangiti siya. For some reasons he is happy.
What I really feel? It's either happy or nervous. Is this excitement?
Pumasok na rin kami sa bahay. Pinaupo ko muna siya at saka ko kinuha yung mga gamit ko na bitbit niya at itinabi ang mga ito.
"Kumain na ba kayo? Hapunan?" Tanong sa amin ni Mama.
"Hindi pa Ma." I answered.
"Hindi pa po tita." TJ responded too.
"Saglit lang at magluluto ako. Anything would do?" Sabi ni Mama habang nagsusuot ng kanyang apron kahit hindi pa siya nagbibihis.
Tumango nalang ako.
"Tita hindi na po ako makakasabay na kumain sa inyo, uuwi rin po kasi ako. Hinatid ko lang po talaga si Lucky." Sabi ni TJ.
"Ay sayang naman. Dapat sa susunod kakain kana rito. Oh siya sige ingat ka ha?" Bilin naman sa kanya ni Mama.
"Sa susunod na tayo mag-uusap bro at siguraduhin mong babalik ka rito." Paalam rin ni Kuya. Lumapit pa siya rito at inakbayan si TJ, medyo may pisil na ginawa si kuya sa balikat nito.
Ewan ko sa sarili ko kung bakit ako natawa sa ginawa ni Kuya.
"Lucky samahan mo na siya sa labas at makauwi na manliligaw mo." Utos naman sa akin ni Mama.
Biglang napatingin ako kay Mama.
"Go on." Parang tinataboy pa ako ng nanay ko.
"Oh TJ ihahatid ka lang sa labas ng kapatid ko baka mamaya iuwi mo na yan sa inyo. Okay lang din naman basta ipaalam mo lang Hahaha" pagbibiro ni Kuya.
Natawa lang si TJ at nagpaalam na "Sige mauna na po ako."
Tinungo na namin kung nasaan yung motor niya. Sumandal muna si TJ sa motor habang nakatingin siya sa akin.
"Kailan mo sasabihin na dare ang lahat kina Mama at Kuya? Kasi paniwalang-paniwala na sila." I said, Medyo natatawa rin kasi ako sa reaksyon nung dalawa kaya tinanong ko siya baka seryosohin nila yun.
Buntong hininga lang ang ginawa niya wala siyang sinabi?
"Binabawi ko na yung dare." panimula niya.
"T-Talaga?" tanong ko sa kanya. Nagulat ako kasi syempre ang bilis lang pala nung dare.
"Kailan mo sasabihin sa kanila na dare lang yun?" I asked him.
Ini-angat lang niya yung kamay niya.
Shake hands? As a sign that the dare is completed?
Nakipag-shake hands rin ako kaso ako lang yung nagyugyog ng mga kamay namin. Medyo mabigat ang mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
Love Lust Longer (BXB)
RomanceA Bxb Story by: Valkyrixxx Highest Rank - #1 GayxStraight July 11, 2018 Please do support Lgbt Wattpad Stories! It's your, It's my, It's our Pride