Chapter 50 - Dare Comes First

877 54 33
                                    

Lucky's P.O.V

Pag-tango lang ang reaksyon ni TJ nang pasalamatan ko siya.

Akay-akay niya ako papunta sa gilid kung saan meron yung mga kaibigan namin. Pagdating doon ay tinulungan ako ni Laurence at Andy na maka-ahon. They offered their hands and I did not hesitate to reach it.

"Kinabahan kami sayo Lucky! We should be careful next time." sabi ni Laurence halata mo sa mukha niya na galit or awa.

"Phewww! Lucky pinakaba mo kami ng sobra!" Trixxie said.

Mula sa malayo nakita namin si Raiden na tumatakbo papunta sa amin.

"Sorry... Di na ako tumuloy at baka matamaan ko si Lucky sa pagbagsak ko. Dali-dali na akong tumakbo dito." Ayan ang sinabi niya ng makalapit siya.

Naintindihan ko naman yung sitwasyon niya at baka mas lalo lang lumala kung tumuloy siya.

Sakto namang dumating rin ang lifeguard, pero sinabihan na nila siya na okay na ang lahat.

"Tara na muna sa cottage." Pag-aya ni Gabriel.

"Kaya mo o buhatin nalang kita?" tanong ni TJ sa akin.

"O----okay na ako, wala naman akong pilay o ano. Sadyang gulat lang ako sa nangyari." sagot ko. Pero inalalayan niya pa rin ako along the way.

Nang marating namin ang cottage ay umupo muna ako, all of a sudden binigay ni TJ yung tuwalya niya sa akin.

"May dala naman ako." I said when I refused to take it.

He said, "Ako nalang gagamit nung iyo."

Binalot ko na sa sarili ko yung tuwalya dahil nakaramdam na rin ako ng lamig.

"Woooooh! Medyo di pa rin ako maka-get over sa nangyari." Pag-open ni Trixxie.

"Kain na nga muna tayo. Mamaya na tayo magswimming uli and this time sa pang-bata na tayo." sabi ni Laurence habang kumukuha ng pagkain niya.

"Tama, tama." sumang-ayon naman si Andy.

"Okay naman na ako." I said.

"That was a close call Lucky. Atleast umaksyon agad si TJ." sabi ni Gabriel.

"Bakit kasi hindi ka agad na gumalaw? Ha?" Tanong ni Trixxie kay Gabriel.

"Nawala nga yung tama ng kaunting alak na ininom ko e." Nagkamot-ulo nalang si Gabriel habang sumasagot.

Kinuhanan naman ako ni TJ ng makakain ko and napakadami pa man din ng nilagay niya.

Mapapansin mo rin na tahimik rin si Raiden.

"Cheer up guys! It was just an accident and wala namang nasaktan. Muntikan lang, muntik malunod?" sigaw ni Laurence saka siya tumuloy sa pagkain niya.

"Okay na talaga ako don't worry." Sabi ko sabay ngiti.

"Maybe kasalanan ko rin di ako nag-iingat. Hahaha" dagdag ko. Sinabi ko yan para kumalma na sila kahit papaano. 

"Mas lalong kasalanan namin kung may nangyari sayo'ng masama." saad ni Trixxie saka niya ako binatukan.

Pinagpatuloy nalang namin ang kumain dahil nakakagutom naman talaga lalo na't galaw ka nang galaw sa tubig.

I'll be damned kung nalaman nila Kuya, Mama at Papa yung nangyari sa akin. Pahirapan na ang pagpapaalam sa kanila kung sakali.

Hindi mo aakalain na may nangyaring ganoon. In fact nandito kami sa kids pool, sineryoso talaga nila na dito muna kami. Kaya ko pa naman sa 4-5 ft. Kaso hindi sila papayag.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon