Lucky's P.O.V
Nandito ako sa bahay kinakausap si Kuya kung pwede sanang sunduin niya ako mamaya pagkatapos ng contest. Ayoko namang ihatid pa ako pauwi ni Raiden alam kong pagod rin siya after naming sumayaw.
"Manonood ka ba Kuya habang hinihintay kami? O sunduin mo nalang ako pagkatapos ng contest?" Tanong ko para malaman naman kung anong gusto niya.
"May trabaho pa ako baka mag-OT ako mamaya at late na rin ako makakauwi baka mauna ka pa ngang makarating dito." Sabi niya.
"Kuya e anong oras rin naman matatapos yun atsaka kaya pa naman siguro." Pagpapaliwanag ko.
"Magpahatid ka nalang sa manliligaw mo nako ang hina mo naman." Grabe naman si Kuya nahihiya rin naman ako kay Raiden.
"Kuya... Manliligaw ko siya hindi hatid-sundo na driver." Depensa ko.
"Sus e paano ako? Driver mo ganon?" kwinestiyon niya ako.
"Bakit si Papa okay lang sa kanya, tapos hatid-sundo mo din naman ako dati Kuya a." I said.
"Sa manliligaw mo na nga, gusto rin naman niya. Huwag ka kasing mahiya, di tanungin mo kung pwede ka niya ihatid." Sabi niya habang gumagayak dahil may pasok siya.
"Kuya naman e ngayon lang naman ulit ako magpapahatid syempre iba rin naman kung kasama mo kapatid mo paano nalang kapag may mga loko-loko at napagtripan kami? Di wala na?" Hays Pabebe kong Kuya.
"Sige na nga susubukan ko mamaya hintayin mo ako." Napabuntong-hininga pa siya.
"Umoo ako at baka lalo mo pa akong kulitin at ma-late pa sa trabaho, sige ba-bye na." Dagdag niya.
"Thank you and Bye!" Sabi ko at pumunta sa kwarto ko sa taas.
"Hoy thank you na?! Utang mo yun ano kahit pagod pa ako, susunduin kita kaya may bayad." Hala pabebe na nga hihingi pa ng kabayaran. Sa susunod nalang wala akong pera Hahahaha.
Medyo matagal pa kasi ang calltime namin mga 1:00pm e anong oras palang 7:41am.
Tambay Mode!
Then...
Ayon kay Trixxie dapat nandoon na kami sa venue 3 hours before magsimula ang competition.
Napaaga ata ang punta ko hahaha. The best example for Early bird, and that's me. Nandito ako ngayon sa University dito lang sa lugar namin kasi dito ang venue sabi ni Trix.
Sabi kasi nila maaga para maibigay yung susuotin namin ang kaso lang sobrang aga ko. Kaya dito muna ako sa labas may mga upuan naman ang gagawin ko lang ay maghintay sa kanila.
Few minutes passed and may tumabi sa akin sa pagkakaupo ko, hindi ko na pinansin kasi nga baka nakiupo lang.
"Tatahimik nalang ba tayo?" Sabi ng katabi ko kaya sinulyapan ko siya.
Si TJ pala.
Nagulat ako kasi bigla-bigla naman siya.
"Nandito ka pala? Anong gagawin mo rito?" Tanong ko.
"Inimbitahan ako ni Trixxie na manood atsaka support ko na rin sayo, sa inyo pala." Sagot niya.
Ba't ang aga niya?
Why don't I ask myself that?
Argh! Why am I thinking like this?
I am okay few moments ago before he showed up and then this?
"Okay ka lang? Kain muna tayo kung gusto mo. Tara!" Hindi ako makatanggi dahil sa hinila niya ako kaagad.
Sa cafeteria ng university kami nagpunta
buti nga at may freezer na puro Icecream. Wala na nakita ko na, hindi kk na papakawalan yung icecream."Naglunch ka ba at kakain ka niyan?" He asked me.
"Oo kaya." Sagot ko.
"Baka nga binilisan mo kumain tapos pumunta agad dito? Haynako kinakabahan kana no?" Kanina pa ako tensed, sa tingin niya ba okay na okay ako?
Well let me tell you, there are two things that makes me tensed right now.
First is the competition paano nalang kung natalo kami in fact we're here for the money hahahaha pang-outing namin kahit 2nd or 3rd place lang okay na pero kasi madami-rami rin ang mga magagaling.
Second is yung kasusulpot lang na tao ngayon, si TJ. I mean he acts normal, he acts like nothing happened right? The kiss was just a joke of mine never thought he would take it seriously.
Now we're eating Icecream like normal friends would do, eating together.
Hindi kami nag-uusap kasi nga nakatuon ang aking atensyon sa phone ko, ewan ko lang sa kanya.
"Nakapagpahinga ka naman ba?" He asked me.
Nag-nod lang ako.
After that we went back to the waiting area. Sakto naman na nandoon na rin sila.
"Hey! Here is your shirt." Binato sa akin ni Laurence na nakasupot palang. "And natanggap mo ba yung text ko about our shoes?" Laurence asked me.
"Wala ano ba yun?" Tanong ko rin. Chineck ko sa phone ko and I just received it hindi ko lang napansin.
Tinignan niya yung suot kong shoes then chineck sa bag ko kung meron nga ata.
"Well mali ang naidala mo ngayon paano na yan?" Laurence said.
My bad Laurence.
"Tara na Lucky balikan na natin agad sa bahay niyo." Raiden suggested.
"Hindi pwedeng dalawa kayo paano na lang kung nabunot namin is 1st performer di minus points na yun? Kung nahuli kayo." Sabi naman ni Andy.
"Samahan ko nalang siya, nakamotor naman ako mas mabilis kaming makakarating kaysa sa kotse pa ni Raiden baka maipit sa traffic." Pagpresenta ni TJ.
"Sige na bilisan niyo!" Sabi ni Trixxie.
Naging mabilis ang pagkilos namin para makarating sa bahay. Walang kibuan ang nangyari sa amin ni TJ along the way.
Nakarating rin kami sa bahay at kinuha ko rin ang sapatos na kailangan ko.
"Nakuha mo na ba? Wala ka nang nakalimutan?" Tanong niya ng makabalik ako.
"Tara na, okay na." Sagot ko.
Mahirap naman na mananatiling tahimik ako, hindi naman kasi ganoon kalaki ang kasalanan niya or kasalanan ba talaga yun?
Ano ba Lucky! Focus muna sa competition saka mo na iisipin yan.
Atsaka kami bumalik sa venue.
Kasalukuyan kaming nasa backstage ng mga kasama ko. Hindi lang kami dahil nandito rin ang mga kalahok na tulad namin.
"Fifth performer tayo." sabi ni Laurence.
Apat muna bago kami, bale mga 10 ata ang grupo na sumali dito sa competition.
Rinig mo rito sa backstage ang pagsisimula nito dahil sa MC na nagsasabi ng criteria for judging and yung introducing the judges. Idagdag mo pa yung mga mga makakalaban namin na ang mga tingin na ibinibigay sa amin ay intimidating na mas lalong nagpakaba sa akin ng todo.
"Hey?" Si Raiden na tumabi sa akin.
"I'm a bit nervous." Sabi ko agad.
"Lahat tayo ganyan ang nararamdaman, hindi lang ikaw." He said.
"Okay naman na kapag nakasayaw na ako." Well sa simula lang naman ang kaba ko kakayanin ko rin naman.
He then hold my hands.
Fingers intertwined...
And gave me a smile.
"Sana lahat may ka-holding hands." Biglang sabi ni Laurence.
"Di hawakan mo kamay ko." Sabi sa kanya ni Trixxie.
"Hawakan niyo nalang yung isang kamay niyo gamit yung isa niyong kamay. Basic!" Suhestiyon ni Andy.
Tapos sa tabi niya naman si Gabriel, demonstrating Andy's Idea.Nagsitawanan nalang kami kahit na kabado itong mga kasamahan ko.
BINABASA MO ANG
Love Lust Longer (BXB)
RomanceA Bxb Story by: Valkyrixxx Highest Rank - #1 GayxStraight July 11, 2018 Please do support Lgbt Wattpad Stories! It's your, It's my, It's our Pride