Chapter 13 - After the Party

4.2K 131 2
                                    

TJ's P.O.V

"Oo magaling ka pero be humble naman sana" sabi niya at humagikgik.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata dahil sa sobrang pagod pero hindi pa ako tulog ha.

Nagulat nalang ako nang batiin niya ang kanyang sarili, pinalalim niya talaga yung boses niya at sa huli naman ay binati niya ako.

"Goodnight too TJ"

Pinigilan ko talagang huwag matawa, pero nakakatuwa pala na batiin ka nang ganon lalong-lalo na galing sa kanya.

Mukhang nakatulog na siya ang bilis naman?  Ako naman hindi makatulog dahil sa coke float siguro e puro asukal yun pampa-hyper.

Mga ilang minuto pa'y inaantok na ako. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang gumalaw at yumakap sa akin si Lucky, Napagkamalan ata akong unan? At dumantay pa yung isang paa niya malapit na kay TJ Junior.

Hindi ako makagalaw sa posisyon namin mas lalo pa ata na 'di ako makatulog sa lagay na'to.

Yung feeling na Arghhhh.

Grabe!

Yung pintig ng puso ko mabilis at pinapawisan na talaga ako ngayon kahit malamig dito sa kwarto niya. Nagiinit ang pakiramdam ko dahil alam niyo na Whoooo.

Nagtagal kami sa aming posisyon dahil sa kanya.

Then...

Hay sa wakas humarap na siya sa kabila. Pero hinugot niya yung kumot sa akin kaya inagaw ko ulit.

Wrong move!

Kasi yumakap ulit siya ang malala ay halos nakapatong na siya sa akin. Pati ulo niya ha sa aking dibdib. Parang mas nagustuhan ko pa yung posisyon niya, ewan ko ba.

Naamoy ko siya dahil malapit siya sa akin.

Ang bango niya sobra parang baby hahaha.

Okay lang na ganito kami magdamag, malapit siya at langhap sarap Hahaha.

Ilang saglit lang nakatulog na rin ako mga mag-aalas tres na din, okay lang naman dahil sabado bukas at walang pasok.

Lucky's P.O.V

Ano ba yan sobrang tigas naman ng unan ngayon nakakaasar kaya napilitan akong imulat ang aking mga mata.

Napatingin ako sa orasan at alas-dyis na ng umaga.

Late na ako nagising dahil late na din kaming, wait.

Napatingin ako kay TJ, sarap na sarap siya sa kanyang pagtulog. Kaya pala medyo matigas yung unan yun pala medyo nakapatong na pala ako sa kanya tapos todo yakap naman ako grabe at ganoon rin siya.

Di ko pala siya nabalaan na magulo ako katabi hahaha. Paano ko nalaman na magulo ako? Sabi kasi ni Kuya Lance nang magkatabi kaming matulog noon. Hahaha

Siguro late na siyang natulog dahil sa akin?

Bumukas ng kaunti yung pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako doon.

Si Kuya Lance lang pala atsaka pansin ko lang iba ang ngiti niya? Anong meron? Pumasok siya at sumenyas na huwag akong maingay kaya sinunod ko naman.

Nang makalapit siya sa akin ipinakita niya ang isang picture sa kanyang phone.

Nanlaki ang mga mata ko dahil yung picture na yun ay magkayakap kami ni TJ at mahimbing ang pagkakatulog namin.

Hahablutin ko na sana ito ngunit mabilis niyang iniwas at kumaripas ng takbo.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon