Chapter 49 - Just Keep Swimming! (Part II)

884 30 2
                                    

Lucky's P.O.V

How silly of me, yung plano ko all this time na hindi pagpansin kay TJ. It failed. Nah! Let it aside nalang kung anong nangyari sa amin di naman niya inoopen so bakit ko pa papansinin diba?

Joke lang yun Lucky! Napagtripan ko siya and gumanti lang siya. .

TJ is the kind of person that you can't resist. Yes nakakatuwa siya kasama, pareho sila ni Raiden.

The fact na sumasama sila sa amin nila Andy and Laurence knowing na tatlo kami ay part ng LGBTQ Community. No boundaries since then. I wish that this friendship will last.

Back to reality...

Naglalangoy lang silang tatlo habang ako ay nasa gilid lang nakaupo pero nasa pool pa rin ako sa bandang hagdan lang.

Bagsak yung buhok ko ngayon dahil basa, buti at nagdala ako ng lastiko at ginawa ko itong panali sa buhok ko.

Nagulat ako nang may sumigaw at yung tubig tumalsik rin. In short may tumalon, yun pala si Gab. Tinanggal ko ang mga tubig na tumalsik sa mukha ko gamit ang aking mga kamay.

"Hoy mga siraulo! Ano talon nalang agad? Walang pasabi?" Sarcastic na pagkasabi ni Trixxie sa kanila. Mukhang natalsikan ang mata niya dahil kinakamot niya ito. Medyo namumula na nga yung mata niya.

Ngayon naman ay gumanti si Trixxie at sinabuyan niya ang mga ito ng tubig. Di na ako nakasali sa kanila dahil medyo malalim na yung pwesto nila at siguradong naka-tiptoe na ako, may posibilidad na malunod ako.

"Oh ba't nandiyan kalang?" tanong sa akin ni Raiden habang nasa side siya ng pool pero hindi sa may tubig na part.

"Haynako sa mga tulad kong maliliit play safe lang hanggang sa abot ng mga paa ko. Baka kung ano pang mangyari sa akin." sagot ko.

Si Raiden ay lumipat at ginaya ang posisyon ko na nakalublob lang din. Nagulat ako nga hawakan niya ang aking kamay na nasa ilalim rin ng tubig.

Napatingin ako sa kanya.

"Matagal ko na itong gustong gawin. Pagbigyan mo na ako." sabi niya.

Mga ilang minuto rin yung hawak niya.
Medyo nahiya ako.

Naaamoy ko rin yung alak na ininom nila kanina. Lasing na ba to agad? Nakoooo paano nalang kung inaya siya ni Papa sa inuman? Mahilig pa man din yun sa mga ganon.

"Oh ba't wala kang imik?" tanong ni Raiden.

"Ahhh. Ewan ko rin." sabi ko.

"Umihi ka no! Ang init na ng tubig." Naka-smirk lang siya.

"Hoy! Hindi ah!" sabay suntok ko sa kanya pero tumawa lang siya. "Baka ikaw naman yung umihi. Ikaw lang nakaramdam e." dagdag ko.

"Siguro?" Kalmadong sagot niya tapos biglang yung hitsura niya ay nagpipigil ng tawa.

Napatingin ako sa kanya na nakataas yung isang kilay, medyo napalayo nga ako ng kaunti.

"Uy biro lang naman. Tinatawag tayo nila Trixxie. " Sabi niya.

Nasa kabila sila kaya kailangan naming tumawid yun yung mas mabilis.

"Tara na." Pag-aya ni Raiden.

Tumayo na siya at hila-hila niya ako. Nung nasa bandang leeg ko na kaya pinigilan ko siya.

"Raiden tumataas na yung tubig. Hindi ko alam lumangoy promise." sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at nilapitan ako.

"Buhatin nalang kita." Saka siya tumalikod at nag-bend forward.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon