Chapter 18 - Literally Falling?

4K 125 6
                                    

Lucky's P.O.V

Currently we are tackling a lesson in our Organization Management subject, syempre may mga focused meron ring hindi.

I can see TJ even though I'm not looking at him, peripheral vision. His gazes are really creeping me out kasi pag titignan ko naman siya ngingiti lang tapos itutuon rin kay Sir ang atensyon. Hindi niya lang talaga alam kung anong nangyari sa utak ko habang ako'y tulog, dahil doon naiilang tuloy ako sa kanya.

"So we have 3 forms of Business Organization; First is Sole Propiertorship, Partnership and Corpo-"

"Sir can I excuse Laxamana, Montecillo and Castillo" galing sa pinto at boses babae kaya dumako ang aking paningin kung saan ito nanggaling.

"You heard it you can go" sabi ni Sir at tinutukoy kaming mga tinawag.

Si Trixxie pala yung tumawag sa amin.

"Guys, Birthday ngayon ni Ma'am Jane it would be rude kung wala tayong gawin. Nanay-nanayan na natin siya mula noong acquaintance. In fact imemeet niya tayo mamayang hapon after class so doon natin isasagawa ang surprise sa kanya." she said.

"Ba't ako kasali?" tanong ni TJ out of blue.

"Shonga nagperform ka noon at kami rin edi performer ka tulad namin part ka na rin ay sorry sa shonga. Peace" sabi niya with matching peace sign.

"Okay so what's the plan?" Tanong ni Raiden.

"Contribution 30 each, hand it over" sabi ni Trix habang nakabuka ang kanyang kamay at hinihintay ang ibibigay namin.

"Dapat sa pagbili ng kailangan ha baka mamaya e kotong mo lang sa amin yan" I said.

"Napag-meetingan namin to bes grabe ka ha? Sinabihan ko sila in short ako ang may pakana. Kasi nakita ko kanina lang sa FB e friend ko si Ma'am Jane 'di ko pa binati kasi isusurprise natin siya and mas maganda yun" mahabang litanya niya.

Binigay na namin sa kanya yung share namin.

"Atsaka nasabi ko na sa adviser niyo na gagamitin natin yung room niyo for the meeting and surprise, doon kasi sa Gym nandoon yung Basketball club nagtratraining maingay kung sakali." sabi niya bago umalis ,fast as ever Trixxie.

Bale after nitong O.M namin is uwian na maaga ang out namin ngayon kaya makakapagdesign pa kami.

We've waited sa room kasama yung ibang kasamahan naming dancers. Kausap ko yung mga kakilala ko sina Dexter, Cassy, at si Q nagtatawanan kami dahil sa mga kuwento nila sa akin. Di ako masyadong lumalapit kay TJ dahil sa ilang.

Dumating sina Trixxie na may dalang materials, regalo at Cake. Nabuang na si Trixxie mukha na siyang losyang, pagod na pagod.

"Okay I've done my part magpapahinga ako saglit, tutulong ako mamaya." she said.

Kaya kami ni Gab ang nag-lead sa kanila. Si Gab bahala sa mga guguntingin na ididikit sa pisara at ako naman ang magdidikit nung iba.

Nag-slogan yung isa naming kasama tapos guguntingin yun nila Gab bale pangalan ni Ma'am Jane yun at Happy Birthday.

Yung mga natapos na letra inaayos ko na yung taas at ayos nito, nakatungtong ako sa table.

Nakakangawit lang itong nai-atang sa akin na gagawin after nito dapat mag-iisip pa kami ng ibang design.

Tapos na yung letters on the Board next is ano kaya?

"Guys may balloons pa dito why dont you put it on the ceiling and floor" sabi ni Trixxie.

May mahaba at bilog na balloon at marami pa ito ngunit tatatlo lang ang pang-ihip ng hangin dito. Ako, si Gab at si TJ ang nagpalobo ng mga ito.

I was about to use my balloon blower but it doesn't function well kaya napilitan akong gamitin ang aking bibig.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon