Chapter 32 - Rhythmicity

3.1K 86 22
                                    

Lucky's P.O.V

"1...2...3...4...5...6...7...8" Pagbibilang namin dito sa backstage kami ni Andy at Laurence. Kasi prinapractice lang namin yung part naming tatlo. Kanina pa namin inaayos itong steps kasi medyo nakakalito na and worst sa amin yung part na mabilis.

Hindi ako maka-focus dahil iniisip ko si TJ kung okay lang ba yung laro nila laban sa Blue Delphinus kasi narinig ko lang sa ibang team delikado kapag katapat mo ang College of Education. Magagaling sila sa larangan ng volleyball at cheerdance mabuti nalang kamo at walang cheerdance this year kasi nga dahil sa Mr. and Ms. Intramurals masyado na kasing madaming event. Sayang nga e ibang genre ng pagsasayaw yun at gusto kong matry if ever na meron.

"Mga bes ayan na sila ang popogi kyahhhhh!" Biglang sigaw ni Laurence ng makita ang mga lalaking kalahok sa kompetisyon.

Tinuturo-turo pa nila kung sino yung ganito at ganyan. May narinig akong dalawang salita na nakapanglito sa akin.

"Daks at Juts? Ano yun? Sila ba yun?" Tanong ko nang marinig sa kanila yun. Agad nila akong hinila habang nakatakip sa bunganga ko yung kamay ni Laurence.

"Hoy Lucky! Sira ka talaga!" Laurence said habang pinupunasan ko yung bibig ko.

"Ano ba yun? Nagpapractice nga tayo saka kayo nagtututuro diyan o na daks yan o di kaya ay wit juts " Saad ko sa kanilang dalawa, ginaya ko talaga kung papaano nila sinabi.

"Okay maybe we need a break and we'll tell you." Laurence winked at me.

"So Lucky my innocent friend you will know receive a new knowledge from your two great beautiful friends ha? Listen carefully" panimula ni Laurence. "Andy simulan mo sa Jutay or juts ako nang bahala sa Daks." Tukoy ni Laurence sa isang kasama namin.

"May dalawang klase ang asset ng lalaki first ay ang Jutay o Juts. Well we can say na sila yung di binayayaan ng laki and..." Sabi ni Andy. Si Andy kasi ang isa ring Gay sa aming dance group bale kasi medyo marami rin yung tulad ko ang bottomline lang kasi ako yung di showy.

"Sunod ang daks o Dako, Dakila. Sila naman ang kalalakihang may kalakihan
ang~ aaaaaaaa

aaaaaaaa

aaaaaaaa

aaaaaaaa~ Asset now you know but size doesn't matter because sometimes nadadaan yan sa performance, satisfaction, and little bit of quality I guess." Pagtatapos ng pagbibigay punto ni Laurence. "Naintindihan mo ba?" Tanong nilang dalawa sa akin.

"Uhm Uhm" *Sa kanilang katawan? Asset? Kayamanan ba yun? Tangible ba? Pagmamay-ari? Ano ba yun wala naman akong naintindihan. Tanong na nanatiling nasa isipan ko.

"Guys mag-ayos na po tayo ngayon first na lalabas ang girls sunod ang boys and yung ibang SHS dancers. Pero may mahuhuli diba yung tatlong Dancers? Lets move guys! Time is running" sabi ni Ate Floor Director. Siya kasi nag-ayos nung nagpapractice kami.

Ang alam ng ibang SHS ay simpleng intermission lang pero nakasali kami sa production number dahil kay Sir Guerra at Ma'am Therese na nakapanood sa amin nung acquaintance party. Mga kaibigan sila ni Ma'am Jane dahil mga P.E instructor sila sa college at advisers ng Socio-cultural Dance Club. It was their idea na ipalabas kami kasabay ng mga candidates.

Kasalukuyan kaming naghihintay dito sa backstage dahil ilang minuto nalang ay sasabak na kami sa entablado. Well sabi ko nga hindi lahat ay nakasama dito sa prod dahil yung iba ay may sports event na dadaluhan tulad ni Raiden na isa sa mga representative ng aming department. Moments have passed at ang ibang kandidata ay lumabas na pero ang nauna talagang nasa labas na ay yung mga kasamahan nakin na animoy magiging flash mob ang kanilang dating.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon