Chapter 45 - I'm The Bad Guy

1.4K 30 10
                                    

Lucky's P.O.V

Kani-kanina lang pinapanood namin yung mga katunggali namin pero ngayon it's our turn.

"And to our fifth performer, RB Squad!" Rinig kong sabi ng MC. Kaya naman pumunta na kami sa stage.

Ang daming tao ngayong gabi, majority rin ata ng mga manonood ay dito nag-aaral.

"Go RB Squad! Go Lucky!" Sigaw na hinanap ko mula sa madla. Si TJ pala nasa bandang harap, napangiti ako ng hindi inaasahan.

Heto na nga sasayaw na kami. Harap pa man din ako ngayon kalakas rin kasi ni Laurence noong practice ako ipinunta niya sa harap, maliit daw kasi ako. Yeah! Alam ko pero sana naman kahit sa gilid lang ako.

And we dance the night away.

Habang sumasayaw ako ay madalas na dumadaan ang paningin ko sa kanya kaso nakahawak siya ng phone at nagvivideo. Si TJ ang tinutukoy ko.

Pero tuloy tuloy pa rin ang sayaw namin hanggang sa natapos ito. Bumalik rin kami sa backstage after ng performance namin.

Sina Trixxie, Laurence at Andy naman ay pinapanood yung iba naming kalaban. May kausap naman si Gabriel isang babae na kalaban namin. Habang kami ni Raiden ay magkatabi ngayon nagpho-phone siya, ako naman ay nilalaro yung bottled water na nasa harapan ko.

Few minutes later pumunta sa tabi ko si Trixxie.

"Oh kumusta ang panonood mo? Na-threaten ka na ata." Sabi ko sa kanya.

"Oo may nanalo na kaya. Para sa akin, base sa napanood ko." Trixxie said.

"Kaya nga e pansin ko na rin hindi lang ikaw." Laurence said.

Ayan kasi nanood pa kayo, na-insecure tuloy kayo sa mga ibang dancers. Na-intimidate rin sila and checked on how our opponents move kung may laban pa sila or wala.

All of performance have been presented so we are obliged to go and face the crowd for the awarding ceremony.

Lahat kami ay nandito na at hinihintay na ang resulta.

Nang marinig ko na ang anunsyo para sa 2nd place...

"Okay na yun Bronze Trophy and 3k naks madami nang mabibili yun ilan lang naman tayo." Trixxie said.

"Second goes to Br3akdown!" Sabi ng M. C, Okay lang naman meron pang 2 awards.

"1st placer with an average score of 9.3 and will win Silver Trophy and 5,000 pesos *Drumroll." From 3k to 5k napakalaki na nung sumunod na prize, as in wow.

Hinihintay na lang namin kung sinong grupo ang mananalo nito and then...

"RB Squad!" Rinig kong sabi ng nag-aanunsyo.

Nagsigawan na rin kami ng mga kasama ko dito sa entablado.

"Kyah! Panalo tayo." Trixxie said.

"Naku parang champion ang sigaw a?" Sabi naman ni Gab sa kanya.

"Huwag ka ngang panira diyan Gab, atleast nanalo tayo may pang-outing na tayo no." Saad naman ni Andy, saka niya pinisil ang pisngi ni Gab. We all have that friend na panira ng moment.

Pumunta kami sa harap at ibinigay sa amin ang premyo at ang trophy namin then picture taking.

"Whooooo! Go RB Squad!" Sigaw naman ni TJ mula sa madla. Napatingin ako sa kanya na nakatayo ngayon at pinagtitinginan siya ng mga katabi niya.

"We won!" Sabi sa akin ni Raiden dahilan para tignan ko siya.

"Yeah we won the 1st place." I said and smiled.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon