Lucky's P.O.V
Atlast! Makaka-alis na rin kami for swimming. Yehey!
Si Raiden maaga na naman siyang pumunta sa bahay. Kasi yung kotse niya yung gagamitin namin lalo na't may dala kami at dadaanan pa namin yung sa may catering services.
Kasalukuyan na akong nagbibihis sa kwarto ko. Kasama ko si Raiden sabi niya kasi makihiga muna siya at medyo inaantok pa.
"Anong oras ka ba nagising ha?" Tanong ko sa kanya.
"Mga 4:00 am, nag-carwash pa ako at lininis yung nasa loob niya. Para ready na kapag aalis na tayo mamaya." He explained.
"Kaya pala e." Kawawa naman pala siya. "Umidlip ka muna diyan. Alas-otso nalang tayo aalis." Sabi ko sa kanya.
Nagpatuloy ako sa pagbibihis hanggang sa matapos na ako. Hindi ko muna ginising yung kasama ko at hinayaan ko muna siya.
Sakto namang pumasok si Mama sa kwarto ko, nagsabi ng mga dapat at hindi dapat gawin.
"Anak ha? Huwag pumunta sa may malalim tandaan mo hindi ka marunong lumangoy." Ayan yung una.
Alam ko naman Mama, na maliit at may tsansang di ko maabot ang floor ng pool. Nag-nod nalang ako at baka maistorbo yung natutulog rito.
"I-apply mo yung binigay kong sunblock para hindi ka umitim. Sapat ba yung mga damit na dala mo? Yung brief mo? Baka makulangan ka ng isusuot." Si Mama kasi kapag aalis ako or may pupuntahan na medyo malayo or malayo talaga, ganyan yan ipapaalala lahat.
"Patingin nga ng bag mo kung magulo or hindi? At aayusin ko na para mas madali mong matanggal yung kailangan mo." Hinayaan ko naman si Mama kasi kukulitin niya lang ako for sure.
"Naipaalam ko na sa Papa mo, sabi niya mag-ingat ka raw sa outing niyo. Kapag may nangyaring masama sayo nako hindi ka na niya papayagan sa susunod." Dagdag ni Mama.
I simply answered "Opo Ma, thank you po."
Saktong gumalaw naman si Raiden sa higaan. Nagulat si Mama kaya natahimik siya at bumulong ng "Quiet lang pala."
Tinapik niya ako sa balikat saka siya umalis ng kwarto.
Not knowing na manliligaw ko na nga pala itong nakatulog rito sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon then suddenly nagsalita siya.
"Inaantok ako pero nakikinig rin ako sa inyo ng mama mo." Sabi niya. Hindi na ako nakaimik dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"How I wish na ganyan ang parents ko." Then he giggled.
"Tumira ka dito at maranasan mo yun promise." Suhestiyon ko.
"Kung pwede lang kaso may uuwian pa rin naman ako." Sagot niya.
Ni hindi ko pa nga nakikita parents niya sa kadahilanang busy ang mga ito sa trabaho. Kaya siya mag-isa palagi sa bahay nila.
"Tara na at may dadaanan pa tayo." Pag-aya ko kasi baka mamaya magdrama na to sa pinag-uusapan namin.
Saktong pababa kami sabi niya sa akin siya na magbuhat ng bag ko. Wala naman akong nagawa dahil kahit pinipigilan ko siya ay pinilit niya pa rin. Isang bag lang naman dala ko at hindi naman siya ganoon kabigat.
Well he insisted naman kaya pinabayaan ko na. Baka kung makita kami ni Mama magduda yun kung bakit nagtatalo kami dahil lang sa pagbuhat ng gamit ko.
"Oh? Alis na kayo?" Tanong ni Mama.
"Opo Tita" sagot naman ni Raiden.
"Anak, mga bilin ko ha." Paalala ni Mama sa akin ulit. I just nodded.
BINABASA MO ANG
Love Lust Longer (BXB)
RomanceA Bxb Story by: Valkyrixxx Highest Rank - #1 GayxStraight July 11, 2018 Please do support Lgbt Wattpad Stories! It's your, It's my, It's our Pride