Chapter 22 - Incredi-Balls

3.8K 95 7
                                    

Lucky's P.O.V

Nang makauwi ako'y dimiretso kaagad ako sa aking kwarto dahil naisipan kong magpahinga muna saglit bago maglinis ng katawan.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas nang matapos ako sa pag-shower ko. Nakakapagod kasi maghapon physically and mentally dahil na rin sa mga ginawa sa school at mga gagawing projects.

Buhay estudyante nga naman 'di mawawala ang projects and other things, 'di bale at finals na nang 1st sem may semestral break na after.

Napagplanuhan namin ng grupo ka na dito sa bahay namin gagawin yung ibebenta naming graham balls at yung organizational chart para hindi na ako pupunta sa school nakakatamad rin kasi okay nang dito convenient pa.

Kinaumagahan ay nag-ayos ako kaagad ng sarili pas makapaghanda pa dito sa bahay nakakahiya naman kung magulo pati sa kwarto ko inayos ko rin baka sakaling pasukin nila.

Unang nakarating syempre si Raiden nakapunta na siya rito kaya alam niya na ang direksiyon.

"Good Morning" bati niya sa akin, nasa labas palang siya.

"Good Morning rin, ba't ang aga mo paano yung mga kagrupo natin 'di nila alam papunta rito?" tanong ko.

"Di hintayin natin sila dito sabihan mo lang naman kung saan eksakto itong bahay niyo" he said and smiled. "Di naman na siguro sila bata na mawawala atsaka magkakasama yung mga iyon no"

"Oh ang aga naman meron na yung manliliga-" hindi ko pinatapos si Kuya Lance sa pananalita niya, ayan na naman siya nakakagigil umagang-umaga.

"Good Morning pala anong meron Raiden" usisa ni Kuya, big deal ba masyado kapag nandirito sina TJ at Raiden.

"May project kaming gagawin kaya huwag kang distorbo mamaya Kuya" pinandilatan ko siya habang sinabihan.

"So ikaw na pala si Raiden no? Nice" tugon niya naman.

Napansin ko na may hawak pala si Kuya na bola sa labas ang punta nito.

"Raiden maupo ka muna diyan habang hinihintay sila may aayusin lang ako saglit sa kusina." sabi ko pero tingin ko'y 'di siya nakinig dahil kinausap siya ni Kuya.

"Raiden tara laro tayo!" pag-aya ni Kuya kay Raiden.

Napatingin siya sa akin kaya sinenyasan ko na lang na okay lang. Para ngang naka pang-bahay lang si Raiden pero maporma pa rin siya.

"Dalhan mo kami ng maiinom tutal nasa kusina ka naman, Thank You!" sigaw sa akin ni Kuya habang binabagtas ang papunta sa halfcourt na malapit lang sa amin.

Ayan diyan yan magaling ang mag-utos pero okay lang Kuya ko pa rin naman siya atsaka ako rin naman minsan humihingi ng pabor diyan kahit ang hilig niyang mang-inis.

Papunta na sana ako sa kusina kaso may  naapakan ako. Kay kuya siguro ito 'di niya namalayang nahulog, kailangan niya pa man din ang towel pamunas ng pawis.

Bago ako pumunta sa kusina ay dumaan ako saglit sa kwarto dadalhan ko na rin si Raiden ng towel at siguradong pawis ang dadanak sa kanya.

Ayun na nga inaasikaso ko yung mga pwede naming magamit tulad ng mga basin, tupperware, plates, can-opener at marami pang-iba.

I texted Kimblee that all of the equipments needed are ready and waiting for us to use it and the exact complete address of our house. Sila na ang bahalang maghanap Hahaha.

After non ay inihanda ko naman yung bottled water na iinomin ni Kuya at Raiden naghanda rin ako ng gatorade kung sakali lang naman, si Kuya kasi 'di naman niya sinabi kung anong klaseng inumin.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon