Chapter 40 - Cares A Lot

1.3K 46 2
                                    

Dedicated to @

Lucky's P.O.V

"I think I'm falling inlove...

and I want to court you Lucky."

Mga katagang hanggang ngayon ay hindi pa rin na-absorb ng sistema ko. Bale yan yung tumatak sa akin dahil wala pa diyan yung detalye niya.

"Alam kong magugulat ka sa sasabihin ko pero eto talaga yun Lucky I just felt it, siguro nga nahulog ako sa pagiging maalaga at maalalahanin mo.

Ngayon ko lang naramdaman yun, nahanap ko kasi yung atensyon na hinahanap ko. Who would've thought na ikaw pala yung mapapansin ng puso ko of all the ones who admired me.

Please let me do what I must do. I'll let you feel what you made me feel. Gusto kitang ligawan just please let me... "

Nung sinasabi niya yan naghihintay siya ng response ko pero hindi ako nakapagsalita at gumalaw man lang.

Nakatayo lang kami, walang nangahas na putulin ang katahimikan.

*Kringgggg... Kringgggg

I answered the phone.

"Hello?! Nasaan ka na? Sinabi sa akin ni Mama na sunduin agad kita kung wala ka pa dito." Si Kuya Lance pala.

"Pauwi na rin po ako Kuya." Sagot ko naman.

"Bilisan mo baka wala ka ng masakyan ha?" Dagdag niya.

"Sige bye." Paalam ko.

Mukhang narinig naman ni Raiden yung kausap ko base sa mga sagot ko.

"Raiden mauna na ako. Saka na natin pag-usapan yan." Nagmamadali ako then hinawakan niya ako sa braso.

"Hatid na kita. Hintayin mo ako kukunin ko lang yung susi." sabi niya.

"Kaya ko na Raiden." I said but..

"I insist Lucky, kaya nga let me do what I must do." Saka niya kinuha ang susi.

Nasa loob kami ngayon ng sasakyan.

"Diba tama ang pag-insist ko tignan mo nga pumapatak na yung ulan." Tama nga siya, di sana basang-basa na rin ako ngayon.

"May dala ka bang payong diyan?" tanong niya sa akin.

"Hmmm wala." Hanggang ngayon kasi nai-ilang ako sa kanya. Well this is new for me, hindi naman ako yung ibang organism na nakaka-adapt agad sa environment.

I'm acting casual even though my insides are crampled.

First si TJ...

Yung kiss.

Second si Raiden...

Yung feelings niya towards me.

What the hell is happening? Hindi ba nila alam yung mga ginagawa nila? Wala naman akong ginawa para magkaganyan sila or is this a prank?

Malaman ko lang talaga kung prank to ako agad ang lilipat sa kabilang section. Knowing them sila yung mahilig manood ng prank sa youtube; TRIXXIE AND LAURENCE.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Raiden.

"Pagod lang siguro." Sagot ko.

"Napagod ka ba sa practice o sa nalaman mo?" He asked me. I took a glance and napaka-kalmado niya.

"Ewan ko Hahaha. Pagod lang siguro."  tsaka hindi na ako nagsalita kasi hindi ako ganoon ka-komportable.

Nakarating rin kami sa bahay pero malakas yung ulan kaya hindi pa ako nakakalabas. Bwisit na ulan to ang ganda ng timing sobra, bakit kasi hindi nalang kanina nung gumagawa kami ng steps.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon