Lucky's P.O.V
This time it's me and TJ.
Nakaalis na nga kami sa cottage, hawak ko pa rin siya and wala siyang imik.
"So sabi mo di mo ako gagawing photographer?" I asked him. Habang nasa bridge kami connecting to another part of the resort.
"Uhm Oo. Bakit ba?" Tanong niya naman.
"Then be my photographer whahaha." Binigay ko sa kanya yung phone ko and the rest is capturing photos. Ilang shots lang yun then tinignan ko.
"Ulit isa pa dito o yung stolen whaha." Sabi ko sa kanya.
"Ha? Stolen e scripted naman?" Punto naman ni TJ.
"Dali na kuhanan mo na ako." Saka ako tumingin sa ibang direksyon.
"Oh tignan mo nga." Sabi niya.
I checked the pictures and okay naman. Tapos tinignan ko siya pero masyadong malalim ang iniisip niya kasi nakatingin lang siya sa kawalan.
"TJ! Tayo ka banda doon." Utos ko. Tinignan niya ako at mukhang nagtataka. "Kukuhanan kita ng picture at baka sabihin mong unfair ako. Dali na pose kana." dagdag ko pa.
Ngumiti lang siya at senyales yun na pumapayag siya.
Pumunta pa kami sa playground ng resort na kung saan ay mahuhumaling kang magselfie dahil maganda ang background at ambiance nito.
Naglaro kami saglit sa may swing at sising-sisi ako alam mo kung bakit?
"Hoy TJ! Huwag mong lakasan." Sabi ko. Kasi naman ako yung nasa swing tapos siya yung nagtutulak sa akin.
Pero di niya ako sinusunod patuloy lang siyang nagtutulak.
"Mas okay ang malakas hahaha tignan mo nga sarili mo nakakapit ng mahigpit. Para kang tarsier. Hahahaha" Tuwang-tuwa pa siya. Siraulo!
Baka gusto niya yung 360° pa yung ikot ng swing ngayon? At ang nakakaloka ay nakavideo pa nakakahiya.
Buti naman at naisipan niyang patigilin dahil ilang tulak nalang ay baka maihi pa ako.
"May naisip ako magandang spot na pagkukuhanan ng selfie mo." Nandito pa rin kami sa playground.
"At saan naman?" Tanong ko.
"Doon o sa may fountain." Kaya naman sinunod ko naman siya. Maganda nga talaga kasi nasa gitna siya ng playground.
He took some photos and ganon rin ang ginawa ko sa kanya.
"Magpipicture ka rin pala bakit di ka sumama kina Trixxie." Sabi niya sa akin habang naglalakad kami.
"Hmmm. Napagisip-isip ko na mag-picture para may proof kay Papa." I said.
"Ayaw mo ba ako kasama?" Tanong ko.
"Hindi naman pero I enjoyed rin atsaka papasa mamaya ng mga picture ha?" Sabi niya.
"Ayoko nga matapos mo akong itulak ng malakas sa swing kanina." Hmph! Beg for your pictures after you make fun of me.
"Ayieee ayaw niya ibigay, para kanya lang yung mga pogi kong pic." He said.
"Hala siya oo na! Ipapasa ko mamaya masyadong papogi tsk." Pero sinadya kong hinaan yung huli kong sinabi.
"Good hahaha. Madali ka lang pala kausap." Napagpasyahan naming bumalik na pero sakto nakita namin sina Trixxie at papunta raw silang Zoo. Sumama nalang kami ni TJ.
May iba't-ibang hayop kaming nakikita habang naglalakad kami. Medyo natatakot nga lang ako ng kaunti kasi malapit sila sayo.
Lalo na't may isang orangutan na nakalabas kasama ng isang staff.
BINABASA MO ANG
Love Lust Longer (BXB)
RomanceA Bxb Story by: Valkyrixxx Highest Rank - #1 GayxStraight July 11, 2018 Please do support Lgbt Wattpad Stories! It's your, It's my, It's our Pride