Lucky's P.O.V
"Go Team!" Trixxie as our lead cheerer and they shouted as one "Black!". Nag-suggest lang naman ako pero anong nakain nila at ganoon ang cheer. Dahil doon ay napatingin ang mga manonood at manlalaro sa aming kinauupuan sakto kasing service ng kalaban tapos magchecheer sila. Parang nagcheer sila sa kabila pero ang ending is Team Black talaga ang isinisigaw nila, yung tingin ng mga soon to be Gingineer "Disgusted".
The game continued...
As well as the cheering...
"Lucky magcheer ka naman puro ka wagayway ng balloon diyan parang tanga! Kahit si TJ lang i-cheer mo tignan mo he need someone to encourage him come on" Bilin ni Madam Trixxie na-tanga pa ako jusko. "I-cheer mo o isusumbong kita kay Ma'am?" dagdag niya.
"Lucky what will it be? Time is running out, matatalo sila kapag! Department natin yan o!" Pangungulit niya sa akin.
"Just a simple cheer would be ----" sabi niya kaya I've had enough.
Here's your answer TJ its a yes!
"Go Team Black! For the win!" Sigaw ko at natahimik agad si Trixxie.
"So you will probably cheer the team or me, Pwede bang ako na lang wala ng iba?"
"GO TJ! CLASSMATE NAMIN YAN! GO TJ WOOHOO" I shouted with all my might.
Hinanap niya kung saan yun galing when he looked at my direction, he smiled at kumindat siya sa akin. Sakto kasing service niya dahil nakapuntos ang Team Black Draco.
"TJ?"
"Tender Juicy?"
"Hotdog?"
"Ha?"
"Hakdog!?"
Yan lang naman ang asar ng mga kasamahan ko kung kaya't napilitan akong...
"GO TREVOR JAMES MONTECILLO!" Sigaw ko.
"Ayieeeee!" Sabi ni Trixxie at tinusok niya ang aking bewang.
"Hoy! Grabe ka Trixxie alam mong malakas ang kiliti ko diyan e!" Kagaling kasi mang-asar nakakainis lang.
"Manood na nga tayo... Tignan mo nga naman mukhang ginanahan si TJ dahil sayo o look!" Kinabig niya ako at itinuro si TJ na naglalaro na ngayon.
Yung coach nga nila mukhang ginanahan na rin dahil sa change pace ng kanyang mga manlalaro, makailang palitan pa sila sa paghampas ng bola at itinanghal na ang panalo sa labang naganap.
"Black Draco wins and will compete in the semis!" Anunsiyo ng tagapagsalita. Hiyawan at sigawan kaming mga SHS na kabilang sa Black Draco dahil panalo kami at makakapaglaro pa sa semi finals. Nang matapos ay nagsama-sama ang voleyball players namin nag-apir, bumati sa ibang kasamahan at nag-meeting saglit bago sila tuluyang nagkahiwa-hiwalay.
Papalapit sa amin si TJ nang may ngiti sa labi niya at ang mga siraulo kong kasama nagsi-tahimik at parang itinutulak ako papalapit sa kanya.
"Nanalo kami diba? Kaya magcheer ka lang para magchampion kami." Pagmamalaki niya sa akin.
"Paano nalang kapag hindi ako nagcheer?" Pang-aasar ko. Siraulo din ito kung anu-anong pabor pinapagawa, gagawin ko naman talaga iyon kahit di niya sabihin kasi kaklase ko siya at bibigyan ko ng suporta ang aking team na kinabibilangan.
Mag-chicheer naman kasi talaga ako sadyang sinave ko lang ito sa tuwing si TJ na ang magse-serve ng bola.
"Sayo lang naman ako matatalo e." He said.
BINABASA MO ANG
Love Lust Longer (BXB)
RomanceA Bxb Story by: Valkyrixxx Highest Rank - #1 GayxStraight July 11, 2018 Please do support Lgbt Wattpad Stories! It's your, It's my, It's our Pride