CHAPTER 15

16.9K 536 10
                                    

JESSIE'S POV

Alexander Okizawa? Teka parang familiar na talaga sa akin ang name niya eh. Ugh nevermind. Kailangan kong mahanap si Nicole. I need to ask her many informations. Ugh.

"Megumi alam mo ba kung nasan si Nicole?" I asked.

"Ah nasa canteen." sabi niya habang naglalaro ng games at habang kumakain ng lollipop.

Paalis na sana ako ng may natandaan ako.

"Megumi.." pero pagkalingon ko wala na siya.

Tch. Napakagat nalang ako sa lower lip ko at sinuot ang hoodie ko. Yep! Nakalabas na ako ngayon sa clinic pero madami pa rin akong bandages. Si Ford nasa clinic pa din but he's already okay. Makulit na nga eh.

Nasa covered walk ako ng bigla akong makakita ng mga taong nagkukumpulan. Ayaw ko man sanang makipagsiksikan kaso eto lang talaga yung way para makapunta sa Canteen.

Malapit na ako eto na. Pumasok na ako sa large crowd at hindi ko maasahang makita siya. Hi-hindi. Siya.

"Jessie Ariela Jewel. Long time no see." he grinned.

Hindi pwede ba't siya nandito? Akala ko ba ordinary lang siya? Pero papaano?

Lumapit siya sa akin. Marami nang mga tao ang naguusap kung ano ang nangyayari.

"Kilala mo pa ba ako Jessie? Ok let's start again. Hi I'm Draeco, Art Illusionist. And you are?" he said and lend his hand.

I don't know what to do he's Draeco. Draeco is my childhood bestfriend.

May umakbay sa akin at nagsalita siya "She's Jessie Ariela Jewel. She's a wizard not a monster like you. She has the power of shield, rare fire and ice." and I think it's Kent.

~~~**~~~

Draeco Kukezawa, is his full name. Broken family siya eh kaya he has no middle name.

Bestfriend ko siya since I was 4 siya na ang parang kapatid ko. Nangako kami sa isa't-isa na walang iwanan. He also made me a friendship bracelet para daw patunay na walang lalabag sa promise namin.

Kapatid ang turing namin sa isa't-isa. Lagi kaming magkasama. Pero nung dumating na sa puntong 6 years old na ako everything has changed.

That time na umalis ako it was morning kaya nakita niya kung pano ako umalis at iwanan siya. That time, nakatanggap ako ng huling tawag galing sa nanay niya sabi niya lagi daw umiiyak si Draeco at lagi ng pasaway.

Gusto ko man sana na bumalik pero hindi na pwede.

Years came by at wala akong balitang naririnig sa kanya hanggang sa naging 11 ako. Bumalik ako sa dati naming baryo. Sa tahanan ko noong ako ay maliit pa.

I saw our old house na walang nakatira. Nakita ko naman ang aming kapitbahay. Sila Draeco. Nakita ko siya and he's already improving but he's like already 20 years old dahil sa mga pinaggagawa niya.

May tatoo na siya, at marunong na manigarilyo.

Baka naman hindi siya yan bulong ko sa sarili ko. Pumunta ako sa tapat ng bahay nila tumingin siya sa akin.

"Ahm dito pa po ba nakatira si Draeco Kukezawa?" tanong ko sa kanya.

"Ako nga yun bakit?" lalakeng lalake niyang sagot.

"Pakisabi nalang po na ako po si Jessie. Ang dating Bestfriend niya."

~~~**~~~

"Jessie ayos ka lang ba?" tanong ni Nicole.

"Ha? Ah-eh oo naman." sagot ko.

"Eh parang may problema ka ata." tanong niya uli.

"Ah ako? Wala. May gusto lang sana akong itanong." tugon ko.

º~~

NICOLE'S POV

"Ah ako? Wala. May gusto lang sana akong itanong." tugon ni Jessie.

"Ano naman yun?"

"Sino si Alexander Okizawa?" diretsyahan niyang tanong.

"Sino si Alexander Okizawa?"

"Alexander Okizawa?"

| FLASHBACK |

"Ate Nicole pumunta ka sa garden mamaya ha! Kita tayo dun!" sabi sa akin ni Megumi.

"Sige. Mamaya ha!" tugon ko.

Tawag sa akin ni Megumi dati ay Ate. At sa Academia pa siya nag-aaral noon.

Naglalakad ako ngayon papunta sa garden dahil magbobonding kami. Noong nasa covered walk na ako may nakita akong mga yellow petals.

Hay, paborito ko pa naman ang yellow. Ang swerte naman ng taong ito. Patuloy lang ako sa paglalakad at may nakita akong Nicole na nakasulat sa sahig.

Tuloy lang ako sa paglalakad at may nakita akong sunod na salita, "Will." ang nakalagay dito.

Teka, ako na nga ba ang maswerteng babae na ito? Bigla akong namula madami na ding mga tao ang nakakakita sa akin. Lumiko ako at sinundan lang ang yellow petals. Ngayon ang sunod naman na salita ay "You.". Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at dumeritso na papuntang garden. Ngayon sa ikalawang pagliko ko nasa pader na ang sulat na "Be." nasa harap na ako ng garden ng bigla kong nakita ko si Alexander na may hawak na salitang "GIRLFRIEND".

Biglang dumating si Megumi na may dalang kung ano.

"Hay naku ate Nicole, pasalamat ka boto ako sayo. Oh!" sabay bigay niya ng dala niya.

Nakita ko isa itong box lumapit bigla sa akin si Alexander. Kinuha niya ito sa akin at lumuhod. Isa pala itong singsing.

"Will you be my girlfriend?" he asked.

"Yes. Yes."

| End of Flashback |

"Hey Nicole." sabay kaway sa akin ni Jessie.

"Ha? Si Alexander? Bo-boyfriend ko siya..... dati." sagot ko.

JESSIE'S POV

"Ha? Si Alexander? Bo-boyfriend ko siya..... dati." dati? Ibig sabihin may pag-asa pa si Ford?

"Maaari ko bang makita kung sino siya?"

"Ha? Ah-eh hi-hintay." kinuha niya ang phone niya.

"Eto oh."

May nakita akong lalaking nakangiti. Hindi ako nagkakamali. Siya nga yun. siya si kuya Xander.

ELEMENTAL CHASE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon