CHAPTER 1

73.1K 1.3K 55
                                    

JESSIE'S POV

I'm Jessie Ariela D. Jewel . 6 years old ako nung nawala ang parents ko dahil sa isang aksidente, kahit 16 na ako ngayon hindi ko pa rin alam kung anong klaseng aksidente yun. Nakatira ako ngayon kila Tita, dito ako ipinahabiliin ng parents ko bago sila namatay. Ngayong 16 na ako, pinag-isipan nila tita na ilipat na ako. Sabi nila this is for my own good. Ewan ko ba kung bakit eh nasa kalagitnaan na ako ng school year. Ngayon pa nila naisipang ilipat ako.

"Jessie anak, aalis na tayo mamayang 3:00 p.m you better dress properly, lilipat ka na sa bago mong school." sabi ni tita. Pero sa isang boarding school, parang hindi ko ata kaya.

"Pero tita, bakit kailangan pa akong ilipat? At tsaka ba't sa isang boarding school pa? At bakit naman po parang biglaan? Bakit ngayon palang ako ililipat?" Tanong ko at umupo sa high chair.

"Akala ko ba pinag-usapan na natin to? This is for your own good iha." Ani ni tita at tumabi na din sa akin.

"At tsaka Jessie ito ang utos ng parents mo bago sila mamatay." Sabi naman ni tito na kabababa lang.

"So this was really planned? So meaning alam nilang mamatay sila noong araw na yun?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

Natahimik sila bigla. Hindi alam ang mga sasabihin sa tanong ko. They were staring at each other. Hindi alam kung sino ang sasagot.

"Hindi naman sa ganun, Jessie." Si Tito ang sumagot sa akin. "Gusto lang nila na maging handa kami sa kung anong mangyayari sayo. Sige na, maligo ka na at umakyat. Aalis na tayo."

Hot liquid formed in my eyes. Napailing nalang ako at umalis at naligo na. I don't know pero parang kinakabahan ako sa bagong school na papasukan ko. Alam kong nangako ako sa kanila na susunudin ko ang lahat ng gusto nila, kaya ko lang 'to ginagawa.

"Jessie bilisan mo na, aalis na tayo!" pasigaw na sabi ni Tito.

"Pababa na po ako, wait lang!"

Binuksan ko ang closet ko at tinamad pumili ng pair ng damit. Kaya dumeritso ako sa mga dress at humugot ng isa.

"You look beautiful iha."

"You look just like your mother."

"Tito, Tita, hindi na ba kayo nagsasawa sa line na iyan? Hahaha, tara na po. Alis na po tayo."

Umalis na kami at ang tagal na naming bumabyahe, ngayon puro mga puno na lang ang nakikita ko, madalang nalang ako makakita ng mga bahay.

"Tito are we lost?" Tanong ko sa kaniya.

"No iha, sadyang ganito lang talaga dito. And besides Jessie malapit-lapit na rin tayo." tumango na lang ako at tumingin sa bintana.

It's been an hour nung sinabi ni tito na malapit na kami I think we're really lost, but luckily tumigil na kami sa harap ng isang malaking school.

'Elemental Chase Academy' this is what the gate says.

"Mr. and Mrs. Smith we're so gladly to see you here." sabi ng isang babae.

Bumaba na kami at tuloy lang ang paglalakad namin, maraming bumabati kila tito pero hindi ko naman sila nakikita around the village. Something weird is going on in here. Tumigil kami sa harap ng malaking pinto I think this is the Head Office ng School.

"Good Afternoon Mr. and Mrs. Smith buti na lang at pumayag si Jessie sa agreement niyo nila Mr. and Mrs. Jewel." sabi ng isang magandang babae pero mukhang matanda na rin ito.

"Oo nga Chase eh." Sabi ni Tita at tumingin sa akin si Ms. Chase ulo hanggang paa.

"Iha you feel like's there is something weird is going on right?" tanong sa akin ni Ms. Chase. Ohmaygahd can she read my mind? "Yes iha your thoughts are true. Maguguluhan ka sa una pero pag tumagal ka na maiintindihan mo din ito." dugtong pa ni Ms. Chase.

"I think we need to go Jessie. Be good ha tandaan mo eto ang gusto ng mga magulang mo." Pinat ako ni Tito sa ulo.

"Don't use my parents, Tito. Of course I'll be good. Sige po, ingat kayo sa pag-uwi ha!" hi-nug ko na sila at umalis na sila.

"Uhm Ms.Chase can I ask you a question?" Tanong ko agad pagka-alis nila Tito.

"Your asking already iha." I was a bit annoyed by her answer pero binalewala ko nalang ang humor niya.

"Ah eh yung Chase po ba sa 'ELEMENTAL CHASE ACADEMY' ay sa inyo dedicated?" Tanong ko habang hindi siya tinitingnan.

"Ah no iha, lagi din yang tinatanong ng mga new students dito. Nakakatuwa nga eh."

"Pero what does Chase mean?" nagtataka kong tanong

"Well malalaman mo din yan, but for now sumama ka muna kay Joe iga-guide ka niya papunta sa room mo." Tinuro niya ang lalakeng nasa gilid.

"Uhm ok po."

Grabe ang laki talaga ng academy pero wala akong nakikitang mga estyudante. Hmmm, siguro dahil Sunday kaya ganun. Madaming mga pasikot-sikot sa academy kaya anytime pwede akong mawala dito. Tumigil kami sa isang pinto, kakatok na sana ako ng bigla etong bumukas.

"Hi I'm Kyla what's your name?" sabi neto.

"Uhm sige Joe pakibaba na lang ng mga gamit ko, thank you. Uhm Jessie nga pala." sabay nakipag-shake hands at pumasok na sa loob. Malawak ang room pero dalawa lang kami ni Kyla dito.

"So what powers do you have? Wait let me see." tumigil to at bigla na lang tumitig sa akin. Maganda siya but madaldal. "Do you have elemental power? Wait. Nagco-control ka ba? Do you block minds? What?" Dire-diretsong tanong nito.

"What are you talking about? Wala akong powers pumasok lang ako dito kasi sinunod ko lang sila mommy. Ikaw meron ka ba?" kumunot naman bigla ang noo niya tila parang nagiging seryoso na siya.

"Huh!? Imposible naman ata yun, wala kang powers pero nakapasok ka dito sa academy. Yes! Meron akong powers and I can read everbodies mind. Pero I can't read yours."

"Are serious? You can read minds? Ang cool. Are you sure na bawal pumasok dito ang normal people? Pero ba't sila tita at tito nakapasok eh wala naman silang powers?"

"Yes Jessie I'm serious, and I'm pretty sure na bawal pumasok dito ang mga normal people sa gate meron na kaagad ginawang sensor diyan kaya wala basta-bastang nakakapasok dito."

"Hmmmm... Things are going weird. Well, Welcome to Elemental Chase Academy Jessie." sabi ko sa sarili ko.

"WELCOME TO THE ACADEMY JESSIE!" Sabay akbay niya sa akin.

I wish magustuhan ko dito. First day ko na bukas makakameet na ako ng new friends

ELEMENTAL CHASE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon