Nasa garden ngayon sila Jessie, si Kyla naman ay pinatawag sa head at nagsimula na uli ang pagpapakitang gilas.
Tahimik lang silang nakikinig sa mga ingay galing arena ng biglang tumayo si Megumi at frustrated na nagtanong.
"Why would she do something stupid!?" She was referring to Kyla.
"That's not stupid Megumi. Nagkataon lang talaga na nawalan siya ng kontrol." Pagtatanggol ni Jeff.
"Anong hindi stupid dun? Ang paggamit ng kapangyarihan na kebago-bago palang sayo. She's a slow, weak wizard. She's not a fast learner you know." Umirap siya at inangat ni Jessie ang kaniyang ulo.
"Shut up." Matalim na sinabi ni Jessie.
"Oh. Why would I? Pasalamat ka nga at tinulungan ka namin na sirain yung puno. At tsaka, alam naman nating lahat ang totoo. Na siya ay nagmamagaling la-" Natigilan siya dahil sinugod na siya ni Jessie na may apoy sa mga kamay niya.
"Shut up." Nilapit ni Jessie ang mga kamay niya sa mukha ni Megumi na pinigilan naman nila Kent at Azusa.
"Tigilan niyo na 'yan!" Bulyaw ni Azusa sa kanilang dalawa.
"Megumi, ginawa yun ni Kyla dahil ang balita ko ay sa Witchcraft Academy na siya papasok. Next month, pasukan na yun. Syempre she would rush things." Singit ni Sherie sa kaguluhan.
"Pero pwede namang hindi na niya gamitin yung bagong kapangyarihan niya." Taas kilay na sagot ni Megumi.
"Lahat tayo gustong mapili na right hand. Sa tingin mo, kung reading minds lang ginamit niya, mapapahanga niya tayo?" Tanong ni Jeff na ikinairita ni Jessie.
"What the fck? So sinasabi mo nga talagang weak siya? Look, reading minds can read our fucking minds-"
"That's logic." Tango ni Azusa at umirap lang si Jessie sa kawalan.
"Sa paggamit niya ng kapangyarihan niya, malalaman niya kung ano ang iniisip ng kalaban.-"
"Maliban sa may shield." Singit uli ng kuya niya na kinainisan niya lalo.
"Kuya, pwede ba?"
"Look, Jessie, alam nating lahat na mahal mo ang bestfriend mo. Pero realtalk, hindi siya mapipiling Right Hand." Sabi ni Sherie na tumalikod naman agad.
"She's right." Tango ni Jeff.
"See. Alam nating lahat na iniisip mo din yun. From the very start, we all knew that she's weak. Yes, reading minds is a hell good strategy, pero if she messes up she will get killed. She can't protect herself either." Sabi din ni Megumi na ambang aalis na din.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Kent.
Hindi sumagot si Megumi at tumuloy nalang siyang umalis kaya si Sherie nalang ang sumagot.
"Sa canteen lang ako. I will eat." Sabay alis.
Huminga ng malalim si Jessie. They were...right.
"Saan ba nanggaling ang kapangyarihan niya?" Tanong ni Azusa na umupo sa tabi ni Jessie.
"Chase. Iyon ang sabi nila. Nakuha niya lang yun last week ata." Kibit balikat ni Kent.
"Kung last week niya yun nakuha, edi dapat nakontrol niya na 'yun. Maliban nalang kung hindi siya nagtrain." Sabi ni Jessie.
"Look Jess, she's not like you. Hindi siya fast learner. 1 week isn't enought for her. She's" tumigil na si Jeff nang nakita niya ang mata ni Jessie. "Sorry."
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL CHASE ACADEMY
FantasyJessie was just a normal teenage girl until she became 16. Obeyed her parents' wish before they vanished. Is their death is just an accident? Ano kaya ang dahilan? Will Jessie find out in her new school?