JESSIE'S POV
Hi guys! Namiss niyo na ba ako? Haha nah alam ko namang hindi pero by the way. I'm so nervous slash excited kasi eto na naman ang pinakahinihintay ng lahat. Ang labanan ng Superior Monstrum Academia at ng Elemental Chase Academy.
So actually individual lang to. But we can form a group pero sa huli kailangang may isang matitira. At kung sino man ang matitira dun ay makakatanggap ng 60 points. Diba?? Ang laki na nun pero still napakahirap.
Nandito kami sa may Arena and guess what ang daya. Kasi 5 estudyante lang ang sa Elemental Chase Academy at 20 sa Superior Monstrum Academia. Ang unfair pero kaya pa din namin to. Kami pa, pero kahit na 3 kaming may malalakas na elemental power mahirap pa din.
"Guys! Attention Please!" pagsimula ng head. " May we request all the students of Elemental Chase Academy and the 20 students of Superior Monstrum Academia to go to the stage." sunod sunod naman kaming nagbabaan.
"President kinakabahan ka ba?" Tanong ko.
"Ako? Ka- kakabahan? Impossible. Tsaka ano ka ba, kung natalo natin ang 5 ultimates yan pa kaya." psh. palusot mo.
"Eh ikaw? Kinakabahan ka ba?" tanong naman ni Jeff na may kinakain na chocolates.
"Actually, excited slash nervous. Pero nangingibabaw ang pagiging excited ko." sagot ko.
"Well, mangingibabaw naman ang pagiging nerbyosa mo. Dahil kasali si Draeco ang apo ni Lord Henry." sabi ni Kent.
"ANO!?" sigaw ko na ikinatigil namin sa paglalakad.
"Oo. Kaya nga talagang mahirap na." sabi ni Megumi na may kinakain na lollipop.
"And may I request Draeco Kukezawa, to please come here at the center of the stage." sabi nung head na mas lalo kong ikinatakot.
"Kent." I whispered.
"Yes?" he answered.
"Pwede bang wag mo akong iwan tuwing naglalaban tayo? I requested.
"Ha? Ah eh I mean, sure sure." Kinakabahang sagot niya.
"Salamat." And I hugged him dahilan ng pagkagulat niya.
"Sorry. Kinakabahan lang." sabi ko at kumalas sa mga yakap.
"Everyone! This is not just an ordinary fight. This is the beginning of the picking of the right hands. So you better do your best because all of the Lords are here to watch you." He informed everyone here in the arena.
Sa sinabi nung head na yun. naging triple ang kaba ko ngayon. Pano nalang kung magkamali ako? Nakakahiya naman sa mga Lords. Pero ang mas kinakatakutan ko ay pano kung mamatay ako. Mamatay ako gawa ni Draeco.
"Now! The all of you! Please be ready! The fight will begin in 3, 2, 1! Go!" at biglang nagkaroon ng mga obstacles.
Kung titingnan mo ang arena napakalaki. Parang sa Hunger Games, ang pinagkaiba lang ay hindi dito patayan. At hindi dito ganun kadelikado.
Sa north pag titingnan mo may makikita kang gubat at madaming tumakbo dun dahil pwede kang magtago dun at mailigtas ang sarili mo. Sa south makikita mo naman ang mga batong napakataas. Parang sa mga gumagamit ng Earth Power, ito na ang kanilang tribe. Sa magkabilang gilid makikita mo ang dalawang napakataas at napakalaking maze at sa gitna ang napakalawak na lake. Hindi ko alam kung gano ito kalalim ngunit ang alam ko ay delikado dito.
Madami na din ang naglalaban pero nagulat ako noong hilahin ako ni Kent papunta sa tubig. Pero bakit sa tubig??? Hindi ba't delikado dito. May medyo cave yung lake kaya dun muna kami pumunta. Nakatago kami at buti nalang at nakakahinga kami kasi kung hindi papatayin ko talaga si Kent.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL CHASE ACADEMY
FantasíaJessie was just a normal teenage girl until she became 16. Obeyed her parents' wish before they vanished. Is their death is just an accident? Ano kaya ang dahilan? Will Jessie find out in her new school?