CHAPTER 25

16.3K 433 6
                                    

JESSIE'S POV

"Kent. Kent huwag mo kong bibitiwan." Sabi ko sa kaniya at lumapit pa ako lalo sa kaniya.

"I won't. Teka, anong date na?"

"September 3." Sagot ni Jeff.

"Sht." Niyakap ako ni Kent and I feel safe.

"Bakit?" Tanong ko nung nagmura siya.

"The chase is already starting. Kung makukuha ka nila, may kapalit para makuha ka muli namin." Chase. Kaya kailangan kong mag-ingat.

"Ha? Bakit kailangan ng kapalit?" Biglang lumamig sa paligid ko at bigla akong  nawala sa yakap ni Kent.

"Because that's chase." Umiba ang boses niya.

"Si-sino ka? A-anong kailangan mo sa akin?" Tumawa siya ng malakas. "Kent! Nasan ka!? Kent!" Sigaw ko at hinahanap si Kent sa dilim.

May biglang humawak sa akin at bigla akong nanghina. Napakalamig ng hawak niya at naramdaman ko na nasa simento na pala ako.

"Bitawan niyo siya! Bitawan niyo siya!" Rinig ko ang sigaw ni Kent.

"Kamusta ka Jessie? Ako nga pala si Aggramon." Hinawakan niya ang pisngi ko. Lintek. "Kailangan ko lang naman ang buhay mo." Nawalan ako bigla ng malay.

KENT'S POV

God. Why? Bakit si Jessie agad ang napuruhan sa chase? Nawala na ang mga kumuha kay Jessie, wala din si Jessie. Nagka ilaw na at kitang kita sa mga estudyante ng Monstrum Academia at SMA ang takot. Bakit kailangang dito pa makuha si Jessie?

Nakita ko ang purse ni Jessie. Mabuti nalang at naiwan niya ito. Binuksan ko naman agad ito at nakita ang isang papel. Umiilaw na papel.

"Jeff, kailangan nating mabawi agad si Jessie." Binuklat ko ang papel at nakita ko ang isang sulat gamit ang dugo.

Basa pa ang dugo. Hindi maaari. Hindi dapat ito dugo ni Jessie.

"Ag-gra-mon." Basa ni Jeff. "Si A-aggramon?" Tumango ako sa kaniya.

Seryosong labanan ito.

"Kent. What is that thing?" May hawak na espada si Megumi na may dugo.

"Wait? Galing ba yan sa nilabanan mo kanina?" Hinulog ko lang ang note at inagaw kay Megumi ang espada.

Kulay itim ang dugo. Tama ang nasa sulat. Sila Aggramon nga ang nakakuha kay Jessie.

"JEFF!KENT! Anong nangyari?" Sigaw ni Nicole.

"Hmm. The blood is still fresh. We can trace that." Sabi ni Gerald na inaamoy ang dugo.

"Kuya not now. Color black yan that might be poisonous." Sabi ni Kelley.

"Wait." Sabi ni Ford na nakatransform sa vampire form niya. "I guess he can help us." May itinapon siyang katawan. "He's still alive. Let's just be, be careful. He's strong." Biglang umubo ang lalake at naglapitan kami dun.

"Tie him. Kailangan nating makuha si Jessie. Kahit ano man ang kapalit kailangan natin siyang makuha." Sabi ko naman at hinawakang mabuti ang lalake.

Delikado talaga sa School. Elemental Chase Academy is not the type of school you wanted. Dapat ay Elemental Academy lang iyon pero many outsiders wanted the students. The powerful students. Tuwing natitrace namin sila ay laging may kapalit. Chase kumbaga. Sometimes, power ang kapalit. Sometimes money but mostly, ang hinihingi nilang kapalit ay yung gusto nung taong kukunin nila.

ELEMENTAL CHASE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon