Chapter 1 : At First Sight

298 3 0
                                        

Hi! Ako nga pala si Ina, 14 years old at isang 2nd year high school student sa UST. Isa lang akong ordinary na tao. Oo, nasa first section nga ako pero hindi po ako perpekto. Tulad din ako ng ibang kabataan na minsan nang nagmahal ng isang kaibigan at eto ang kwento ko : 

"Hi! Diba ikaw si Ina?" sabi ng isang lalaki sa 'kin. 

Ngumiti nalang ako sa kanya. Medyo may pagka-mahiyain din kasi ako pag hindi ko kilala yung tao eh. Nakalimutan ko nga palang sabihin na officer ako ng Student Catholic Action sa school namin. First club day kasi ngayon kaya nagpapakilala palang kami sa isa't isa. 

"Ako nga pala si Kuya James. 4th year na ako. 2nd year ka diba?"

"Yup, 2nd year. Ganito ba talaga pag club day? Andaming tao. Ang ingaaay." 

"Hahaha. Ganyan talaga yan. Mamaya tatahimik na yan."

Sa wakas, hindi ko na poproblemahin ang pagiging forever alone! May new friend na kaagad ako, 4th year pa! Saglit lamang at tumahimik na silang lahat. 

"Guys, magkakaroon tayo ng game so we'll be able to get to know each other. By pair siya. Since 38 tayong lahat including the officers, 19 pairs. Count off po muna tayo."

Sunud-sunod silang nagbilang. 

"1, 2, 3.........17!"

Ay, kay Kuya James sumakto yung number 17. Sana magkapareho kami ng number!

"18, 19, 1, 2, 3......17!"

"Yay!! Pareho kami!!" ang nasa isipan ko noon. Dahil narin siguro ito kasi maybe I find him interesting that's why I would like to get to know him better. 

"Hi ulit Ina!! Partners tayo!! Masaya 'to!" sabi ni Kuya. 

Pagkakasabi palang niya feeling ko nga magiging masaya 'tong araw na 'to.

"Here are the mechanics. We will give you 20 minutes to get to know each other. Kelangan, makapag-isip kayo ng pick-up line. The pair with the best pick up line will be the winners. Malinaw ba?" sabi ni Sir Legaspi

"Yes sir!!"

"O game, start na!"

"Keyboard ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi type kita eh."

"WEH CORNY!!!! Hahaha! Alam mo, para kang araw!"

"Bakit?"

"Kasi you light up my world like nobody else eh"

"Benta!! Hahahaha! Yun nalang!"

"Sige game!"

"Wait last na, alam mo, para kang langit."

"Bakit?"

Sasagot na sana si Kuya nang biglang nagsalita si Sir.

"O game guys! Tapos na yung time niyo!" 

"Kasi gagawin ko ang lahat, maabot lang kita." Halos 'di ko na 'to narinig pero buti nalang malakas ang pandinig ko. Tila binulong lang ni Kuya James 'to, para bang ayaw niya sabihin, parang bang totoo, parang... Hay nako! Tama na nga! 

Going back.. (to the corner?!)

"Times up! Lets proceed with the game!"

"Pair 1, 2, .....17!"

"Tayo na, game!!" 

Sa pagtawag sakin ni Kuya, hinatak niya yung kamay ko. Medyo nailang ako kasi hindi ako sanay na ganito. Normal lang naman siguro sa kanya 'to.

"Hay Ina, stop overthinking things." , inisip ko nalang.

After 5 minutes ng paglalaro and 10 minutes ng ibang members, natapos na rin.

Ang lalim ng iniisip ko. Para bang ang dami kong problema. Stressed lang siguro ako sa school. Bigla bigla ko nalang narinig : 

"Ang nanalo, sina James at Ina!"

sabi ni Ma'am Montiel.

"Panalo tayo Ina!!!!"

"Oo nga!!!! Prize! Prize! Hahaha!"

"Prize kayo diyan? Wala, pareho kayong officer eh!" sabi ni Sir.

"Awwwwww", sabay naming sinabi ni Kuya James. 

After a while, dinismiss na yung mga members. Natira lang kaming officers. Nagmeeting lang naman about sa next monthly mass. Pagkatapos ay dinismiss narin naman kami agad. After saying my goodbyes kina Ate and Kuya, bumababa na ako. Bigla nalang akong tinext ni Ate Iya.

From : Ate Iya

Ina, medyo matatagalan pa ako ah. Mga 5:30 siguro.

Pagkita ko sa relo, 4:30 palang pala. Saan naman kaya ako maghihintay nito? Eh wala pa naman akong dalang pera ngayon..

"Ina!"

Pagkalingon ko, si Kuya James pala yung tumatawag sakin. Nakita ko na mag- isa lang siya. Bigla siyang lumakad papalapit sakin.

"Uuwi ka na? Hanggang 5:30 pa kasi ako eh." sabi ni Kuya.

"Oh? Eh hanggang 5:30 din ako eh. May kasama ka?"

"Actually wala eh. Gusto mo libre kita? Punta tayo starbucks dali!!!"

Bigla bigla na naman niya hinatak yung sa may wrist ko. Haay, ganito ba talaga 'tong si kuya? Hahaha. 

Friends lang naman kami kaya okay lang. 

Naisip ko lang. Mas hihigit pa kaya kami sa pagiging magkaibigan?

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon