Chapter 16 : Indifferent.

91 0 0
                                    

James's POV

Ui! May meeting na naman kami. Makikita ko na naman si Ina. Ang tagal na since last ko siyang nakausap ah. 3 days na ata yun.. Namimiss ko na siya. Ni hindi ko man lang siya nakikita sa hallway. Para bang ayaw kaming pagtagpuin ng sadya eh.

Ay! Nakita ko pala siya ng isang beses 2 days before. Naaalala ko na. 

___________________________

2 DAYS BEFORE.... 

Ina's POV

"Karen, wait!"

"Why Ins?"

"Pasama sa locker!"

"Ay, hindi ko pa kasi tapos yung project namin sa Math eh."

"Okay lang yan! Tutulungan nalang kita mamaya. Promise."

"Sureness?"

"Yep. Pretty please!!"

"Hay, fine. Game."

"Sama ako!!"

"Weh Athena."

"Weh ka diyan Ina!"

"Joke hahaha game."

Buti nalang sasamahan ako ni Karen at ni Athena. Wala pa kasi yung iba kong friends eh. May practice ata sila for some dance? 

Hindi ko na nga makausap si Kuya James, tapos hindi ko pa makakasama sila Ja. Could this day get any more worse?

"Karen, Athena, waaaitt!"

"Bagal kasi eh. Mukhang daming iniisip ni Ina ah."

"Hay, Karen. Ang dami talaga.."

"About saan naman yan?" sabi ni Athena.

"Sa lahat. Studies. Friends...."

"Lovelife?" sabay nilang sinabi

"Ay hindi! Hindi! Hiyang hiya naman ako sa inyo eh no?"

"Omg!!!!!!"

"Omg what Karen?" 

"ANO BA ATHENA. LOOK!"

Napatingin narin ako kung kanino tumuro si Karen. Guess who? Edi kayo na laging tama! Sino pa ba edi si prince charming ko?

Omg. He's waving his hand at me. Must. Avoid. Looking.

"Halika na nga kayo."

Lumayo na kami. Hay. Sa wakas. Nakahinga rin ako ng maayos.

"ANO BA INS!!" reklamo ni Karen

"Hindi mo ba nakita yun? Nag-hi sayo si Kuya!" asked Athena

"So?"

"Anong so? Eh kung dati nga, nakikita mo lang siya, nababaliw ka na sa kilig eh." tanong ni Karen.

"Athena, shhh! Iniiwasan ko na kasi siya..."

"Iwas? Huh? Bakit?"

"Oo nga girl! Bakit ba? Sayang naman!"

"Sayang talaga! Sayang na sayang ang pagmamahal ko sa kanya at yung mga oras na iniisip ko siya. So pano yun? Siya manhid, ako naman MARTIR? Ayoko na magpakatanga dears. Wag niyo nalang akong kausapin about dun please.

"Okay.. But remember this Ins. Alam kong alam mo if your love for him is worth fighting for or not."

"Ako rin dear. Isipin mo. If you will give up, sure ka na ba na kaya mong harapin ang mga consequences? Regret always comes last. Remember that too."

"Karen, Athena. Promise, I will remember those. Salamat ha. I love you both!"

"Awww love you too Ins" sabi ni Karen.

"Love you din hehehe." sabi naman ni Athena.

"Game! Balik na tayo sa room. Malapit na mag 9:20 eh."

"After you girl!"

James's POV

Nag-Hi naman ako sa kanya nun pero bakit hindi niya ako pinansin?! Ang dami na naman niyang drama. Kahit kailan. Hindi ba siya magpapasalamat dahil nung hindi siya makaakyat ng hagdan, imbis na ako si Jeremy yung tumulong sa kanya? Ang gulo gulo niya. Akala ko ba may gusto siya dun sa lalaking yun?

Ang sama sama kong tao. Oo, alam ko. Pinapaasa ko si Sam. Di niyo na kelangang ipagduduran sakin yun kasi matagal ko na yang alam. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko paulit-ulit na sinasabi na siya yung gusto ko. Si Ina naman talaga.. Tsk. Ano ba James. Hopeless love lang yan. Wala talaga. Sana talaga malaman ko yung mga tumatakbo sa isipan niya. Ang labo kasi ni Ina eh. Hay. Pag umasa ka nga naman.. 

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon