Ina's POV
"YIEEE! MU SILA!!" "DIYAN NAGSISIMULA YAN!" "WAAH!"
Hindi ko na kaya. Kelangan ko nang umalis dito.
"Kuya, punta lang ako ng washroom ah."
"Okay."
Hindi ko mapigilan yung luha ko. Bigla nalang siyang bumuhos sa sobrang galit at lungkot. Hindi ko na talaga kaya to.
"Assumera ka kasi Ina eh!... Feeling mo... maiinlove... sayo yung..gag*ng yun?!"
Ayoko na!
"Ang..tanga..tanga mo! Ang tanga tanga tanga mo talaga! Pano..niya ako...magugustuhan..kung ganito...ako..KATANGA?"
*Tok tok tok*
"Ina. Si Ate Tin mo to. Okay ka lang ba? Buksan mo nga yung pinto."
*Tok tok tok*
"Iwanan mo na nga ako Ate! Hindi ko kelangan ng tulong mo."
*Tok tok tok*
"Kelangan mo to Ina. Please. Ina. Buksan mo na."
Binuksan ko nalang. Wala rin naman akong magagawa diba?
"Halika nga."
Niyakap ako ni Ate. Sabi na nga ba. Ito lang naman talaga ang kelangan ko..
"Tahan na Ina. Tahan na. Everything's going to be all right."
"Ang tanga tanga ko talaga! Umasa pa naman ako na magkakagusto rin sakin si Kuya!"
"Shhh. Hindi ikaw ang tanga. Si James ang tanga. Ang swerte swerte niya pero hindi niya nakita na may taong nagmamahal sa kanya tulad mo. Manhid. Shh. Iiyak mo lang yan dear."
"Paasa siya! Paasa siya.."
Pinunasan ni Ate Tin ang mga luha ko.
"Gusto mo punta muna tayo ng library? Nang sa ganun, walang makakakita na umiiyak ka."
"Sige Ate."
Nagpaalam muna si Ate Tin sa iba tapos sabay na kaming pumunta ng library.
"Upo muna tayo dito."
"Ate, sobrang thank you. Kung hindi mo ako pinuntahan kanina hindi na siguro ako nakasurvive sa pag-iyak ko. Siguro nagcollapse na ko sa sobrang hirap."
"Wala yun. Basta wag mo pipigilan yang mga luha mo. Kasi mas hindi magiging maganda kung naipon yang puot sa loob mo. Pag kelangan mo ng matatakbuhan, nandito lang ako."
"Ano bang meron kay Ate Sam na wala ako?"
"Shh. Wag mo isipin yan. Sus, wala ngang binatbat sayo si Sam eh. Maganda at matangkad lang yun. Tsaka ang arte arte nun eh. Konti nalang at siya na ang pinakamaarteng babae sa balat ng lupa."
"Hahahaha! Ate Tin talaga oh. Malaman niya na sinabi mo yan, lagot tayo!"
"Eh ano naman kung malaman niya? Totoo naman eh."
"Kung sa bagay.. Hahaha. Pero ate, pano pag nainlove sila sa isa't isa? Hindi ko ata kakayanin na makita silang magkasama."
"Oo nga eh. Siguro ganito nalang. Pag nakita mo sila, umiwas ka na. Wag mo na silang tingnan pa, Ina."
"Okay. Sige Ate. Ay, 4 na pala. Uwi na pala ako ate."
"O sige ba, ipapaalam ko na tayo kay Sir Legaspi. Wait ka lang dito ha."
.....................................
"Halika ka na Inss, pwede na daw."
"Hay.. Thank you ate."
.....................................
"Bye Ate!"
"Bye dear! Ingat."
BINABASA MO ANG
Taking Chances
RomanceCrush ko kasi siya.. Actually, hindi eh. Love ko na ata siya. Ewan ko ba. Alam kong namang imposibleng mangyari yung gusto ko.. Duh? Si Kuya pa. Pero kahit na ganun, hindi ako susuko. I don't want to miss any given chance. What if it happens but I m...
