"Sure ka bang kaya mo nang mag-isa?" sabi ni Ate Issa.
"Sure na sure na sure na sure! Malakas na ako no."
"O sige, basta pag nagkaproblema, tawagan mo lang kami ni Ate Iya, okay?"
"Yes Ate. Bye!!"
"Bye! Ingat."
Sa wakaaaaass!!! Nadischarge narin ako sa hspital. Alam niyo, kahit na gustong gusto ko na binibisita ako ni Kuya dun, ayoko parin yung feeling ng nasa hospital. Naaalala ko kasi nung nagkasakit si Mama eh. Last year lang yun kaya hindi parin talaga ako maka-move on sa pagkawala niya sa amin.. Pero at least, anandyan naman yung family and friends ko. Natuto narin ako on how to be more independent.
Paakyat na sana ako ng stairs nang bigla akong nahulog. Ano ba namang klaseng buhay 'to oh.
"Ayy!!!!"
Pero buti nalang may nakasalo sakin. SINO? EH SINO PA BA KUNDI SIYA. DUHH! Biruin mo si Kuya James na naman? Paulit-ulit? Unli? :)))))) Is this really destiny? Hahah! Landi!
BLUSH!!!!
"Ano ba yan, Ganda! Sana tinawag mo ko, edi natulungan kita papunta ng room niyo."
"Akala ko kasi, kaya ko na eh. Salamat talaga Kuya!"
"No prob. Ikaw pa! Buti nga nasalo kita eh."
Kung sinabi ko bang nahulog na ako sayo, sasaluhin mo ba ako? Parang hindi naman yata eh...
"Anong parang hindi?"
Did I just say that out loud?
"U-uhh.. wala yun. Sige akyat na ako."
"Hindi na, tutulungan kita."
"EHEM."
Teka, sino naman ba yun? Ay... si Ate Sam pala. Yung maarteng babaeng yun panira talaga ng kilig moment! Bahala siya sa buhay niya!
"Ui, oo nga pala. May pupuntahan pala kami ni Sam. Sorry Ina.. ui! Nandun naman pala si Jeremy! Jeremy!!"
"O, Kuya James. Hi Ate Sam. Hi.... Ina."
AWKWERRD. Nginitian ko nalang siya..
"Pwede mo bang tulungan si Ina paakyat? Nahulog kasi kanina eh. Dapat ako na tutulong kaya lang may kelangan pa kaming puntahan ni Sam eh."
"Ahh.. Okay."
"Sige Ina ah. Bye! Sorry ulit."
"Hindi ko naman kelangan ng tulong mo eh. Sana pinabayaan mo nalang akong mahulog." sinabi ko, sabay akyat ng hagdan kasama si Jeremy.
"Ina! Ui! Ganda! .... Ano ba yan. :( " Narinig kong sinabi ni Kuya.
Bahala siya sa buhay niya. Magsama sila ng babaeng yun. :// ( BITTER :)) )
Ayun.. tinulungan naman ako ni Jeremy paakyat ng room. Magkaklase naman kami eh. Nako. Eto na naman yung mga kaklase ko! Hay.. Mga walang magawa sa buhay..
"YIEE INA!" "Ins, pano na si 3+3?!" "Pabago-bago naman 'tong si GANDA" "Halaaa. Lagot ka kay prince charming mo!"
"Shh! Tumahimik nga kayo. Ano namang masama kung tinulungan ko siya?"
"Sorry naman! Tao lang."
Hay. Mga kaibigan ko talaga. Nababaliw na! Hahaha.
..................................................................
Kinabukasan...
"Psst. Ina."
"Wag mo nga akong kausapin. Traydor."
"Ui. Sorry na kasi..."
"Sorry ka diyan. Nakita mo nang hirap ako umakyat, iniwan mo pa ako. At sa lahat naman ng tao, SI JEREMY PA?"
"Sorry talaga. Matagal na kasi akong kinukulit ni Sam eh... Teka, akala ko ba crush mo si Jeremy?"
HALA.
"Ahh. Uh, oo. Pero kilala mo naman ako. Mahiyain..."
"Sus Ins. Straight to the point dapat! Learn from the expert." sabay kindat.
"Ewwwww. Eh hindi mo pa nga nililigawan si Ate Sam eh. Teka, kayo na ba..?"
"Hindi pa no."
Hindi PA?!
Hindi PA. Hindi PA!... Hindi.. PA?
"Anong hindi pa? May balak ka?"
"Malamang! Bakit, bawal ba?"
BAWAL! Kung pwede ko lang sabihin sa kanya. Kaso.. alam ko namang wala akong karapatan para sabihin yun. May gusto ba siya sa 'kin? Wala. Mahal ba niya ako? Hindi. Kami ba? Imposible. Sabi ko na sayo Ina, give up ka na eh. Wala ka namang mapapala diyan. Hindi ka naman gusto nun eh. Never was.. never will.
Ui sige, balik na ako sa room namin. Bye Kuya."
"...Bye?"
Sht! Hindi ko sinagot yung tanong niya kung bawal ba! Patay. Baka kung anong isipin nun. Hay. Bahala na.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
RomanceCrush ko kasi siya.. Actually, hindi eh. Love ko na ata siya. Ewan ko ba. Alam kong namang imposibleng mangyari yung gusto ko.. Duh? Si Kuya pa. Pero kahit na ganun, hindi ako susuko. I don't want to miss any given chance. What if it happens but I m...
