James's POV
Ano ba yan. Sa totoo lang, ayaw ko talaga ng mga ganitong klaseng trip eh. Spin the Bottle? Eh diyan nagsisimula lahat ng away eh! Kasi naman, bakit pa ba kasi to sinabi ni Ina eh.
Spin. Spin. Spin. Stop.
Sht. Kay Ina nagstop. Malamang sa malamang ang itatanong na naman dito kung sino yung crush niya. Sino naman kaya..?
"U-uuhhh. Si jeremy. Classmate ko."
Si.. Si.. Jeremy?!
Tama ba yung pagkarinig ko? Si Jeremy? Yung kaklase niya? Siya..?
Ayoko na. Hindi ko na kaya. Tama na.
Bakit si Jeremy pa?
Bakit hindi nalang..... AKO?
Sabi ko sayo James, hinding hindi ka magugustuhan ni Ina. Hinding hindi talaga. Dahil ni minsan, hindi mo naabot yung standards niya sa isang lalaki. Tingnan mo nga siya, maganda, mabait, matalino. Eh ikaw? Pasaway, boring. Ang bababa pa ng grades mo sa school. Sa tingin mo ba magugustuhan ka niya na almost perfect?
Dapat sinabi ko na sa kanya noon pa. Nung maaga pa. Para nang sa ganun, alam niya...
Eh kaya ko lang naman hindi sinabi sa kanya ng diretso kasi natatakot ako. Natatakot akong baka layuan lang niya ako. Ano ba yan? Kalalaking tao mo, duwag ka?
Sa kanya lang. Sa kanya lang ako naduduwag. Pag kasama ko siya, parang kahit ano nasasabi ko sa kanya. Hindi ko kelangang ibahin ang sarili ko kapag kasama ko siya. Nalulungkot ako pag hindi ko siya kasama. Pag hindi ko siya makita, hinahanap-hanap ko siya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil sa isang babae.
Pero hindi lang basta isang babae si Ina. She's one of a kind. Ngayon lang ako nakakilala ng someone who is beautiful, smart, confident and easy to talk to. Para bang naging bestfriend ko na siya.
Siya lang ang hangarin ko. At ang sakit sakit isipin na hinding hindi niya mararamdaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang sakit eh. Alam kong hinding hindi niya ako mamahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Ayoko na. Hindi ko na kaya.
Baka mahalata nila. Makikiride nalang rin ako...
"Yieeeee. Inlove si Ms. Ganda. Swerte siguro ni Jeremy mo."
"Shh kuya, wag ka maingay ah."
"Sure ganda. Ikaw pa."
Ano na naman ba to? Bumabalik na naman yung feeling ko pag kausap ko siya.. Kelan ba to titigil? Ang hirap mong mahalin, Ina. Sobra.
Spin. Spin. Spin. Stop.
Puch puch naman o! Sakin nagstop? Hay. Buhay nga naman.
"Kuya James!!!! Game! Sino crush mo?"
"Ikaw Ina ha. Interested?"
Loko ka James! Interested ka diyan?
"Baliw! Sino ngaaaa?"
"U-uuhhh.."
Shhtttt. Sino kaya.. Si Sam nalang kaya? Siya naman yung akala nilang crush ko eh. Tsaka crush niya naman ako so..... Good idea James!
"... Si... Sam?"
BINABASA MO ANG
Taking Chances
RomanceCrush ko kasi siya.. Actually, hindi eh. Love ko na ata siya. Ewan ko ba. Alam kong namang imposibleng mangyari yung gusto ko.. Duh? Si Kuya pa. Pero kahit na ganun, hindi ako susuko. I don't want to miss any given chance. What if it happens but I m...
